Opening the book…

Produced by Tamiko I. Rollings, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net. Special thanks to Elmer Nocheseda for providing the material for this project. Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

ANG

=BAGONG ROBINSON,=

HISTORIANG NAGTUTURO

NANG MABUBUTING CAUGALIAN,

NA GUINAUANG TANUN~GAN

NANG ICATUTO AT ICALIBANG NANG MAÑGA
BATANG BABAYI,T, LALAQUI.

TOMO I.

MANILA
IMPRENTA DEL COLEGIO DE SANTO TOMÁS,
Á CARGO DE D.G. MEMIJE.

=1879.=

ANG

BAGONG ROBINSON,

HISTORIANG NAGTUTURO

NANG MABUBUTING CAUGALIAN,

NA GUINAUANG TANUN~GAN

NANG ICATUTO AT ICALIBANG NANG MAÑGA BATANG
BABAYI,T, LALAQUI.

ISINULAT NANG SEÑOR CAMPE,

isinalin sa uicang castilla ni D. Tomás de Iriarte, at n~gayo,y, tinagalog ni D. Joaquin Tuason.

TOMO I.

=MANILA=
IMPRENTA DEL COLEGIO DE SANTO TOMÁS,
Á CARGO DE D.G. MEMIJE.

=1879.=

Es propiedad de la Comunidad
de PP. Dominicos.

=D. LUIS REMEDIOS, PRESBÍTERO,=

Prebendado de Esta Santa Iglesia Catedral Y Secretario de Cámara Y Gobierno Del Arzobispado De Manila, Etc., Etc.

Certifico: que á una instancia presentada por D. Joaquin Tuason, en solicitud de licencia de impresion, S. E. I. el Arzobispo mi Sr. se ha servido decretar lo siguiente:

[Nota: Lugar del sello]

«Manila 15 de Noviembre de 1878.--Por la presente y por lo que á Nos toca, concedemos la licencia necesaria para que se pueda imprimir el manuscrito tagalo titulado El Nuevo Robinson; en atencion á que de nuestra órden ha sido examinado, y no contiene, segun la censura, cosa alguna contraria al dogma católico y sana moral. Líbrese por Secretaría copia certificada de este decreto al interesado; y archívese original.--Fr. Pedro, Arzobispo.--Por mandado de S. E. I. el Arzobispo mi Sr.--Luis Remedios, Srio.»

En cumplimiento del preinserto decreto, libro la presente certificacion en esta Secretaría de mi cargo a quince de Noviembre de mil ochocientos setenta y ocho.--L. Remedios.

DIRECCION GENERAL DE ADMINISTRACION CIVIL De Filipinas.

El Excmo. Sr. Gobernador General de estas Islas, con esta fecha ha decretado lo siguiente:

«Vista la instancia suscrita por D. Gervasio Memije en la que solicita autorizacion para imprimir y publicar la obra titulada, Ang Bagong Robinson.--Visto el informe emitido por la Comision permanente de Censura:--Resultando que la obra de que se trata en nada afecta á la sana moral y buenas costumbres.--Este Gobierno General, de conformidad con la expresada Comision de Censura y lo propuesto por la Direccion general de Administracion Civil, autoriza á D. Gervasio Memije para imprimir y publicar la obra en tagalo «Ang Bagong Robinson»; debiendo sujetarse á lo que previene el art.° 4.° del Reglamento de Imprenta, prévio pago de los derechos de firma correspondientes.»

Lo que traslado á V. para su conocimiento, acompañandole la obra de que se trata. Dios guarde á V. muchos años. Manila 11 de Diciembre de 1878.--J. Cabezas de Herrera.

Sr. D. Gervasio Memije.

PAGHAHANDOG NANG TUMAGALOG

SA MALOUALHATING ARCÁNGEL S. RAFAEL

Sa Pagbibigay Puri at Pagganting Loob Sa Caniya.

* * * * *

Pintacasi naming hayag ang alindog
icatlong Principe sa Reino nang Dios;
sa man~ga demonio,y, caquilaquilabot,
daig pa ang lalong marahas na culog.

Sa carunun~gan ca,y talang maliuanag,
sa capangyarihan ay sacdal nang taas,
at sa caauaa,y, ualang itutumbas
sa lahat nang tauo,y, pinalalaganap.

Isa ca sa pitong laguing nagbabantay
sa daquilang trono na cagalang galang
niong Pan~ginoong pinan~gin~ginigan
nang lupa at lan~git at boong quinapal.

Haliguing matibay na hindi magahis
niong man~ga diuang sacdal nang lulupit,
at mabisang lunas sa dalita,t, saquit
nang sinomang tauong napatatangquilic.

Iyong sinusugpa,t, hindi paguitauin
ang capalaloan nang lilong Lucifer
sampong tanang campon na man~ga souail
dinuduahagui mo,t, laguing sinusupil.

Bunying catiuala nang Ualang capantay
at sugo sa madla,t, malalaquing bagay,
Icao ang ligaya,t, tan~ging caaliuan
nang nan~galulugmoc sa capighatian.

Daraquila ca n~ga,t, di icatlo lamang
nang hari sa lupa na may cahanganan,
cundi nang sa lan~git na Ualang capantay
at di matapos magpacailan man.

Yaong libolibong man~ga Espíritus
sa camahalan mo ay nagsisisunod,
palibhasa icao siyang ihinulos
catiuala niyong Amang mapagcupcop.

At sa tumatan~gis na sangcatauohan
habang na sa lupa,t, nan~gin~gibang bayan
icao ang pang-ampat sa luhang nunucal
na pinadadaloy nang capighatian.

Icao ang sumama sa batang cay Tobias,
sa madlang pan~ganib iyong iniligtas,
gayon din sa iba na nan~gaglalacad,
bagama,t, di namin napagtatalastas.

Sa alin mang saquit nang nagdaralita
sa banig nang dusa,y, lunas cang mabisa,
lubhang mahalagang handog na biyaya
nang Lan~git sa tauong ibig matimauà.

Man~ga nagnanasà na tumangap naman
niong matrimonio sacramentong mahal,
sa inyong saclolo,y, dapat na magsacdal
sa magandang palad nang houag masinsay.

Man~ga bagong casal naman ay gayon din,
ay nararapat ca nilang pintuhoin,
nang sila,y, maligtas, at houag masupil
nang lilong demonio Asmodeong tacsil.

Ang man~ga magulang na ang man~ga anac
ay nan~gauaualay, dapat na tumauag
sa camahalan mo, at nang man~galigtas
sa madlang pan~ganib na tulad cay Tobías.

Sa catagang uica,y, ang ibig magcamit
nang tunay na toua,y, sa iyo,y, manalig,
mahal na Arcángel, na halal nang Lan~git,
magtangol sa tauo sa bayan nang hapis.

¡Oh mapagcandili,t, maamong Arcángel!
na taga pagampon sa madlang hilahil,
alio sa pighati,t, paraluman mandin
sa pacay nang nasang bayang Jerusalem.

Jerusalem bagang caloualhatiang
tinutun~go namin habang nabubuhay,
caming iyong lingcod doo,y, ipatnubay
sa touid na landas nang houag masinsay.

Linalacbay nami,y, malauac na mundo
na punô nang silo nang lilong demonio,
¿ito,y, dili caya icababalino
nang puso mong handang laguing sumaclolo?

Diyan sa ligaya na hindi masaysay
nang bait nang lalong capahampahaman
at na sa piling ca niyong carurucan
nang Dios na ualang hangang cataasan.

Ipamaguitan mo aco,t, nang maligtas
sa di magpatantang tucso ni Satanás,
na nan~gingimbulo,t, ibig mapahamac
maramay sa caniya ang sangmaliuanag.

Sa di nasayaran nang sa salang dun~gis
na Virgeng binucalan nang gracia at diquit,
ay idalan~gin mo caming humihibic
sa guitnâ nang ualang ulat na pan~ganib.

Yayamang sa caniyang mapalad na camay
lahat nang biyayà ay pinararaan
nang lumic-hâ nitong boong sangtinacpan,
ani San Bernardong lingcod niyang hirang.

Cami tulun~gan mo, daquilang Arcángel,
na magpasalamat sa maginang Virgen
sa di tumitila,t, auang sapinsapin
bagama,t, cuhila,t, sucab na alipin.

Joaquin Tuason.

Pasig, arao ni San Rafael Arcángel, icadalauang puo,t, siam nang Setiembre nang taong isang libo ualong daan pitong può at ualo.

=PAOUNAUA NANG TUMAGALOG.=

* * * * *

Ang cumat-hâ nitong Historia Moral, ay ang Sr. Campe, at ang inilagay na pamagat ay Ang Bagong Robinson, at nang maiba sa isang isinulat ni Daniel Dafoe sa pasimula nang nacaraang siglo, na ang pamagat ay Buhay at man~ga cahan~gahan~gang aventuras ni Robinson Crusoé._Itong dating Robinson ang siyang nagbigay sa pagcat-hâ nang bago nang man~ga bagay na quinaoouian nang boong Historia nang isang bayaning totoong tan~gi dahil sa man~ga di caraniuang napagsapit nang caniyang buhay, na totoong cacaiba sa lahat nang man~ga tauo dahil sa man~ga sacunang nangyari sa caniya: ang buhay nang isang tauong nacaisaisa, napilitang gamiting ualang licat ang lacas nang caniyang catauan at ang boong ipinangyayari nang caniyang caloloua, sa pagca,t, ualang macatulong na sinoman at siya,y, nacaisaisa sa pulô.

Ang sumalin sa uicang castilà nito ay si Don Tomàs de Iriarte, at nang mangyaring paquinaban~gan nang man~ga binatang babayi,t, lalaqui, dahil sa magagandang aral na nacacalat sa buong librong ito. Humihicayat nang pagibig, paggalang at pagpapasalamat sa macapangyarihang Pan~ginoon at Ama nang lahat nang tauo; nagpapausbong sa pusò nang pagasa sa caniyang caauaan sa alin mang caguipitan at pag-ayon sa caniyang calooban.

Ito at madla pang mabubuting aral at cahatulan ang mananamnam nang babasa sa Historiang ito, na bucod sa pagcacaliban~gan, ay maraming bagay na macucunang uliran, at ito,y, siyang dahil caya co inihulog sa uicang tagalog.

Sa pagtagalog nito,y, aquing linisan ang inaacalà cong uari hindi paquiquinaban~gan nang man~ga tagalog; gayon din naman aquing dinagdagan nang pagmamacaauà sa mapagpalang Virgen sa touînang daratnan si Robinson nang anomang casacunaan; sa pagca,t, dili carampatang lisanin nang sinomang nagcapalad tumangap nang lunas na tubig nang santo Bautismos ang pagsasacdal, paghibic, at pagmamacaauà sa Ina nang ating Mananacop, na guinaua niyang alolod na aagusan nang dilang graciang ipinagcacaloob sa man~ga tauo, ayon sa uicà ni San Bernardo: Deus nihil voluit nos habere, quod per manus Mariæ non transiret. «Ayao ang Dios na pagcalooban tayo nang anomang gracia na di pagdaanin sa man~ga camay ni Maria.»

Idinagdag co rin naman dito na sa pagtitiis nang anomang cahirapan, ó pagcacamit nang anomang caguinhauahan ay hindi lamang ang dapat han~garin ay ang magandang capalaran sa buhay na ito, cundi lalonglalò na ang maguing daan nang ipaglilingcod sa Dios at ipagcacamit nang caloualhatiang ualang hangan.

Sa catapusa,y, inihandog co sa maloualhating Arcangel S. Rafael, pagbibigay puri bilang at pagganting loob dito sa lubhang maauaing Pintacasi nang man~ga maralitâ at icatlong Principe na lagui nang nagbabantay sa cagalanggalang at di matingcalang carorocan nang Ualang capantay. Bucod dito,y, totoong nababagay ang pamimintacasi dito sa totoong mapagcalin~gang Arcangel sa sinomang natitiualag sa caniyang magulang at nasa guitnâ, nang dilang casacunaan at caralitaan, tulad cay Robinson, na baga ma,t, isang halimbauà ó talinhagà lamang, ay magagauang uliran nang sinomang na sa sa isang caguipitan at capan~ganiban, nang houag huminà, malupaypay at maghinampo ang loob sa Namamahalà nang sangdaigdigan, bagcus umayon sa caniyang calooban, manalig sa ualang hangan niyang caauaan, sambahin ang di malirip niyang carunun~gan, na ang inaacalà natin na isang casacunaan at cahirapan ay bun~ga nang caniyang pagibig na pagcacaraanan nang ualang hanga nating caloualhatian, cung baga,t, ating matiis, at tangapin nating malumanay sa loob at pasalamatan, maguing caguinhauahan at maguing cahirapan man, ang minamarapat niyang ipagcaloob sa atin._

_Sucat hangan dito, bumabasang irog, at pagcaliban~gan mo naua,t, paquinaban~gan itong catouatouang buhay ni Robinson, na caya co tinagalog ay iniutos sa aquin nang man~ga Pareng Dominico, at nang cunang uliràn naman nang sinomang babasa._

=SINALIN SA TESTO=

Nang

=INCA GARCILASO DE LA VEGA.=

* * * * *

Sa unang bahagui nang man~ga Comentarios reales ay nababasa sa capitulo VII. itong susunod:

«Ang islang (capuloan baga sa tagalog) tinatauag na Serrana, na na sa pag-itan nang Cartegena at Habana, ay tinauag nang gayon, dahil sa isang castilang ang pan~galan ay Pedro Serrano, na ang caniyang daong ay napahamac na nabagbag sa malapit sa pulóng ito, at siya lamang ang nacaligtas, sa pagca,t, totoong mabuting luman~goy, at nacarating sa naturang pulô na uala isa mang bahay; di sucat matirahan nang tauo, ualang tubig at cahoy, doon siya tumahang may pitong taon, at sa caniyang casicapan ay nagcaroon siya nang cahoy at tubig, at nacacuha nang apuy, (ang nangyaring ito,y, isang bagay na catacataca, na marahil ay sasabihin natin sa ibang lugar.) Sa apellídong Serrano ay tinauag ang pulóng yaong Serrana, at Serranilla ang isang pulô namang calapit niyaon; at nang houag pagcamal-an ang baua,t, isa.»

Saca sinasabi sa capitulo VIII.

«Nararapat munang bago natin ipatuloy, ay sabihin nating ang nangyari cay Pedro Serrano. Si Pedro Serrano ay luman~goy sa pulóng yaon na dati,y, ualang n~galan, na ang pagcasabi, ay may dalauang leguas sa binilogbilog. Gayon din halos ang sinasabi sa sulat nang paglalayag na ipinaquiquilala na may tatlong pulông totoong maliliit, na may maraming cababauan ó pungtod............................. at sinasabing gayon din ang pagcalagay niong tinatauag na Seranilla, na yao,y, limang maliliit na pulô na may lalong maraming pungtod mahiguit sa Serrana; at caya n~ga lumalayò doon ang man~ga sasac-yan dahil sa capan~ganibang ito ...»

«Si Pedro Serrano ay napahamac sa paglalayag dito, at nacarating nang lan~goy hangang sa naturang pulô, sabihin ang lumbay nang siya,y, naroroon na, sa pagca,t, ualang maquitang tubig, cahoy at halaman man na ipagpatid uhao, ó anomang bagay na sucat niyang pagcaliban~gan, at ninanasang magdaan ang alin mang sasac-yan, nang siya,y, macaalis doon, at nang houag siyang mamatay sa gutom at uhao, na inaari niyang lalò pang maban~gis sa cung siya,y, nalunod doon, sa pagca,t, lalong madalî ang hirap. Caya sa unang gabi ay uala siyang guinaua cundi tan~gisan ang sauî niyang capalaran, at di mamagcano ang lumbay dahil sa gayong capiitan na sucat icapighatî nang sinoman. Nang maguumaga na,y, muling linibot ang pulô, at naquita niya,y, maraming man~ga aliman~go, hipon at iba pang ganganito na nangagaling sa dagat, humuli siya nang ilan at caniyang quinain nang hilao, sa pagca,t, uala siyang apuy na paglutoan.

Dito,y, humintò siya hangang siya,y, nacaquita na may lumalabas na man~ga pagóng: nang maquita niyang malayò sa dagat ay hinandulong niya ang isa, at caniyang ibinaligtad; gayon din ang guinaua niya sa iba na caniyang nahuli, at nang houag macatacbo; at sacá quinuha niya ang isang sundang na caniyang daladala sa bayauang, na siyang dahil na iquinaligtas niya sa camatayan, hiniua niya ang isa sa naturang pagóng, at ininom niya ang dugô. sa pagca,t, ualang totoong maquitang tubig: ganito rin naman ang guinaua niya sa ibang man~ga pagóng; ang lamán ay ibinilad niya sa arao, at caniyang cacanin, na guinaua niyang pindang ó tapa, at nang mangyaring ang balat ay magaua niyang sahuran nang tubig cung umuulán, sa pagca,t, doon ay totoong maulán. Sa paraang ito,y, siya,y nabuhay, at nacacain sa man~ga unang arao na pagcatirá niya doon; pinapatay niya ang lahat nang man~ga pagóng na caniyang mahuli; at mayroong totoong malalaqui na hindi niya ma ibaligtad, at natatalo siya sa lacas; at cahit quinucubabauan niya at sinsac-yan ay hindi niya matalo, at itinatacbo siya sa dagat; caya natalastas niya cung alin ang man~ga pagóng na caniyang nahuli at cung alin ang hindi. Sa canilang talucap ay maraming nasahod na tubig si Serrano, sa pagca,t, mayroong totoong malalaqui na naglalaman nang dalauang arrobang tubig at mayroon namang mumunti na cacaunting tubig ang nasisilid.

Nang maquita ni Pedro Serrano na marami siyang baon na cacanin at iinumin, ay inacalà niya na cung siya,y, macaquita nang apuy, nang mailutò niya ang caniyang cacanin, at nang siya naman ay macapagpausoc, cung may dumadaang alin mang sasac-yan, sa pagca,t, ito,y, isang palatandaan, ay uala nang cuculan~gin sa caniya. Sa pagnanasang ito, sa pagca,t, siya,y, tauong magdaragat, na sa alin mang cahirapan ay madaling gumaua nang paraan sa iba, humanap siya nang bató na magagauang pingquian, sa pagca,t, ang caniyang sundang ay gagauin niyang binalol ó pamingquî; at sa pagca,t, ualang maquitang bató sa pulô, at yao,y, nababalot nang buhan~ging patay, ay ang guinaua,y, napasadagat, sumisid siya at humanap sa ilalim nang bató; at sa totoong pagpipilit ay nacacuha nang man~ga pinquian, at pinili niya ang lalong mabuti, at caniyang binibiac na pinaguumpog ang dalauang bató nang magcaroon nang talím na pagpipingquian, tinicman niya na piningqui nang caniyang sundang, at nang maquitang linalabasan nang apuy ay pinagpunitpunit niya ang capisang niyang barò, at pinagligasligas niyang maliliit, na siya niyang guinauang lulog, at sa caniyang catiyagaan at cauulit nang pagpingquî ay nacucuha siya nang apuy.

Nang mangyaring houag mamatay at houag mapugnao ang caniyang apuy ay cumuha siya nang maraming yaguit na ipinapadpad sa tabi nang man~ga alon sa dagat, at pinamumulot niya ang man~ga capicapisang na cahoy, na tinatauag sa castila na ovas marinas, at man~ga tabla nang man~ga sasacyang nadudurog sa dagat, at man~ga talaba at man~ga butó nang isdà, at iba pang man~ga bagay na magdidiquit sa apuy. At nang houag mamatay sa ulán, ay gumaua nang isang cubocubohan na pinagugnay-ugnay ang man~ga talucab nang man~ga pagóng na pinatay niya, at totoong pinacain~gatan na houag mamatay.

Sa loob nang dalauang bouan, at marahil ay culang culang pa, sa cauulán, sa arao at sa calamigan nang lugar na yaon ay siya,y, naguing hubo,t, hubad, dahil na nabuloc ang caniyang damit na bahaguià na lamang nacatatataquip sa caniya. Dahil sa totoong cainitan nang arao ay nahahapó siyang masaquit, sa pagca,t, damit man ay uala siya, lilim man ay uala siyang masilun~gan. Capag siya,y, totoong nahihirapan nang init, ay lungmulubog siya sa tubig. Nabuhay siya nang tatlong taon sa ganitong cahirapan, at sa panahong ito ay nacaquiquita siya nang man~ga ilang sasac-yan na nagdaraan doon; datapoua,t, cahit siya,y, nagpapausoc, na siyang tandà sa dagat nang tauong nasisinsay at napapahamac, ay hindi napupuná nang man~ga sasac-yan, ó dahil caya sa catacutan sa man~ga pungtod ay hindi macapan~gahas lumapit sa caniyang quinalalag-yan at nagpapatuloy nang paglayag. Ang bagay na ito,y, totoong ipinagpipighati ni Pedro Serrano, na pipiliin ang camatayan, houag lamang magtiis nang ganoong cahirapan. Sa sin~gao nang lugar na yaon ay totoong humahabà ang balahibo nang boong catauan, na anaqui balat nang hayop, na tila sa baboy damo; ang buhoc at ang balbas ay dungmarating hangang sa bayauang.»

«Nang macaraan ang tatlong taon, isang hapo,y, malayò sa gunità ni Pedro Serrano ay nacaquita nang isang tauo sa pulóng yaon, na sa gabing nacaraan ay napahamac siya sa man~ga pungtod ó cababauan doon, at ang caniya lamang natimbulan ay capisang na tabla nang sasac-yan, caya siya nacarating doon; at sa pagca,t nang magliuanag ay naquita niya ang usoc nang apuy ni Pedro, sinapantaha niyang may tauo roon, linapitan niya sa lan~goy, na ang caniyang quinacapitan ay ang naturang tabla. Nang magcalapit na ang dalaua, ay di sucat matalastas cung sino ang lalong napapaman~ga sa dalaua. Inisip ni Serrano na ang caniyang naquiquita ay ang demonio na naganyong tauo na tutucso sa caniya, nang siya,y, magpatiuacal. Ang isip naman nang bagong dating ay si Serrano ay ang tunay na demonio, sa pagca,t, totoong habà nang man~ga balahibo, balbas at man~ga buhoc. Capoua nagsitacbo, at si Pedro Serrano ay naguicà nang ganito: «Jesus, Jesus, iligtas mo aco, Pan~ginoon co, sa demonio.» Capagcarin~gig nito ay naalis ang tacot nang isa at inacalà na si Pedro Serrano ay tauo ring capoua niya, caya pinagbalican at pinagsabihan nang ganito: «houag cang lumayò sa aquin, capatid co, sa pagca,t, aco,y, cristiano ring para mo» at nang siya,y maniualà ay dinasal niya nang malacas ang Sumasampalataya, at nang marin~gig ni Pedro ay pinagbalican niya, at ang dalaua,y, nagyacap nang daquilang pagibig, at dinaluyan ang canilang man~ga mata nang maraming luhà, yayamang sila,y, pinagsing isang palad sa iláng na yaon, na uala nang pagasang macaalis pa. Halihaling sinasalita ang pinagdaanan nilang buhay. Inacalà ni Pedro na ang caniyang casama,y, nagugutom, ay binigyan niya nang pagcain at pagìnom; dahil dito,y, naauasuasan ang caniyang paghihinagpis, at pagcatapus ay pinagusapang mulî ang canilang pamumuhay sa macacayanan, na pinagbahabahagui ang man~ga oras nang arao at gabi sa paghanap nang canilang icabubuhay sa dagat, at ang man~ga cahoy at man~ga buto nang isdâ, at iba pang man~ga bagay na icapagdidiquit nang apuy; at lalong lalò na ang laguing paglalamay, na sila,y, naghahalihalili, nang houag mamatay ang apuy. Ganito ang canilang pamumuhay nang man~ga ilang arao; datapoua,t, hindi naglaon at sila,y, nagcaalit, at dahil dito,y, sila,y, nagbucod nang pagcain, na ang culang na lamang ay magbabag: nang dito,y, mapagquiquilala ang casam-an nang ating man~ga caugalian. Ang dahil nang canilang pinag-aauayan ay ang pagsasabi nang isa sa isa, na hindi quinacalin~ga ang dapat gauin; at ang cagalitang ito,t, man~ga pan~gun~gusap ay siyang ipinagcaalit nila at ipinagcahiualay. Datapoua,t, sila rin, nang macapagmunimuni na, ay naghin~gian nang tauad, at nagcaibigang mulî, at macasamang nabuhay na may apat na taon. Sa panahong ito,y, naquita nilang dungmaan ang ilang sasac-yan, at sila,y, nagpausoc; datapoua,t, hindi nila pinaquinaban~gan, at hindi sila napansin nang man~ga sasac-yan; caya n~ga di mamagcano ang canilang capighatian, na culang na lamang ay malagot ang canilang hinin~ga.»

«Sa catapusan nitong mahabang panahon ay nagcataong dumaan doon ang isang sasac-yang totong nalalapit sa canila, na nacaquita nang canilang pagpapausoc, at ibinunsod sa canila ang bangca, at sac-yan nila sa pagparoon sa daong. Si Pedro Serrano at ang caniyang casama na capoua nagsihabà na ang canilang man~ga balahibo at balbas, ay nang malapit na ang bangca, ay nang houag acalain nang man~ga marinero na sila,y, demonio, ay dinasal nila ang Sumasampalataya at sinambit nila nang malacas ang n~galan nang ating Mananacop; at dahil dito,y, hindi nan~gatacot ang man~ga marinero, cahit sila,y, ualang anyong tauo. Dinala na sila sa canilang sasac-yan, na di mamagcano ang pagtataca nang balang sa canila,y, macaquita at macarin~gig nang man~ga cahirapang canilang pinagdaanan.

Ang casama,y, namatay sa dagat nang papatun~go sa España. Si Pedro Serrano,y, dumating dito, at lumipat sa Alemania, na siyang quinalalag-yan nang Emperador sa panahong yaon: hindi inaahit ang caniyang balahibo, balbas at buhoc, at nang maguing tandâ at catunayan nang caniyang pagcabagbag, at nang lahat nangyari sa caniya. Sa lahat nang bayang caniyang pinagdadaanan, cung ibig niyang paquita ay nagcacaroon siya nang maraming salapi. Ilang man~ga guinoo at man~ga caballero na nacaibig macaquita nang lagay niya, ay pinagcacalooban siya nang gugugulin sa caniyang paglacad; at ang Emperador sa pagcaquita sa caniya at pagcarin~gig ay pinagcalooban siya nang apat na libong piso, na bouis sa taon taon. Nang cucunin niya, ay namatay siya sa Panamá, na hindi niya nacamtan.»

«Ang lahat nang salitang ito, para nang nabanguit na, ay sinasalita nang isang Caballero na ang n~gala,y, si Garci-Sánchez de Figueroa, na sa caniya co napaquingan, at nacaquilala cay Pedro Serrano; pinatotoohanan niya na sa caniyang bibig napaquingan, at nang matapus na siya,y, maquita nang Emperador ay binauasan nang cauntì ang caniyang buhoc at balbas nang houag dumating hangan sa bayauang; at cung siya,y, natutulog sa bagi ay pinupusód niya, at cung hindi gayon, ay sungmasabog sa hihigan na nacalilingatong sa caniyang pagtulog.»

=ANG BAGONG ROBINSON.=

* * * * *

HISTORIA MORAL

* * * * *

PASIMULA

Sa isang bahay sa parang na di nalalayóng lubhâ sa Hamburgo, mariquit na ciudad nang Alemania, na nalalagay sa dalampasigan nang mayamang ilog na Albis, ay tungmatahan ang isang malaquing ancan nang man~ga tauong magcacamaganac at magcacaibigan. Mahirap matalastas cung alin ang lalong minamahal nang ama at ina, na pinacaulo nang ancang yaon ó familia; cung ang caniyang man~ga anac na lalaqui na si Nicolás at si Juan, ó ang man~ga anac na babayi na si Teodora at si Luisa; ó ang caniyang man~ga pamangquin na si Enrique at si Cárlos, ó si Ramon at si Basilio, man~ga anac nang dalaua nilang caibigan. Ang dalauang ito,y, man~ga binatà na, at ang iba,y, man~ga batà na di parapara ang canilang edad. Ang lahat ay nacacaisaisang loob na parang magcacapatid; at ang lahat ay paraparang nagsisisunod nang maligaya sa ama at sa ina, at nagsusumicap nang pagaaral at nang pagpapacabuti nang asal, sa pamamaguitan nang ayos na turò, na sa pagpapaliuanag sa canilang pagiisip ay nalilimbag naman ang magandang ugali sa canilang man~ga pusò. May oras silang iguinagaua, at may oras na ipinaglilibang; datapoua,t, ang caraniua,y, sila,y, nagsasamasama, at habang gungmagaua sila nang anoman, ay pinagsasalitaan sila nang canilang ama nang sarisaring Historia at man~ga salitâ, na bucod sa nagbibigay caliban~gan sa canila, ay nacacaroon sila nang mabuting halimbaua nang cabanalan, nang puri at uastong caugalian.

Ang susunod na Historia Moral ni Robinson ay siyang nagamit nilang salitaan sa maraming hapon; at nang maunauà nang ama na totoong isinasaloob at iquinaliligaya nang man~ga batà ang man~ga di caraniuang bagay na nangyari doon sa sauing palad na binatà, at ang paquinabang sa salitang ito, ay minatapat na isulat at icalat, nang maguing liban~gan nang ibang man~ga bata na macababasa ó macaririn~gig nang gayon ding caligayahan, at cung magcaminsa,y, gayon ding capaquinaban~gan.

--Ama co, ang uica ni Teodora nang isang hapong masayá nang tagarao. ¿Pagsasalitaan caya ninyo cami n~gayon, para nang dati, nang anomang Historia?

--Oo, anac co, ang sagot nang ama, datapoua,t, sayang na di natin macamtan ang caligayahan nitong matahimic na hapon. Tayo,y, pasa parang, na doo,y, ang pananariuà nang man~ga halaman ay nagaanyaya sa atin.

--¡Oh, totoong mabuting bagay ang inyong naisipan! ang sigao nang lahat; ¡doo,y, paano caya ang ating caliban~gan!--At naglulucsuhan sa touâ ay nanaog nang bahay, at capagdating sa masayang parang ay pinasimulan ang ganitong salitaan.

=UNANG HAPON.=

Si Teodora. ¿Dito baga tayo, ama?

Ang Ama. Oo, dito sa ilalim nang punò nang manzano.

Si Nicolás. Ito,y, isang lugar na totoong cauiliuili.

Ang Lahat (nan~gaglucsuhan sa malaquing toua at ang uica nila,y,). Cauiliuiling totoo dito.

Ang Ama. Datapoua,t, ¿anong iniisip ninyong gauin habang sinasalita co sa inyo ang Historiang ito? Caraniua,y, ayao cayong magtun~gan~ga lamang: ang ualang guinagaua cailan man ay di mabuti.

Si Juan. Nararapat na tayo,y, magcaroon nang anomang pagliliban~gan dito.

Ang ina. Aco,y, may dala náng gulay na hihimayin. ¿Sinong ibig tumulong sa aquin?

Ang Lahat. Aco, aco, aco.

Si Teodora. Caming dalaua ni Luisa, at icao, Cárlos, ¿maghihimay baga tayo nang gulay?

Si Luisa. Aco,y, hindi, sa pagca,t, gagauin co ang tanicalang itinuturo sa aquin nang ating ina.

Si Teodora. Cung gayo,y, tayo,y, maghimayhimay na dalaua lamang. Halica, Cárlos, umupo ca.

Si Basilio (naquiupo naman, at naguica:) Ibig co namang gumaua na para ninyo.

Si Ramon. At aco naman.

Si Enrique. Dito,y, maluag. Tingnan natin cung sino pa ang maghihimay.

Ang Ama. Lumagay cayo na mangyaring maquita ninyo ang paglubog nang arao, sa pagca,t, n~gayon ay totoong mariquit ang lagay nang lan~git.

(Nagsiupong lahat, at pinasimulan ang paggaua nila.)

Ang Ama. N~gayon, man~ga anac co, sasalitin co sa inyo ang isang Historia, ó isang nangyaring totoong cacaiba, na sa pasimula,y, maninindig ang inyong man~ga buhoc, at pagcatapus ay ilulucso ninyo sa touà.

Si Tedodora. Oh! houag sanang totoong malungcot.

Si Luisa. Cung totoong malungcot, ay houag; sa pagca,t, iiyac caming ualang pagsala.

Si Juan. Pabayaan natin, at naaalaman nang ating ama ang caniyang guinagaua.

Ang Ama. Houag cayong matacot, man~ga anac co, at sasalitin co sa inyo nang boong pagiin~gat, nang houag magcaroon nang anomang bagay na totoong malungcot.

Sa ciudad nang Hamburgo ay may isang tauong ang apellido,y, Robinson, na may tatlong anac. Ang pan~ganay ay nacaibig na magsundalo; nagsundalo na n~ga, at namatay sa isang digmà laban sa man~ga francés. Ang icalaua,y, nahilig sa pagaaral, at isang arao sa paginom nang tubig na malamig sa oras na totoong naiinitan, ay nagcasaquit nang dibdib at namatay.

Si Luisa. Caya n~ga ang uicà nang ating ama, ay capagca tayo,y, totoong naiinitan, ay di dapat uminom.

Ang Ama. Ualang natitirá cundi ang anac na bunsò, na ang n~gala,y, si Conrado; at caya n~ga ang ama at ina magmulà niyon ay ang boong pagasa,y, inilagay sa nacaisaisang anac, na iniibig na parang balintatao nang man~ga mata; datapoua,t, ang canilang pagmamahal ay hindi mabuti.

Si Teodora. ¿At anong ibig ninyong sabihin, ama co, dito sa hindi mabuting pagmamahal?

Ang Ama. N~gayo,y, ipahahayag co sa iyo.--Cayo,y, iniibig naman namin, para nang natatalastas na ninyo: datapoua,t, gayon man ay pinagpipilitan namin na cayo,y, matutong gumaua, tinuturuan namin cayo nang maraming bagay na nacauiuili at paquiquinaban~gan, sa pagca,t, natatalastas namin na sa paraang ito ay cayo,y, babait, at cung gayo,y, ualang pagsalang cayo,y, magcacapalad. Datapoua,t, ang man~ga magulang ni Conrado ay iba ang pagpapalagay, sa pagca,t, pinababayaang gauin ang balang maibigan nang minamahal nilang anac; at pagca,t, ang munting caballero,y, ualang iniibig cundi ang maglaro, at ayao magsipag at magaral nang anomang bagay, pinababayaang ualang guinagaua at maglicot sa boong maghapon; na sa macatouid, ay sa pagaaral at sa mabuting turò nang magulang ay ualang pinapaquinabang. Ito n~ga, anac co, ang tinatauag na pagmamahal na hindi mabuti.

Si Teodora. N~gayon co natalastas.

Ang Ama. Lungmalaqui ang batang si Robinson na ualang matutuhang paglag-yan sa caniya. Ninanasà nang ama na magaral nang pan~gan~galacal; datapoua,t, hindi ibig nang anac, sa pagca,t, ayon sa caniyang uicà, ang lalong ibig niya,y, macaquita nang mundo at magpagalagala: sa catagang uica,y, ualang iniibig cundi ang siya,y, mabuhay na pagayon lamang, ualang gauà at ualang quinapapacanan, na parang hindi tayo itinalaga sa alin mang calagayan na sucat paquinaban~gan. Sa catunaya,y, ang batang ito,y, ualang munting pagiisip nang pagsasalità. Cung siya,y, nagaral nang man~ga bagay na sucat paquinaban~gan at quinacailan~gan, ay ibang iba sana ang caniyang pananalità; datapoua,t, ¿anong mahihità sa paggalà sa mundo nang isang binatang ualang munting pinagaralan na para ni Conrado? Capag nagnanasang maghanap buhay sa alin mang bayan ay quinacailan~gan ang pagcatalastas at catalasan; at ang ating Robinson ay hindi nag-iisip nang ganitong bagay.

Tumuntong na siya sa labing pitong taon, at hangan nion ay ualang guinagaua cundi ang acsayahin ang panahon sa pagpapalibotlibot sa lahat nang oras. Ualang arao na di inuun~gutan ang caniyang ama na siya,y, big-yang pahintulot na maglayag; datapaoua,t, ang sagot nang ama, ay ang caniyang ninanasà ay isang malaquing caululan, cailan man ay ayao na maririn~gig ang bagay sa paglayag. Isang arao ...

Si Luisa. N~gayon, pasisimulan ang salita.

Si Nicolás. Houag cang magiin~gay.

Ang Ama. Isang arao, na ayon sa caniyang caugalian, ay naglilibot sa tabi nang dagat, ay nasumpun~gan ang isa niyang caibigan. Ito,y, anac nang isang Capitan sa isang sasac-yan, at nahahandang paroon sa Lóndres na casama nang caniyang ama.

Si Cárlos. ¿Saan sila sasacay, sa carruaje baga?

Si Enrique. Hindi, Cárlos; nang mangyaring macarating sa Lóndres ay quinacailan~gan ang lumayag, at daanan ang malaquing bahagui nang tubig, na tinatauag na dagat sa Hilagaan.

Ang Ama. Itinanong nang caniyang casama ibig niyang sumama sa paglalayag. Totoong ibig co, ang sagot ni Conrado Robinson; datapoua,t, hindi magsisipayag ang aquing man~ga magulang.--Hayo, ang sagot nang isa; sumama ca sa aquin: sa loob nang tatlong lingo ay magbabalic na tayo; at cung ayao cang pumayag dahil sa iyong ama at iyong ina, ¿mayroon pa cayang dapat gauin, cundi ang sabihin ang quinalalag-yan mo?--Datapoua,t, uala acong salapî sa supot, ang uicà ni Conrado Robinson.--¿Anong cailan~gan? ang sagot nang isa: ipinagbabayad quita sa paglayag.--Napahintong sandalî si Robinson, at pagcatapus caracaraca,y, tinapic ang camay nang caniyang casama, at naguicà: «caibigan, tayo,y, magcamay at sumacay na tuloy.»

Capagca uica nito ay ipinagbilin sa isa na sa loob nang ilang oras ay paroon siya sa caniyang ama at ina, at sabihing siya,y, lumayag, at nang macarating lamang sa Inglaterra, at caracaraca,y, sila,y, magbabalic. Tambing na lumulan ang dalauang magcaibigan.

Si Juan. Ay, ay! hindi co naiibigan yaong si Robinson.

Si Nicolàs. Aco man.

Si Basilio. ¿At baquit?

Si Juan. Sa pagca,t, iniuan ang caniyang man~ga magulang na uala silang pahintulot.

Si Basilio. Mayroon cang catouiran, Juan: gumaua siya nang malaquing camaliang dapat nating icahabag. Mabuti na lamang at bihira ang binatà na di nacatatalastas nang dapat gauin sa canilang man~ga magulang.

Si Nicolás. ¿Sa bagay ay mayroong ibang catulad si Robinson?

Si Basilio. Hangan n~gayo,y, uala acong naquiquitang sinoman; datapoua,t, ang natatalastas cong malinao ay ualang mangyayaring magaling sa man~ga binatang para niya.

Si Juan. Cung gayo,y, paquingan natin ang nangyari cay Robinson.

Ang Ama. Ang man~ga marinero,y, itinaas ang man~ga sinipete, at iniladlad ang man~ga layag; humihip ang han~gin at tumulac ang sasacyan, at ang Capita,y, napaalam sa ciudad at macaanim na nagpaputoc nang cañon. Si Robinson ay na sa ibabao nang cubierta ó carang, casama nang caniyang caibigan, at ualang pagcasiyahan nang touâ, sa pagcaquitang siya,y, nacapaglayag din.

Ang arao ay mapayapa, at ang han~gin ay ayon sa canilang patutun~guhan, caya caracaraca,y, di na nila maquita ang ciudad nang Hamburgo; at nang sumunod na arao ay na sa calauacan na sila nang dagat. Ang lupa,y, unti-unting nanaualà sa canilang man~ga mata; datapoua,t, ¡laquing pagcagulat ni Robinson sa pagcaquitang uala siyang natatanao sa caliua,t, canan, sa licod at harapan, cundi pulos na tubig, at sa itaas naman ay lan~git!

Si Teodora. Marahil ay iya,y, totoong mariquit pagmasdan.

Ang Ina. Hindi malayong iyong mapagmasdan n~gayong man~ga ilang arao ang naquita ni Robinson.

Si Teodora. Cung gayo,y, ¿tayo pô baga naman ay paparoon?

Si Ramon. Paparoon tayo cung ating isasaloob ang pagtuturò sa atin nang Geografia, at capag natutuhan natin ang pagpapalipatlipat sa iba,t, ibang lugar.

Ang Ama. Cung sa lagui ninyong pagsusumaquit sa paggaua, at sa inyong casiyahan sa pagcain at sa paginom ay magcaroon nang lacas ang inyong catua-an, nang mangyaring cayo,y, macapaglayag doon, marahil ay tayo,y, macapagpasial isang arao hangang Travemunda, na doon ang mulà nang dagat na tinatauag na Báltico.

Ang Lahat. ¡Oh, totoong buti cung gayon!

Ang Ama. Diya,y, lululan tayo, at tayo,y, dadalhin sa dagat hangang sa may icaapat na leguas. _(Capagcarin~gig nito,y, agad nagtindigang lahat, at niyacap sa liig ang canilang ama. May naglalambitin sa caniyang camay, at mayroong yumayacap sa caniyang man~ga paa, na ipinaquiquilala ang canilang man~ga catouaan sa paglulucsahan at pagtatacbuhan.)_

Si Luisa. ¿Ipagsasama po naman ninyo aco?

Ang Ina. Oo, cung sacali,t, icao ay malacas na, na sucat cang madala roon.

Si Luisa. Datapoua,t totoong malayò, ¿ano pô, di pô baga ganoon? Marahil ay malayò pa sa Vandesbec,[1] na tinatahanan nang Sr. Claudio, at nang isang Caballlero na may isang bahay na malaqui, at isang halamanan na totoong malaqui, malaquing di palac sa halamanan natin. Aco,y, naparoon na niyong arao na humahanap tayo nang man~ga batóng sarisaring culay; at niong....

[Talababa 1: Isang bayang ang layò sa Hamburgo ay calahating oras, hindi nalalayô sa bahay sa parang na tinatahan nang autor ay doon ipinalalagay na pinagsalitaan ang Historiang ito.]

Ang ama. At niong pinanonood natin ang pagaararo nang lupa.

Si Luisa. Oo n~ga pò; at niong tayo,y, pumasoc sa pandayang malapit sa daan.

Ang ama. At tayo,y, umaquiat sa guilin~gan.

Si Luisa. ¡Aba! oo n~ga pò: doon inilacpac nang han~gin ang aquing sombrero.

Ang ama. Ang sombrero na pinulot at iniabot sa iyo nang batà sa guilin~gan.

Si Luisa. Yao,y, isang batang mabuti, ¿ano pô?

Ang ama. Isang batang totoong mabuti, na nagpautang sa atin nang loob, cahi,t, di tayo niya naquiquilala.

Si Luisa. ¿At inyo pò baga namang guinanti?

Ang ama. Oo: ang baua,t, isa ay dapat gumanti sa nagpapautang sa atin nang loob. Datapoua,t, tila nalilimutan natin si Robinson. Magmadali tayo,t, cung hindi, ay di na natin siya aabutan, sa pagca,t, parang inalilipad ang caniyang paglayag.

Dalauang arao ay nagcaroon sila nang mabuting panahon at mabuting han~gin. Sa icatlong arao ay nagdilim ang lan~git at ang dagat, at nararagdagan nang nararagdagan ang dilim, at saca humihip ang han~ging totoong malacas. Cung minsa,y, totoong maninin~gas ang quidlat, na anaqui tila nagaalab ang lan~git; cung minsa,y, totoong nagdidilim na anaqui hating gabi; sacá sumusunod ang ualang licat na culog; catacottacot ang ulán, na anaqui ibinubuhos, at ang alon ay catacottacot na parang bundoc.

¡Cung ating maquiquita ang linucsco-lucso nang sasac-yan! Sinasalubong nang isang mataas na alon na iquinatataas; sacá biglang ibinubulid sa cailaliman. Ang man~ga tauo,y, humahanap nang macapitan, at nang houag silang man~gahulog sa guiniuang guiuang nang sasac-yan. Si Robinson na hindi datihan sa man~ga bagay na ito, ay totoong nalulà, ualang licat ang pagsusucá na halos mamatay.

Si Juan. Ito ang caniyang napalâ.

Ang ama. «¡Ay ama,t, ina co! ang palaguing isinisigao ni Robinson: cailan ma,y, di na ninyo aco maquiquita. ¡Laquing capalamarahan ang guinaua co sa pagbibigay sa inyo nang ganitong capighatian!»

Saca biglang narin~gig na umalatiit sa ilalim nang cubierta ó carang. «¡Mahabag ca pô sa amin. Pan~ginoon namin!» ang isinisigao nang man~ga marinero, na nan~gamumutlang di hamac. ¿Ano iyan? ¿ano ang nangyari? ang tanong ni Robinson, na halos mamatay sa tacot.--¡Ca auaaua tayo! ang tugon sa caniya: tayo,y, mamamatay: ibinual nang culog ang palong trinquete, (sa macatouid, ay isa sa man~ga tatlong árbol na matotouid nang isang sasac-yan, itong nabali ay siyang lalong nalalapit sa daong) at ang árbol mayor ay bahaguia na lamang tumatayò, na cailan~gang putulin at ihulog sa tubig.

«¡Tayo,y, mamamatay!» ang uicà nang isang na sa bodega: «ang sasac-yan ay mapupunò nang tubig.»

Capagcarin~gig nito ni Robinson na nacaupò sa camarote, ay naghimatay. Ang lahat ay nagsipaglimas, at nang cung mangyayari ay houag lumubog ang sasac-yan. Nang maquita nang isang marinero na si Robinson lamang ang hindi cumiquibò, ay siya,y, itinulac, at pinagsabihan na cung siya lamang ang hindi gagaua nang anoman.

Tinicman ni Robinson na siya,y, nagban~gon, cahi,t, totoong nanghihinà, at siya nama,y, naquilimas. Sa oras na ito,y, nagutos ang Capitan na magpaputoc nang cañon, at nang cung may nalalapit na ibang sasac-yan ay nang matalastas ang capan~ganibang quinalalag-yan nila. Hindi natalastas ni Robinson ang dahilan nang putoc na yaon, ay inacalang nabiac ang sasac-yan, at dahil dito,y, muling naghimatay. May isang marinero na sa maquitang hindi siya cumiquilos ay itinulac siya,t, sinicaran at inacalang siya,y, patay.

Sinasaquit ang paglilimas, datapoua,t, ang tubig ay lalong dumarami, at ualang inaantay cundi ang lumubog ang sasac-yan. Nang mangyaring gumaangaan, ay inihaguis sa dagat ang man~ga bagay na hindi nila totoong quinacailan~gan, para nang man~ga cañon, man~ga cahoy at iba pa; datapoua,t, uala ring quinasapitan. Narin~gig nang isang sasac-yan ang putoc nang cañon na palatandaan na may humihin~ging tulong na ibang sasac-yan, at inilapit sa canila ang isang bangcá at nang maligtas ang man~ga tauo; datapoua,t, ang bangcang ito,y, hindi macalapit, sa pagca,t, totoong malacas ang alon. Sa catapusa,y, nacalapit din sa popa ó huli at sila,y, hinaguisan nang lubid nang na sa pan~ganib na sasac-yan, at sa paraang ito,y, nailapit na mabuti ang bangcà at caracaraca,y, nagsilipat na lahat. Si Robinson na hindi macatayó ay inihaguis sa bangcà nang ibang man~ga marinerong may auà sa caniya.

Bahaguia na lamang nacagagaod, ay ang sasac-yan na hindi pa nalalayò sa canila ay lumubog. Mabuti na lamang at pumayapà na ang panahon, at cundi ay lalamunin din nang alon ang bangcang punô nang tauo. Nang macaraan na sa di mamagcanong capan~ganiban, ay dumating din sa isang sasac-yan, at doon sila,y, pinalulan.

Si Teodora. Mabuti na lamang at ang man~ga tauong ito,y, di nan~galunod.

Si Nicolás. ¡Totoong aco,y, nagaalaala at baca n~ga man~galunod sila!

Si Luisa. Cung gayo,y, madadalâ si Robinson, at hindi na gagauang mulî nang gayong capan~gahasan.

Ang ina. Ito rin ang inaacalà co; at marahil ay magcacabait na.

Si Enrique. ¿At ano ang guinagaua sa caniya?

Ang ama. Ang sasac-yang linipatan nila ay napatun~go sa Lóndres. Nang macaraan ang apat na arao ay na sa sa uauà na sila nang Támesis; at sa icalimang arao ay dumoong na sila sa tapat nang ciudad nang Lóndres.

Si Cárlos. ¿Ano pong cahulugan niyong uicang Támesis?

Si Basilio. Ang Támesis ay isang ilog na Ingalaterra, na para naman nang ilog natin ditong Albis, na pinapasucan sa dagat at hindi nalalayô sa Lóndres. Capag nalalapit na sa dagat ang isang ilog ay tinatauag na uauà.

Ang ama. Ang lahat ay nagsiahon sa lupà nang malaquing touà at naligtas sila sa capan~ganiban. Datapoua,t, ang unang guinauà ni Robinson ay ang panonood nang daquilang ciudad nang Lóndres, at nacalimutan ang caniyang sasapitín. Gayon ma,y, siya,y, nagdamdam cagutuman, at napagtalastas niya na ang pagtirá sa ciudad nang Lóndres ay hindi nacabubusog; at caya n~ga inisip niyang siya,y, magsalità sa Capitan, at ipagmacaauà niyang siya,y, ipagsalo. Tinangap siya nang Capitan nang magandang loob, at quinasalo sa pagcain, at habang sila,y, cungmacain ay itinanong cay Robinson cung ano ang dahilang iquinaparoon niya sa Lóndres, at cung ano ang ninanasa niyang gau-in doon. Sinalitâ sa caniya ni Robinson nang maliuanag, na caya siya naglayag ay sa pagaalio lamang, at idinugtong pang nan~gahas siya nang ualang pahintulot ang caniyang man~ga magulang, at n~gayo,y, ualâ náng matutuhang gau-in.

«Hindi pala naaalaman nang iyong man~ga magulang.» ang uicà nang nagugulumihanang Capitan; at nahulog sa camay ang cuchillong guinagamit niya sa pagcain. «¡Dios co! maanong naalaman co muna ang bagay na ito. Paniualaan mo aco, pan~gahas na binatà; na cung napagalaman co ito sa Hamburgo, disin ay di quita tinangap sa aquing sasac-yan, cahit aco,y, hinandogan mo nang isang millon.» Ibinabâ ni Robinson ang man~ga matá; ang cahihiyan ay napagquilala sa caniyang muc-hà, at hindi macaimic.

Ang may puring Capitan nang sasac-yan, ay ipinatuloy ang pagpapahayag sa caniya nang lahat niyang camalian. Sinabi sa caniya, na cailan ma,y, hindi siya maguiguing mapalad, liban na lamang cung baguhin niya ang caniyang loob, at humin~ging tauad sa caniyang man~ga magulang. Si Robinson nama,y, umiiyac.

«Datapoua,t, ¿anong dapat cong gau-in?» ang tanong ni Robinson.--«¿Anong dapat mong gau-in?» ang sagot nang Capitan: «magsauli ca sa bahay nang iyong man~ga magulang, humalic ca sa canilang man~ga paa, at humin~gi cang tauad dahil sa iyong man~ga camalian, para nang isang anac na may mabuting turò.»

Si Luisa. Ah! iniibig cong totoo ang Capitang iyan. ¡Totoong mabuting tauo siya!

Ang ama. Ang guinaua niya,y, ang dapat nating gau-ing lahat, capag naquiquita natin na ang ating capouâ tauo ay nagcacamit nang anomang camalian: itinurò niya cay Robinson ang pagganap nang caniyang catungculan.

«¿Ibig ninyong aco,y, ihatid na mulî sa Hamburgo?» ang tanong ni Robinson sa Capitan.--«¿Paanong paghahatid co sa iyo? ¿Nalimutan mo na baga na ang aquing sasac-yan ay nalubog? Hanggang hindi aco macabili nang iba, ay hindi aco macababalic, at marahil ay totoong magtatagal ca dito, cung yaon ang hihintin mo. Icao,y, nararapat na lumulan sa unang sasac-yan na patutun~go sa Hamburgo, at houag mong palibanin n~gayon ó bucas.»--«N~guni,t, ualà acong salapi,» ang uica ni Robison.--«Cunin mo, ang sagot nang Capitan, itong man~ga guinea.»

Si Teodora. ¿Ano ang ma~nga guinea?

Ang ama. Ang guinea ay salaping guintô na guinagamit sa Inglaterra, at ipaquiquita co sa iyo ang isa, capag tayo,y, nagbalic sa bahay.

Si Juan. Ating ipatuloy.

Ang ama. «Narito n~ga, ang uicà nang Capitan, itong man~ga guinea na ipinahihiram co sa iyo; cahit aco,y, may malaquing cailan~gan nang caunting salaping natira sa aquin. Paroon ca sa lalauigan, at itanong mo cung magcanong ibabayad sa pagsacay sa sasac-yan. Cung tunay ang pagbabago nang loob mo, ay pagpapalain nang Dios ang iyong pagouî, na di para nang pagparito mo.»--Pagcatapus ay quinamayan na siya,y, magcaroon nang isang payapang paglayag. Lumacad na si Robinson ...

Si Nicolás. ¿Cung sa bagay ay oouî na sa caniyang bahay? Á Dios; cung gayo,y, tapus na ang salità, at ang isip co,y, n~gayon lamang pinasisimulan.

Ang ina. ¿At di mo iquinatotouâ, Nicolás na siya,y, magbalic sa bahay nang caniyang man~ga magulang, at nang mapayapà ang catacot-tacot na pagcalingatong at pagcasindac nila?

Si Ramon. ¿At di mo iquinaliligaya ang pagcatalastas niya nang caniyang camalian, at nang houag namang gauing mulì?

Si Nicolás. Oo n~ga, datapoua,t, gayon ma,y, ang acalà co ay may mangyayari sa caniya na sucat nating icaalio.

Ang ama. Hintay ca muna, at hindi pa natin masasapit. Paquingan natin ang man~ga nangyari sa caniya.

Habang siya,y, lumalacad na patun~go sa lalauigan, ay sarisaring bagay ang pungmapasoc sa caniyang pagiisip. «¿Anong sasabihin caya nang aquing man~ga magulang,» ang uicà niya sa sarili, «cung aco,y, magbalic sa bahay? Marahil aco,y, parurusahan nila dahil sa guinauà co. At pagtatauanan nang aquing man~ga caquilala at iba pang man~ga tauo ang madali cong pagbalic. Pupulaan nila aco na ualang naquita cundi dalaua ó tatlong lansan~gan sa Lóndres.» Ito at man~ga ganganitong man~ga bagay ang sungmasagui sa caniyang pagiisip.

Cung minsa,y, hungmihintô, at parang nagmumulimuli, at hìndì mapasiya ang loob na siya,y, umalis agad; cung minsa,y, nadidilidili ang sinabi sa caniya nang Capitan; sa macatouid, cailan ma,y, di siya maguiguing mapalad, cung hindi siya magbabalic sa bahay nang caniyang man~ga magulang. Nagsasalauahan siya nang mahabang panahon, na di maalaman cung ano ang gagauin, at gayon ma,y, nagpatuloy siya nang paglacad sa lalauigan ó hinihimpilan nang man~ga sasac-yan. Datapoua,t, malaqui ang caniyang touà, nang matalastas na ualà pang sasac-yang patun~go sa Hamburgo, na ibinabalità sa caniya nang isa sa man~ga Capitan na palaguing lungmalayag sa Guinea.

Si Cárlos. ¿At ano ang paglalayag sa Guinea?

Ang Ama. Ipaaaninao sa iyo ni Enrique, at caniyang natatalastas.

Si Enrique. ¿Di mo naaalaala na may isang bahagui nang mundo na tinatauag na África? at ang Guinea ay isa sa man~ga lugar na malapit sa dagat.

Ang Ama. At sa Guinea sila naghahanap buhay. Ang tauong nagsasalitâ cay Robinson ay isa sa man~ga Capitan sa man~ga sasac-yang caraniuang naglalayag sa Guinea.

Natotouà ang Capitan na maquipagpanayam cay Robinson, at inanyayahan siyang uminom nang isang tasang cha sa caniyang Cámara. Pungmayag naman si Robinson.

Si Juan. ¿Cung sa bagay ang Capitan ay marunong nang ating uica?

Ang Ama. Nacalimutan cong di nasabi sa iyo, na sa Hamburgo ay natuto si Robinson nang uicang inglés, na siyang sinasalitâ sa Inglatérra.

Nang marin~gig nang Capitan na siya,y, may nasang maglayag, at totoong dinaramdam nang caniyang loob ang pagbabalic sa Hamburgo, ay itinanong sa caniya cung ibig niyang sumama sa Guinea. Nang bago bago pa,y, quiniquilabutan si Robinson, datapoua,t, nang patutoohanan sa caniya nang Capitan na ang paglalayag nila ay totoong masayá, at ipagsasama siyang ualang bayad, na uala siyang pagcacagugulang anoman: at bucod dito,y, mangyayaring macaquita siya nang maraming salapì; ay totoong naibigan ni Robinson, at totoong nagcaroon nang malaquing nasà, na caracaraca,y, nacalimutan ang lahat na inihatol sa caniya nang may puring Capitan na taga Hamburgo, at gayon din naman ang pinagticahan niya sa loob na pagouî sa bahay nang caniyang man~ga magulang.

Datapoua,t, nang siya,y, macapagisip-isip, ay sinabi niya sa Capitan: «aco,y, ualang salapì cundi tatatlong guinea. ¿Saan co gugugulin itong caunting puhunan sa paghahanap buhay sa bayang paroroonan natin?»

--«Pahihiramin quita nang anim, ang uicà nang Capitan; at mayroon ca nang sucat icapamili nang pagtutubuan nang malaqui sa Guinea, cung tayo,y, sasangayunan nang capalaran.»

--«¿At ano ang nararapat cong bilhin?» ang tanong ni Robinson.--«Ang sagot nang Capitan, ay man~ga sarisaring bagay, para nang man~ga laroan, man~ga abalorio, man~ga sundang, man~ga gunting, at iba pang mumurahin, na totoong naiibigan nang man~ga taga África, na babayaran sa iyo nang totoong mahal; ang ibabayad sa iyo,y, guintò, garing at iba pang bagay.»

Capagcarin~gig nito, ay malaquing touà ni Robinson, at nacalimutan ang caniyang man~ga magulang, ang caniyang man~ga caibigan at bayan, at naguicà nang malaquíng caligayahan: «pinasisiya co na sa loob ang sumama sa iyo, maguinoong Capitan.» Nagcamay sila, tandà nang canilang pagcacasundò sa paglayag.

Si Juan. Natapus na: hindi co na caaauaan, cahit anong mangyaring sacunâ diyan sa hunghang na cay Robinson.

Ang ama. ¿Diyata,t, di mo na caaauaan siyang mulî?

Si Juan. Hindi na pô: yayamang siya,y, totoong tampalasan, na nuling nacalimot sa caniyang catungculan sa man~ga magulang niya, ay nararapat namang parusahan siyang mulî nang Dios.

Ang ama. ¿At inaacalà mo bagang ang isang caauaauang tauo, na nacalimot sa caniyang man~ga magulang, at pinipilit niya ang Dios na siya,y, parusahan, at nang magbago ang caniyang loob, ay di caya dapat cahabagan? Tunay n~ga at siya rin ang naguing dahil nang lahat nang sacunang sucat marating niya; datapoua,t, dahil dito,y, ¿di caya lalò pang iquinapaguiguing cahabaghabag niya? ¡O anac co! Yadia ca nang Dios, at caming lahat naman, sa lalong caquilaquilabot sa man~ga capighatian, ang pagcaquilala baga na ang sinoman ay siyang nagcusang gumauà nang sauì niyang capalaran. Cailan ma,t, macaririn~gig tayo na may caauaauang tauo, ay acalain natin na siya,y, ating capatid na nasisinsay: tan~gisan natin ang caniyang capahamacan, at dalan~ginan natin sa lan~git ang caniyang cagalin~gan.

Sandaling ualang umiimic na sinoman, at pagcatapus ay ipinatuloy nang ama ang pagsasalita.

Nagmadaling lumacad si Robinson sa ciudad, ipinamili ang caniyang siyam na guinea nang man~ga calacal na sinabi sa caniya nang Capitan, at ipinadala sa sasac-yan. Nang macaraang ilang arao, sa pagca,t, ang panahon ay mabuti, ay tumulac na sila, at naglayag na patun~go sa Guinea.

Ang ina. Tila panahon na namang nararapat na tayo,y, lumayag na patun~go sa bahay, at tayo,y, cumain nang hapunan. Matagal náng lumubog ang arao.

Si Teodora. Ualà pa acong ibig na cumain nang hapunan.

Si Luisa. Aco man, lalò co pang ibig ang maquinyig.

Ang ama. Bucas, bucas, man~ga anac co, ipatutuloy natin ang pagsasalità nang nangyari cay Robinson. N~gayo,y, tayo,y, cumaing maaga, na para nang dati.

Ang Lahat. Tayo,y, cumain nang hapunan.

=ICALAUANG HAPON.=

Sa icalauang arao nang hapon, ay sila,y, naparoon sa dating pinagsalitaanan, at pinatuloy nang ama ang pagsasalità:

Itong bagong pagtulac ni Robinson ay totoong mabuti na para nang una. Dumaan na silang ualang munting sacunà sa Calés, sa canal na tinatauag na de la Mancha, at n~gayo,y, na sa sa guitnà na sila nang Océano Atlántico. Dito,y, sinalun~gat sila nang han~gin na mahabang arao at palaguing ipinapadpad sila sa dacong América.

Tingnan ninyo, man~ga anac co: dala co ang malaquing mapa na dito,y, mamamasdan ninyong mabuti ang dapat tun~guhin nang sasac-yan, at sa pagca,t, napilitang malayò dito dahil sa han~gin. Sa dacong ito sana ibig macarating; datapoua,t, sa pagca sinasalun~gat nang han~gin, ay napapatun~go sila sa dacong América. Aquing ilaladlad ang mapa, at cung cailan~gan ay matingnan natin.

Isang gabi ay sinabi nang piloto na may naquiquita siyang apuy sa dacong malayo, at bucod dito,y, may naririn~gig siyang putoc nang cañon sa lugar ding yaon. Ang lahat ay nan~gagaquiatan sa cubierta, at naquita nila ang apuy, at narin~gig nilang maliuanag ang putoc nang cañon, tiningnang magaling nang Capitan sa caniyang mapa; at naquitang sa lugar na yaon ay ualang lupang anoman sa loob nang sandaang leguas, at inisip nang lahat na ang apuy na yaon ay nangagaling sa isang sasac-yang nasusunog.

Caracaraca,y, tinicà nilang umabuloy, at pinihit ang sasac-yan sa lugar na yaon, at di pa nalalao,y, natalastas nila ang catutoohanan na may isang sasac-yang malaqui na nagninin~gas. Pagdaca,y, nagutos ang Capitan na magpaputoc nang cañon, at nang matalastas niyong man~ga caauaauang tauo na nalululan sa sasac-yang yaon, na nalalapit sa canila ang isang sasac-yan na madaling aabuloy sa canila. Di pa nalalaong nagpapaputoc, ay naquita nilang biglang tumapon ang sasac-yang nagninin~gas, casabay ang isang malaquing ugong, at namatay ang apuy. Dapat na matalastas na ang nin~gas ay dumating sa Santa Bárbara, sa macatouid, ay doon sa pinaglalag-yan nang pólvora sa sasac-yan.

Di pa nila naaalaman cung ano ang sinapit niyong man~ga caauaauang tauo. N~guni,t, dapat hinalain na sila,y, nacalipat sa canilang man~ga bangca bago nagputoc ang sasac-yan; dahil dito,y, hindi itiniguil nang Capitan ang pagpapaputoc nang cañon sa boong magdamag, at nang matalastas nang man~ga na sa pan~ganib ang quinalalag-yan nang sasac-yang ibig tumulong sa canila, at ipinasabit naman ang lahat nang man~ga farol at nang maquita nila. Sa quinabucasa,y, naquita nila sa largavista ang dalauang bangcang punó nang tauo na ipinaghahampasan nang alon. Dapat matalastas na ang han~gin ay sual sa canila, at sila,y, nagsisigaod sa boong macacayanan nang macarating sa sasac-yan. Capagdaca,y, ipinagutos nang Capitan na iban~gon ang bandila, at nang matalastas nila na natatalaga sa pagabuloy at pagtangap sa canila. Saca biglang inilapit ang sasac-yan sa canila; at sa loob nang calahating oras ay sila,y, inabutan.

May pitong puo catauo, na babayi,t, lalaqui at man~ga batà, at silang lahat ay pinasacay sa sasac-yan. ¡Anong diquit tingnan yaong man~ga caauaauang tauo, niong mailigtas sa apuy at pagcalunod! ang iba,y, hungmihiguit sa malaquing toua; ang iba,y, sungmisigao na parang hindi pa natatapus ang capan~ganibang canilang pinagdaanan. Mayroong nagsisilucso sa magcabicabilà nang sasac-yan na parang man~ga ulol; mayroong namumutlâ ang muc-hâ na ipinaquiquilala ang malaquing cadalamhatian nang canilang loob. Mayroon namang nan~gagtataua na parang han~gal, nan~gagsasayauan at nagsisigauan sa malaquing touà; ang iba,y, hindi naman macapan~gusap na parang napipi at nan~gaualang diua, na di matutong magsalità cataga man. Cun minsa,y, naniniclohod ang iba sa canila, itinataas ang man~ga camay sa lan~git, at nagpapasalamat nang malacas sa Pan~ginoong Dios, at halos pinaghimalaan sila sa pagcaligtas sa gayong capan~ganiban; cung minsa,y, biglang tungmitindig, pinupunit ang canilang man~ga damit, nananan~gis at nahahapay na parang man~ga patay, at nalalaon bago pagsaolan nang hinin~ga. Ualang marinero, cahit anong tigas nang loob, na sa pagcaquita nang gayong lagay, ay di tumulò ang luhà.

Doon sa man~ga cahabaghabag na tauo ay mayroong isang Sacerdoteng batà, na natutong gumauà nang dapat gauin. Bahaguia na lamang sungmasayad ang paa sa sasac-yan, ay naniclohod at idinamag ang muc-hâ sa lupà, na parang ualang caramdaman. Dinulog siya nang Capitan at aabuluyan, na ang isip ay siya,y, naghimatay datapoua,t, sinabi sa caniya nang Sacerdote nang boong capayapaan: «pabayaan ninyo acong magpasalamat sa May-capal, sa pagca,t, inibig na cami iligtas; pagcatapus ay pasasalamatan cayo namin naman dahil sa malaqui ninyong caauaang gaua sa amin.» Dito na lungmayò ang Capitan nang malaquing galang.

Ang Sacerdote ay lungmagui sa ganitong lagay na man~ga ilang minuto; pagcatapus ay tungmindig na natotouà, hinanap ang Capitan, at ipinaquilalang muli ang caniyang pagpapasalamat. Saca hinanap ang caniyang man~ga casamahan sa paglayag, at pinagsabihan nang ganito: «man~ga catoto co, sumapayapà cayo. Minarapat nang Pan~ginoon nang dilang caauaan na iligtas cayo nang caniyang maauaing camay. ¿Baquit pinaliliban ninyo ang mapacumbabang paggagauad nang pagpapasalamat sa caniya dahil sa di ninyo inaasahang pagcaligtas nang inyong buhay?» Maraming nagsisunod sa cahatulang ito.

Dito minulan ang pagsasalitâ na cung sino sila, at ang sa canila,y, nangyari. Ang nasunog na sasac-yan ay isang malaquing dâong francés na man~gan~galacal, na naglalayang sa Quebec. Tingnan ninyo ang nangyari papatun~go dito sa lugar nang América. Nacaquita sila nang apuy sa cámara, at biglang lungmaganap, na di nacuha nilang patayin, at ang nagaua lamang nila ay ang pagpapaputoc nang cañon, at ang paglipat sa man~ga bangca na di na nila natalastas cung ano ang sasapitin nilang capalaran. Ang lalong daquilang capan~ganiban, na sa caquilaquilabot na sandaling yaon ay ang baca ilubog sila nang han~gin sa dagat, yayamang ang canilang sinasac-yan ay man~ga bangca lamang, ó baca sila,y, mamatay sa gutom at uhao, ay caunting tinapay at tubig lamang na cacanin sa man~ga ilang arao ang canilang dalang baon.

Si Cárlos. ¿At anong cailan~gan nilang magdala nang tubig, cung sila,y, na sa sa ibabao nang tubig?

Ang Ama. Cárlos, ¿nacacalimutan mo na na ang tubig sa dagat ay totoong maalat at masaclap na di maiinom nino man?

Si Cárlos. Oo n~ga pala.

Ang Ama. Dito sa casindacsindac na calagayan ay narin~gig nila ang man~ga putoc nang cañon sa isang sasac-yan; at saca naquita nila ang man~ga nabibiting farol. Nagdaan nang calungcotlungcot ang magdamag sa pan~gin~gilabot at pagasa, na palagui silang sinasalun~gat nang alon, bagama,t, pinagpipilitan nilang totoo na macalapit sa isang sasac-yan. Sa catapusa,y, siyang pagliliuanag na nagbigay hanga sa canilang capighatian.

Sa boong oras na ito ay sinasalaguimsiman si Robinson nang man~ga caquilaquilabot na panimdim. «¡Man~ga lan~git! ang uicà sa caniyang sariling loob. Cung sa man~ga tauong ito,y, dili dapat maualan nang man~ga calolouang totoong mabubuti, ay nacaranas sila nang daquilang casacunaan, ¡ano ang aasahan co na isang palamara sa aquing man~ga caauaauang magulang!» Di siya patantanin nang panimdim na ito, nagdaramdam ang caniyang pusò nang isang malaquing capighatian; at namumutla,t, di macaimic, capara nang isang tauong sinisisi nang caniyang conciencia, ay nacaupong di macaquibo sa isang suloc. Binig-yan nang paginom na icaguiguinhaua ang man~ga tauong sinaclolohan, at nang magsauli ang naualang lacás nang canilang capaguran.

Pagcatapus nito,y, ang pinacapunò sa magcacasamang ito ay cungmuha nang isang supot na punò nang salapi, lumapit sa Capitan, at sinabi sa caniya, na yaon lamang ang canilang nacuha sa lungmubog nilang sasac-yan; na inihahandog sa caniyang parang isang munting tandâ nang canilang pagquilala nang utang na loob sa pagliligtas niya sa canilang buhay. «Houag ipahintulot nang Dios, ang sagot nang Capitan, na aquing tangapin ang ibinibigay ninyo. Ualà acong guinauà cundi ang inihahatol nang pagcacaauang gauà; at inaasahan co naman na siya ninyong gagauin sa amin, cung cami ang nagcaganoon.»