Opening the book…

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Special thanks to Elmer Nocheseda for providing the material for this project. Para sa pagpapahalaga ng Panitikang Pilipino.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g. This work forms part of the Tagalog translation of Noli Me Tangere (1909) by Pascual Poblete which is being presented separately in this edition.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit. Ang kathang ito ni Pascual Poblete ay pasimula sa isinalin na Noli Me Tangere (1909) sa Tagalog na ibinukod sa edisyong ito.]

BUHAY AT M~GA GINAWÂ

NI

DR. JOSÉ RIZAL

NA SINULAT

NI

PASCUAL H. POBLETE

José Protasio Rizal Mercado

Maicling casaysan nang canyang buhay

Ipinan~ganac si Gat Jose Protasio Rizal Mercado, sa báyan n~g Calambâ, sacóp n~g lalawigang Laguna, n~g ikalabing siyam n~g Junio n~g taóng sanglibo walóng dáan animnapo't isá.

Si G. Francisco Rizal Mercado ang canyáng amá at si G. Teodora Alonso at Quintos ang canyáng iná.

Ipinan~ganac si G. Francisco Rizal Mercado at Alejandra n~g taóng 1811, sa Binyáng, Laguna, at namatáy sa Maynila n~g ica 5 n~g Enero n~g 1898, at si G. Teodora Alonso ay ipinan~ganac sa Meisic, sacóp n~g Tundó, Maynila, n~g taóng 1825 at nabubuhay hanga n~gayón (8 n~g Junio n~g 1909). Si G. Francisco Mercado ay nag-aral at marunong n~g wicang castila at wicang latín, at si G. Teodora Alonso ay nag-aral sa colegio n~g Santa Rosa at marunong n~g wicang castila.

Ang naguíng m~ga anác n~g mag-asawang ito'y si na guinoong Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucía, María, Concepción, Jose, Josefa, Trinidad at Soledad.

Bininyagan si Jose Rizal n~g araw n~g sábado, icadalawampo't dalawa n~g Junio n~g 1861. Si G. Rufino Collantes, páring clérigo at cura-párroco sa bayang Calambâ ang sa canyá'y nagbinyag, at si G. Pedro Casañas, páring clérigo at tubô sa Calambâ, ang sa canyá'y nag-anác sa binyág. Capowa namatáy na ang dalawang páring itó.

Pinan~galanang Jose, dahil sa ang iná n~g Doctor Rizal ay namimintacasi sa Patriarca San José, at ang pan~galawang pan~galang Protasio ay dahil sa caarawán n~g Santong itó, alinsunod sa calendario, n~g siyá'y ipan~ganác.

Hindi dating tagláy n~g amá at n~g m~ga capatíd n~g amá n~g ating Doctor ang apellidong Rizal. Pinasimulaang guinamit ang apellidong Rizal n~g mag-aral ang batang si Jose, upang siyá'y macaligtas sa mahigpit na pag uusig n~g m~ga fraile sa m~ga nag-aapellidong Mercado.

Wicang castila ang apellidong Rizal, na ang cahulugán sa wicang tagalog ay ang muling pag-supang ó pag-ulbós n~g pinutol na halaman ó damó. May isá pang cahulugán; ang lupang may pananím na anó mang damóng pacain sa m~ga háyop.

Pagdatíng sa icatlóng taón n~g gulang n~g musmós na si Jose Rizal ay tinuruan na siyá n~g canyáng amá't iná n~g pagbasa. Napagkilala n~g madla ang cagalin~gan niyáng tumulâ n~g wawalóng taón pa lamang ang canyáng gulang, dahil sa isáng marikít na tuláng canyáng kinat-hà, na tinakhán n~g lahát n~g m~ga manunulang tagalog sa lalawigang Silan~gan.[1]

[Larawan: =G. Francisco Rizal Mercado= Ama ng Dr. Jose Rizal. Imp de M. Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]

Sa pagcakilala n~g amá't iná ni Jose Rizal n~g catalasan n~g isip at malaking hilig n~g caniláng anác na itó sa pag-aaral, caniláng dinalá siya sa Maynila, itinirá sa isang bahay sa daang Cabildo, loob n~g Maynila; at ipinasoc n~g taóng 1871 sa Ateneo Municipal, na pinan~gangasiwaan n~g m~ga páring jesuita.

Nakilala ni Jose Rizal sa bahay ni pari Burgos si na pare Dandan, Lara at Mendoza na pawang dinakip at ipinatapon sa Marianas n~g gobierno n~g España, at gayon din si parì Gomez at si pari Zamora, na ipinabitay n~g Gobierno ring iyong casama si párì Burgos, na ang naguing sangcala'y ang panghihimagsic n~g m~ga manggagawâ sa Arsenal n~g Tan~guay n~g 1872. Sumasabudhì n~g madlâ ang m~ga calupitáng dito'y guinágawâ n~g m~ga panahóng iyón. Ipinabilángo, ipinatapon ó ipinabitay bawa't filipinong numiningning dahil sa tálas n~g isip at sa pagsasangalang sa m~ga catwiran n~g lupang kináguisnan. Ang m~ga nangyaring itó'y nalimbag sa damdamin n~g batang si Jose Rizal.

Lumipat itó n~g pagtirá sa Ateneo Municipal at n~g naroon na'y tila mandín lálo pang náragdagan ang canyáng sipag sa pag-aaral at cabaitang puspós n~g ugalì. Ang naguing maestro niyá'y ang m~ga jesuitang si parì Cándido Bech at si parì Francisco Sánchez.

Cung ipinamamanglaw n~g batang si Jose Rizal ang nakita niyáng pag-amis sa catwiran n~g canyang m~ga caláhì ay lalo n~g dinaramdam niyá, ang m~ga sabihanan n~g m~ga fraileng madalás niyang marinig sa Ateneo Municipal na di umano'y mataas ang caisipan n~g táong culay maputi cay sa táong culay caymanguí, madiláw, abóabó ó maitím, bagay na pinagpilitan niyáng siyasatin mulâ noon, cung totoo n~gâ, sapagca't inaacála niyáng lihís sa catowiran ang gayóng pagpapalagáy. Napagtalastas n~g madlâ ang ganitóng paghahacahácà ni Jose Rizal, dahil sa isáng casulatang inilathalà n~g pantás na si Herr Ferdinand Blumentritt sa icasampung tomo n~g Internationales Archiv fiur Ethnographie, n~g 1897, na ganitó ang saysay:

"Sinabi ni Rizal, na maliit pa siya'y malaki n~g totoo ang canyang pagdaramdam, dahil sa nakikita niyang sa canya'y pagpapawalang halagá n~g m~ga castilà, dáhil lámang sa siya'y _indio_[2] Magbuhat niyao'y pinagsicapan niyang pacasiyasatin cung alín ang catwíran ó cadahilanang pinagsasandigan n~g m~ga castila at n~g lahat n~g m~ga táong may mapuputing balát upang ipalagáy nilang sila'y matatáas ang ísip cay sa m~ga táong cawan~gis din nila ang anyô, at taglay ang cáya upang dumúnong at magtamó n~g capangyarihang gaya rin nilá.

"Ipinalálagay n~g m~ga tagá Europang silá ang pan~ginoon n~g bóong daigdig: sa acalà nila'y silá ang tan~ging nagtâtaglay n~g pagsúlong sa dúnong at sa m~ga magagandang caugalian, at silá lamang ang tán~gì at dalisay na liping _homo sapiens,_[3] samantalang ipinalálagay nilang ang m~ga ibang lahi ay mababa ang pagiísip, ang guinagamit na wica'y dukhâ at walang caya upang macuha ang dunong n~g m~ga taga Europa, ano pa't ang m~ga lahing may culay caymangui, itím, diláw ó abo-abó ay isá sa pascacaiba't ibang anyô n~g _homo brutus._[4]

"Nang magcágayo'y itinátanong ni Rizal sa sarili; ¿totoo n~ga cayâ ang m~ga pinatitibayan nilang ito? Ang tanóng na ito ang totoong laguing sumasaísip niya mulâ pa sa panahong siya'y nag-aaral, at di lamang sa canya cung di naman sa m~ga cápowà niyáng nag-aaral na m~ga taga Europa. Hindi nalao't canyang nápagmasid sa colegio na walang pinagcacaibhan n~g pag-iisip n~g isa't isá, [sa macatowid baga'y n~g pag-iisip n~g táong maputi ang balát at n~g táong caymangui.] Caraniwang lubha ang pagcacápantay n~g m~ga puti at n~g m~ga indio: sa isa't isang panig ay may nakikitang m~ga tamád at masisipag, mápag-sákit sa pag-aaral at matamarin sa pag-aaral, matálas ang pag-iísip at mapuról ang pag-iísip; sa cawacasan ... wala siyang nakikitang ikinahíhiguit n~g m~ga mapuputíng nag-aaral at gayon din n~g m~ga may cúlay caymangui. Pinagsiyasat niya ang m~ga dunong na nauucol sa m~ga láhi; natotowa siyá pagca nangyayaring dahil sa isang paláisipang may cahirapang ibiníbigay n~g profesor ay hindî mátuclasang gawín n~g canyang m~ga casamahang mapuputî, at sila'y nan~gagsisilapit sa canyá upang canyáng gawín cung papaano. Canyang pinagdidilidili at itinututol ang lahat n~g itó, hindi dáhil sa isáng pagtatagumpay niyang sarili, cung di dahil sa isáng pagtatagumpay n~g canyáng m~ga cababayan. Dahil dito'y sa colegio n~ga nagpasimulâ ang canyáng paniniwálang nagcácapantay ang ísip at cáya n~g m~ga europeo at n~g m~ga indio sa paggawa n~g ano mang bagay. At sa lahat n~g ito'y napagtalacayan niyang magcacapantay ang catutubong isip n~g europeo at n~g indio.

"Ang unang pinacabún~ga n~g napagtalacayang itó ay ang pagcapagbalac ni Rizal, na cung mapag-unawa sana n~g canyang m~ga cababayan, na cawan~gis n~g canyáng pagcaunawa, ang pagcacapantaypantay na iyan, ito'y maguiguing isang paraan upang maipailanglang ang dunong n~g m~ga filipino. Dumatíng siya sa paniniwalang matáas ang pag-iisip sa pag-aaral n~g m~ga tagalog cay sa m~ga castila (ang iláng m~ga castilang n~g panahóng yao'y canyáng nakilala;) at canyáng sinsasabi n~g boong galác ang cadahilana't dumatíng siyá sa ganitong paniniwalâ. Sa ganito'y canyáng sinasabi:--Sa m~ga colegio sa amin ay isinásaysay na lahát sa wicang castila, catutubong wica n~g m~ga castila, at wicang hindi namin kilalá; cayâ n~ga't dahil dito'y kinakailan~gan naming magpumilit n~g higuit cay sa canilá sa pagpiga n~g pag-iísip, upang maunawà at maisaysáy ang isang bágay: at sa pagca't gaya n~ga n~g sinabi co na, na walang nakikitang ipinagcacaibang anó man n~g m~ga castilà at n~g m~ga indio sa m~ga colegio, at yamang gayo'y matáas ang pag-iísip namin cay sa canilá.--May pagmamasid pa siyáng guinawa, na sa canyá'y nagdagdag n~g pag-aalinlan~gan sa dating tagláy na niyá, tungcol sa cataasan n~g pag-iísip n~g m~ga castila. Guinawâ niya ang pagmamasíd, tungcol sa inaacála n~g m~ga castilang silá'y may carapatán sa lalong malalakíng paggalang at pagpapacumbaba n~g m~ga indio, sapagca't naniniwála ang m~ga itóng ang m~ga mapuputì, dahil lamang sa sila'y maputi, ay pawang ipinan~ganác sa isáng lúpang lalong magalíng cay sa lúpa n~g m~ga indio. Napagtanto n~g panahóng iyón ni Rizal, na ang paggalang at pagpapacumbabang iyón n~g m~ga indio sa castila--sa pagca't siyang itinuro n~g m~ga castila sa m~ga indio--ay hindi lamang dahil sa ipinalálagay na pawang galing sila sa láhing matáas, cung di sa pagca't isang paraan upang maicublí ang tacot at ang malabis na pag-ibig sa sariling catawán. Ang tacot, sa pagca't sa tikís na pagamís na sa canila'y guinágawâ, ipinalálagay nilang ang m~ga mapuputî ay pan~ginoon nilá at siyáng sa canila'y nagmamay-ári; at ang malabis na sa canilang sarili'y pag-ibig, palibhasa'y caniláng napagkilala ang caugalian n~g m~ga europeo at napag-unawang dahil sa capalaluang taglay n~g m~ga ito, ay makikinabang sila cung sila'y magpakita n~g paimbabáw na pagpapacumbabâ, at gayon n~gâ ang canilang guinágawâ. Caya n~ga't hindi kinalulugdan cahi't camunti man n~g m~ga indio ang m~ga europeo: nan~gagpapacumbaba cung naháharap sa canila, n~guni't pinagtatawanán silá cung nan~gátatalicod, linílibac ang caniláng pan~gun~gusap, at hindi nagpapakita n~g cahit munting tandâ n~g paimbabáw na sa canila'y paggálang. Dahil sa hindi nataróc n~g m~ga castila ang túnay na caisipán n~g m~ga indio, samantalang napagtantong lubós n~g m~ga indio ang tunay na caisipan n~g m~ga castila, ipinalálagay ni Rizal na mahina ang pag-iísip n~g m~ga mapuputi cay sa canyang m~ga cababayan..... Nang siya'y panahong bata pa, cailan mang marírinig ó mababasa niya ang pagpapalagay n~g m~ga mapuputi sa canyáng láhi ay napopoot, napúpunô ang canyang púso n~g gálit; n~gayo'y hindi na nangyayari sa canya itó; sa pagca't cung nárirín~gig niyá ang gayón ding m~ga pagpapalagáy, nagcacasiyá na lámang siyá sa pagn~giti at isinasaalaala niya ang casabiháng francés: "_tout comprendre, c'est tout pardonner._[5]"

Ang maílab na mithî ni Rizal na mapaunlacán ang canyáng láhî ang siyáng totoong nacapag-udyóc sa canyá sa pagsusumakit sa pag-aaral hangáng sa canyáng tamuhín ang lubháng maningníng at maraming m~ga pangulong ganting pálà n~g colegio, na sino ma'y waláng nacahiguít.

Dinalá si Rizal n~g canyáng casipagan hangáng sa magsanay sa _escultura_[6] n~g waláng nagtutúrò.

N~g panahóng iyó'y gumawâ siyá n~g isáng magandáng larawan n~g Virgeng María, na ang guinamit niyá'y ang matigás na cahoy na baticulíng at ang ipinag-ukit niya'y isang caraniwang cortaplumas lámang. Nang makita n~g canyáng m~ga maestrong párì ang cahan~gahan~gang larawang iyán ay tinanóng nilá siyá cung macagagawâ namán n~g isáng larawan n~g mahál na púsò ni Jesús; napaoo siyá, at hindî nalaon at canyang niyárì at ibinigáy sa nagpagawâ sa canyá, na totoong kinalugdan ding gaya n~g una.

Nang ica 5 n~g Diciembre n~g taóng 1875 ay kinathà niya at binasa sa isáng malakíng cafiestahan sa Ateneo ang isang tulâ, na pinuri n~g lahát, na ang pamagat ay El Embarque (Himno á la flota de Magallanes.)[7]

Nag-aaral siyá n~g icalimáng taón n~g bachillerato sa Ateneo Municipal n~g cathain niyá ang isang tulâ na canyáng pinamagatáng: Por la educación recibe lustre la Pátria.[8]

N~g bahagyà pa lamang tumutuntong siya sa icalabíng anim na taóng gulang ay nagtamó siyá n~g títulong Bachiller en Artes.

Nárito ang talaan n~g canyáng m~ga pinag-aralan mulâ n~g taóng 1877, at ang m~ga tinamó niyang calificación:

1871-1872. Aritmética................ Sobresaliente 1872-1873. Latín unang taón.......... Sobresaliente 1872-1873. Castellano................ Sobresaliente 1872-1873. Griego.................... Sobresaliente 1873-1874. Latín, unang taón......... Sobresaliente 1873-1874. Castellano................ Sobresaliente 1873-1874. Griego.................... Sobresaliente 1873-1874. Geografía Universal....... Sobresaliente 1874-1875. Latín, tercer curso....... Sobresaliente 1874-1875. Castellano................ Sobresaliente 1874-1875. Griego.................... Sobresaliente 1874-1875. Historia Universal........ Sobresaliente 1874-1875. Historia n~g España at Filipinas............................ Sobresaliente 1874-1875. Aritmética at Algebra..... Sobresaliente 1875-1876. Retórica at Poética....... Sobresaliente 1875-1876. Francés................... Sobresaliente 1875-1876. Geometría at Trigonometría........................ Sobresaliente 1875-1876. Filosofía, unang taón..... Sobresaliente 1876-1877. Filosofía, icalawang taón................................. Sobresaliente 1876-1877. Mineralogía at Química.............................. Sobresaliente 1876-1877. Física.................... Sobresaliente 1876-1877. Botánica at Zoología...... Sobresaliente Bachiller en Artes n~g 14 n~g Marzo n~g 1877....................... Sobresaliente

* * * * *

Lumipat si Rizal sa Universidad n~g Santo Tomás n~g Junio n~g 1877, at doo'y pinag-aralan ang Cosmología metafísica, Teodicea at Historia n~g Filosofía. Pinasimulan ang pag-aaral n~g Medicina (pangagamót) n~g taóng 1878. Canyáng pinag-aralan sa Universidad ang Física, Química, Historia Natural, Anatomía, Disección, Fisiología, Higiene privada, Higiene pública, Patología general terapeútica, Operaciones, Patología médica, Patología quirúrgica, Obstetricia.

N~g taóng 1879 ay nagtatag ang Liceo Artístico-Literario sa Maynila n~g isáng certamen upang bigyáng unlác ang sino mang macapagharáp n~g lalong magandáng catháng prosa ó tulâ. Ang bumuboò n~g Jurado[9] ay pawang m~ga castílà. Nagharáp si Rizal n~g isáng tuláng Oda, na ang pamagát ay A la Juventud Filipina, at bagá man maraming m~ga castílà at tagalog ang nan~gagsipagharáp n~g canicanilang gawâ, si Rizal ang nagcamít n~g pan~gulong ganting-pálà.

Nang taóng sumunod, 1880, nagtatag na mulî ang Liceo Artístico-Literario ring yaón n~g isa pang certamen, bilang alaala sa caarawán n~g pagcamatáy ni Cervantes. Pawang m~ga castílà ang bumubóò n~g Jurado. Si Rizal ang nagtamó n~g pan~gulong gantíng-pálà, sapagca't ang cathâ niya'y siyang lalong magandá at mainam sa lahat n~g m~ga catháng iniharáp sa certameng iyón n~g maraming m~ga periodistang castílà at m~ga bantóg na fraile sa carunun~gang pawang m~ga castila rin. El Consejo de los Dioses[10] ang cathang iniharáp ni Rizal, at ang tinangáp niyang pan~gulong ganting-pálà'y isang sinsíng na guintô, na larawan ni Cervantes ang tampóc. Ang castilang si Don N. del Puzo, pantás na catúlong n~g m~ga mánunulat sa Diario de Manila, ang nacacuha n~g pan~galawang ganting-pálà.

N~g taón ding iyóng 1880, bago pa lamang catatangap ni Rizal n~g sinabi n~g ganting-pálà ay náparoon siya sa palacio n~g Malacanyang, at talagang magsasacdal sana cay Primo de Rivera, Gobernador at Capitán General nitong Filipinas, dahil sa n~g isang gabing n~gitn~git n~g dilím ay siya'y tinampalasan at sinugatan n~g Guardia Civil, sapagca't nagdaan siyá sa tabí n~g isáng bulto ay hindî siyá nacapagpugay, at ang bulto paláng iyón, na hindi niya nakilala, dahil sa cadilimán n~g gabí, ay ang tenienteng namiminúnó sa isang destacamento; sinugatan siya n~g waláng anó-anó, na dî man lamang siyá, pinagsabihan n~g anó man. Hindî niyá nácausap ang Capitán general at hindî siyá nagtamó n~g minímithing pagwawaguí n~g catowiran.

Nang ica 6 n~g hapon, icawaló n~g Diciembre n~g taóng 1880, ay pinalabás sa Ateneo Municipal n~g Maynila ang isang melodramang wícang castílà, na ang pamagát ay Junto al Pasig[11], cathâ ni Rizal, na presidente n~g Academia de la Literatura Castellana sa Maynílà n~g panahóng iyón, at música ni Don Blás Echegoyen.

Ang m~ga nagsilabás sa melodramang iyón ay ang m~ga sumusunod:

Leónido........Isidro Perez.
Cándido........Antonio Fuentes.
Pascual........Aquiles R. de Luzuriaga.
Satán..........Julio Llorente.
Angel..........Pedro Carranceja.
Coro n~g m~ga diablo Caramihang estudiante at
ang isa sa canila'y si
Vicente Elio.

Di maulatang m~ga pagpupuri ang inihandog cay Rizal n~g lubháng maraming guinoong nanood n~g melodramang iyón.

Sapagca't sa araw-araw ay nilílibac at nilalait n~g isang fraileng profesor sa Universidad ang m~ga estudiante, hindî nacatiís si Rizal, ipinagsangaláng niyá ang canyáng m~ga casamahán sa isáng mahigpít n~guni't mapitagang pan~gan~gatwiran, at ang naguing casaguta'y ang panunumpâ n~g canyáng catedrático, na cailán ma'y hindi niya palálabasin si Rizal sa alín mang exámen.

Dahil sa nangyaring iyo'y minagalíng ni Rizal ang pasá España at doón magpatuloy n~g pag-aaral, at sapagca't sumang-ayon ang canyáng ama't iná, siya'y lumulan sa vapor na ang tun~go'y sa Barcelona, n~g ica 3 n~g Mayo n~g 1882, na puspós n~g pighatî ang cálolwa. ¡Sa Calambâ [Laguna] ay nilisan niya ang canyang m~ga pinacamumutyang amá, iná at m~ga capatíd; sa Camilíng ay ang maalab na sinisintang si Leonor Rivera, magandang dalagang ang larawa'y háwig na háwig sa matimyás na si Maria Clara sa Noli me Tangere, at saca napalayô siyá sa pinacaiibig na Bayang Filipinas!

* * * * *

Dumatíng si Rizal sa Barcelona, (España) n~g m~ga unang araw n~g Junio n~g 1882, at hindî pa halos nacapagpapahin~gá sa gayóng matagál na pagdaragat, sinulat na niyá ang unang _artículo_[12], na pinaglagdaan niya n~g canyáng m~ga damdamin. Pinan~galanan niya ang artículong yaón n~g El Amor Patrio[13], may taglay na fechang Junio n~g 1882, at finirmahán niyá n~g pamagát na Laong-Laan, saca ipinadalá niyá sa Diariong Tagalog[14], at inilathálà sa pámahayagang itó n~g icá 20 n~g Agosto n~g 1882.

Pakinggan natin cung anó ang pasiyá n~g isáng castílà, ni D. Wenceslao E. Retana, na nagpamagát si canyáng m~ga ilinalathálà sa m~ga pámahayagan, n~g Desengaños, tungcól sa kasulatang sinasabi co:

"Marahil ay nacainís ca canyá (cay Rizal) ang Barcelona; marahil ay nacapamanglaw at nakapágpalungcot sa canyá ang malakíng pan~gulong bayan n~g Cataluña, n~g canyáng mámasid na doo'y may lubós na calayâan ang cálahatlahátang m~ga mithî, sa pagdidilidiling doo'y waláng m~ga _inquisidor_[15] ang ísip; datapwa't sa Maynila'y mayroon. Bagá man talastás niyáng totoong caraniwang gamit na, gayón ma'y guinawâ rin ni Rizal sa isáng pananalitáng malungcót, at may hawig na isipín, n~guni't halos laguing mabanayad, palibhasa'y mithi ang macatulong n~g cahi't dukha n~guni't maalab na pag-anib. "Tulad sa m~ga hebreo n~g una ani Rizal--na inihahandog sa templo ang m~ga unang bun~ga n~g caniláng pag-ibig, camí, dito sa lupa ng iba, iaálay namin ang m~ga unang pananalitâ sa áming báyang nababalot n~g m~ga alapáap at n~g m~ga ulap n~g umaga, na hindî nagmamaliw ang cagandaha't hiwagang anyô at kaligaligaya; n~guni't lálò n~g pinacasísinta, samantalang sa canya'y pumapanaw at lumálayô," Sa ganáng cay RizaL--ani Retana--ang España'y lupa ng iba; sa ganáng kanyá'y walâ n~g bayang sarili (pátria) cung dì ang Filipinas. Hindî sumasaísip niyà ang maliit na bayang sarili ("pátria chica") at ang malaking báyang sarili ("pátria grande") na totoong caraniwan na nitong m~ga hulíng nagdaang taón; ang maliit ay ang báyan, ang lalawigan ó cung dilî cayá'y ang isáng panig: at ang malaki ay ang boong nación, sampô n~g m~ga ibáng lupaíng nasásacop, cahi't anóng pagcalayô-láyò ang kinálalagyan. Ang malakíng bayang sarili, kung sa isáng filipinong tunay na nakikianib sa España ay walâ n~g iba kung dî ang lupaíng España, na calakíp ang canyáng m~ga nasasacop sa cabilang ibayo n~g dagat, at ang maliit ay ang panig. N~guni't cay Rizal ay waláng maliit ó malaking bayang sarili, cung dî Bayang sarili; na sa ganáng canyá'y hindî ang Calambâ, hindî ang m~ga bayang ang salita'y wikang tagalog, hindî man lamang ang pulô n~g Lusóng, cung dî ang capisanan n~g m~ga pulóng nátuclasan ni Magallanes. Hindî lamang ito: sa ganáng cay Rizal, ang España'y hindî inang bayan; ito'y marahil ay sa mestizong castílà, sa m~ga may dugóng castílà; datapwa't hindî sa táong may dugóng dalisay n~g tagá casilan~ganan ...

"Hindî malimutan niyá, ang sariling lúpà:--"Naroroon [ang sabi ni Rizal] ang m~ga unang gunitaing nangyari n~g panahong camusmusan, masayáng _hadang_[16] kilalá lamang n~g cabataan sapagca't doo'y natutulog ang boong isang panahong nacaraan na [ang bayang may casarinlan] at na-aaninagnagan ang panahóng dárating [ang catubusan n~g lahi sa pamamag-itan n~g pag-aaral]; sapagca't sa canyáng m~ga cagubátan at sa canyáng m~ga damuhán, sa bawa't cáhoy, sa bawa't bulaclac, namamasdán ninyóng naúukit ang alaala sa alín man táong inyóng guiniguiliw, na gaya rin n~g canyáng hinin~gá sa han~ging may taglay na ban~gó, na gaya n~g canyáng awit sa lagaslás n~g m~ga batis, na gaya n~g canyáng n~gitî sa bahaghari n~g lan~git ó n~g canyang m~ga buntóng-hinin~gá sa hindî mapagwáring daíng n~g han~gin sa gabí ..."--Ang ganitóng m~ga pananalita'y talagang cay Rizal; ilála sa macahulugán, sa may tinutucoy ang m~ga pananalitáng may hímig n~g hiwágà, ito n~gâ ang anyô n~g canyáng pagsulat, ang canyáng caugalian, at halos waláng makikitang bagay na prosa[17] ó tulâ na canyáng kinathâ na hindî itó ang námamasid; na ang bawa't may ísip, cahi't caraniwan lámang ang tálas ay agád mapagwawárì sa m~ga súlat ni Rizal, ang m~ga caisipán sa pamamayang naghaharì sa budhî n~g lubhang mairuguíng yaón sa kinaguisnang lúpà--"¡Hindî nacácatcat cailán man (aní Rizal) ang pagsintá sa kinamulatang lúpà, pagcâ ang pagsintáng ito'y nacapasoc sa pusò: sapagca't talagang tagláy na niyá ang tatác n~g Lan~git na siyáng ikinapaguiguing waláng catapusán at pagcawaláng pagcasírà."--At isinunod pagdaca ang ganitóng m~ga sabi, na anaki ibig niyang palacsín ang loob at itaimtím sa púsò n~g m~ga táong pinagtatalaghán n~g casulatang iyón ang pag-íbig sa kinamulatang lúpà:--"Cailán ma'y casabiháng ang pagsinta ang siyáng lalong macapangyarihang nag-uudyoc n~g m~ga cagagawang lalong dakilà; cung gayo'y talastasíng sa lahát n~g m~ga pagsinta, ang sa kinaguisnang bayan ang siyang nagbun~ga n~g m~ga gawáng lalong malalakí, lalong m~ga bayani at lalong waláng casíng dalisay. Basahin ninyó ang Historia" ... Pagcatapos na maisaysay sa iláng pangcát na totoong mataós at macatwiran ang pananalitâ, upang patotohanang sa buhay na ito'y pawang madalíng lumípas ang lahát: sinabi naman niyá, ang nangyayari pag laganap n~g sigáw na ¡ang kinamulatang lupa'y sumasapan~ganib! ang sarisaring pagpapacahirap at paghahayin n~g buhay na kinacailan~gang gawín.... Datapwa't _¡hindi cailan~gan! ¡Ipinagsangaláng ang nagbigáy búhay; ¡gumanáp n~g isang catungculan! Si Codro ó si Leónidas,_[18], ang cahi't sino man, ¡ang kinaguisnang baya'y matututong sa canyá'y mag-alaala!

"At parang naguguniguni na niya ang sa kanya'y mangyayari, isinulat ni Rizal ang ganito: "Magháyin ang ibá n~g canyáng cabatáan; ibinigay namán n~g ibá sa sariling bayan ang m~ga ningning n~g canyang mataas na pag-iísip at ang ibá namá'y nagbúhos n~g canyáng dugo; namatáy ang lahàt at nagpamana sa kinaguisnang bayan n~g lubháng malakíng cayamanan: ang calayaan at ang caran~galan. ¿At anó naman ang guinawâ sa canilá n~g tinubuang lúpà? Tinatan~gisan silá at inihaharap n~g boong calakhán n~g loob sa sangcataohan; sa panahóng sasapit at sa canyáng m~ga anác, upang mapagcunang uliran".--Si Rizal ay isang manunulat na sa anyó'y hindî tumutucoy, n~guni't cung wawarîing magalíng ay lubháng mapagpatungcol n~g sinásalitâ; at cung ilalim pa ang pagsisiyasat sa lahat n~g canyáng m~ga sinulat, hindî lamang náaaninag ang canyang tan~ging budhî, cung dî hinuhulàan namán niyá ang canyáng gágawin at ang sa canyá'y mangyayari. At para manding tagláy niyá ang isang catungculang sa canyá'y ipinagcatiwalà n~g Dios upang ganapín sa ibabaw n~g lúpâ, cayá't pagca tiguíb ang calolowa niya n~g caisipán ni Tolstoi ay nang-aakit siya sa capayapàan, at cung nag-aalab naman sa canyá ang m~ga mithîin ni Napoleón ay iniuudyóc namán niyá sa canyáng m~ga cababayan ang pakikibaca, at wináwacasán n~g ganitóng pananalitâ:

"¡Oh kinaguisnang lúpà!... Mulâ cay Jesucristong puspós n~g ganap na pagsintá, na naparito sa mundo sa icagagaling n~g sangcataohan, at nagpacamatay dahil sa sangcataohang iyan, sa pan~galan n~g cautusan n~g canyáng tinubuang bayan, magpahangang sa lálong m~ga hindî kilaláng nan~gamatáy dahil sa m~ga _revolución_[19] n~g m~ga panahong ito, gaáno carami, ¡ay! ang m~ga nagcahirap at namatay sa iyong pan~galang kinamcám n~g m~ga ibá! ¡Gaano carami ang ipinahámac "n~g pagtataním n~g galit", n~g casakimán ó n~g cahan~galan, na n~g nalalagot na ang hinin~ga'y hinandugán ca n~g pagpupuri at sa iyo'y minithi ang lahát n~g bagay na cagandahang palad.

Magandá at dakílà n~gâ ang tinubuang lúpà, pagcâ ang canyáng m~ga anác sa sigaw n~g pagbabaca ay nan~gagdudumali sa pagsasanggalang, sa dating lupain n~g caniláng magugulang; mabangis at palálò pagca mulà sa carurucan n~g canyáng trono'y napapanood na tumatacas ang tagaibang lúpa sa udyóc n~g malakíng tácot sa pagcakita sa bayáning hucbó n~g canyáng m~ga anác, n~guni't pagca nagpapatayan ang canyáng m~ga anác, palibhasa'y nan~gagcacabahabahagui sa nagcacalabánlabáng m~ga pulutóng; pagca ipinagwawasacan ang m~ga halamanan, ang m~ga bayan at ang m~ga ciudad n~g poot at pagtataniman; pagcacágayo'y sa canyáng cahihiyan ay pinupunit ang balabal at itinatapon ang cetro at nagdaramit n~g maitim na lucsâ sa canyáng m~ga anác na namatáy.

Pacasintahín n~ga natin siyá magpacailán man, anó man ang ating cahinatnan, at howag tayong human~gad n~g ibang bagay cung dî ang canyang icágagaling. Cung magcagayo'y macatutupad tayo n~g alinsunod sa tacdâ n~g Dios na dapat na cauculan n~g sangcataohan, na dî ibá cung dî ang cahusayan at capayapaan n~g lahát n~g canyáng m~ga kinapál.

¡Cayóng páwang nawalán na n~g mithîin ang calolowa; cayóng nan~gasugatan sa púso't isa-isang nakita ninyóng nanglagas ang m~ga pag-asang caaliw-aliw, at cawan~gis n~g m~ga cahoy cung panahong tagguináw, n~gayóng salát cayó sa bulaclác at gayón din sa m~ga dáhon, at bagá man nais ninyó ang umibig, n~guni't walâ, cayóng másumpong na sa inyo'y carápatdápat; nariyan ang tinubuang lúpà! ¡Siya'y inyóng sintahín!

Siya'y inyóng sintahín, ¡oh, siyá n~gâ! datapwa't hindî na cawan~gis sa pagsintá sa tinubuang lúpà n~g unang panahóng gumáganap n~g m~ga mababan~gís na pagbabanál, na ipinagbabawal at minámasama n~g tunay at dalisay na magandáng caugalian at n~g inang Naturaleza[20]; na howag ipagmagalíng ang malíng sigábo n~g budhî, n~g pagwawasác at n~g calupitán; hindî, "lálong caayaáyang pagbubucáng liway-wáy ang sumisilang sa abót n~g tanáw", masasanghayâ at m~ga payapang ilaw, na súgò n~g buhay at capayapaan; sa cawacasa'y ang liwayway na tunay n~g cacristianuhan, tagapagbalitang pan~gunahin n~g maliligaya at panátag na m~ga áraw. Catungculan n~ga natin ang manuntón sa mahirap lacaran, n~guni't tahimic at mapagbigay pakinabang sa landas n~g Dunong na patun~go sa "Pagcasulong" at mulà riya'y "sa pagcacaisang mithî at hinihin~gî ni Jesucristo sa gabí n~g canyang pagcacasákit."

"Gumawa n~g sariling bayan n~g sariling bayan cahi't gaano man ang maguing cahalagahan ang siyang lalong masilacbóng nais ni Rizal, n~gunit carapatdapat na sariling bayan...."

At siyang catotohanan ayon sa canyang, m~ga guinawâ.

Hindî nag tagal si "Rizal" sa Barcelona. Sumasa Madrid na siya n~g unang araw n~g Octubre n~g sinabi n~g taóng 1882. Sabay niyáng pinag-aralan ang Medicina at saca ang Filosofía at Letras.

Natapos ang pag-aaral niya n~g panggagamot at nagtamó siya n~g títulong Licenciado sa Medicina n~g ica 21 n~g Junio n~g 1884, at n~g 19 n~g Junio n~g 1885, araw n~g capan~ganacan sa canya ay canyang tinamó namán ang títulong pagca Licenciado sa Filosofía at Letras at gayon din ang pagca Doctor sa Medicina. Natutuhan ni Rizal ang m~ga wicang sumusunod: tagalog, castílà, latin, francés, italiano, inglés, alemán, ruso, japonés, holandés, griego, hebreo, àrabe, sanskrito, portugués, catalán, sueco at insíc.

Samantalang nag-aaral si Rizal ay pinagmámasid naman niya ang caugalian at anyô n~g m~ga castílà. Nangaling si Rizal sa isáng bayang linúluklucan n~g pagbabanalbanalan, n~g dî wastóng m~ga pananampalataya, n~g m~ga paggugol n~g salapî upang yumaman at macagumon sa lugód at layaw ang m~ga walang ibang gawâ cung dî ang mangdayà sa m~ga han~gal ...; galing si Rizal sa isang bayang sa calolwa't catawan ay may walang hangang capangyarihan ang m~ga fraile, militar, empleado at castílà. Sa Madrid ay nakita niyáng hindî gayón: linílibac n~g m~ga _librepensador_[21] at n~g m~ga _aleo_[22] n~g boong calayàan ang canilang religióng católica apostólica romana at ang canilang iglesia católica-apostólica romana; námasid niyáng maliit na totoo ang capanyarihan doon n~g Gobierno; hindî niya napanood ang acala niyang mangyayáring pagtatálotalo n~g m~ga "liberal"[23] at n~g m~ga "clerical"[24]; bagcos pa n~ga niyang nákitang madalás na naglalámbal at nagcacáisa ang m~ga "republicano"[25] at ang m~ga "carlista"[26] upang canilang masunduan ang anó mang ninanais. Nagdamdam si Rizal n~g malaking sacláp n~g loob n~g canyang pagsumaguin ang walang hadlang na anó mang pagtatamasa n~g m~ga calayàan sa España, at ang capanyarihang calakilakihan n~g m~ga fraile sa Filipinas, na siyang bumíbigti sa lahing cáymangui. Pinagpilitan niyang makilala ang anyô n~g m~ga iba't ibang "partido político"[27] sa España at napag-unawa niyang hindî carapatdapat purihin ang m~ga europeo tungcól sa bagay na ito. Nakita niyang ang bawa't partido, ang lahat n~g partido ay may magaganda at cainam-inamang m~ga palatuntunan; datapwa't nahiwatigan niyáng baga man may man~gisan~gisang nagpapagal sa udyok n~g lalong wagás at dalisay na han~gád, n~guni't hálos ang lahat ay walang pinagsisicapan cung dî ang saríling cagalin~gan. Samantalang hindî pa nan~gapapahalál sa matataas na catungculang minimithî, totoong sinusuyò ang m~ga táong manghahalál, at sa canila'y ipinan~gan~gacò ang lubhang maraming bagay, at cung macamtan na ang han~gád ay hindî guinaganap ang pan~gacò at linilimot na tikís ang m~ga naghalal sa canila. Marami sa m~ga manghahalal na ibinibigay ang caniláng voto, hindi sa táong tunay na may carapatán, cung dî sa nakiusap sa canila n~g hindî nilá mahiyáng canilang pinapan~ginoon; na hindî ang tunay na may m~ga nagawang cagalin~gan n~g isang táo sa bayan ang canilang tinitingnan, cung dî cung ang taong iya'y mainam magsasalitâ, marikít magtalumpatì, magalíng sumúyo ó nacagaganting pálà n~g salapî ó iba pang pagbibiyayâ; na ang siyam na po't siyam sa sandaang europeo'y naniniwalà sa m~ga sinasabi sa canilá n~g m~ga pamahayagan, na hindî man lamang sinisiyasat cung yao'y totoo ó hindî, cung na sa catwiran ó walâ sa catowiran; sa isáng salitâ: nakita niyáng cawan~gis din n~g m~ga táong báyan dito ang m~ga táong báyan doón.

Walang anó mang inilathalà si Rizal na anó mang casulatan, mula n~g canyang lihamin n~g 1882 ang "El Amor Patrio," hangang sa taong 1884, datapowa't hindî siya naglilicat n~g pakikipagsulatan sa canyang m~ga cababayan, lalonglalò na sa m~ga nag-aaral, at ang m~ga sulat niya'y binabasa n~g lahat n~g boong pag-ibig at pangguiguilalás, dahil sa canyang bayaning pagbibigáy ulirán sa pagsintá sa tinubuang lúpá.

Nang 25 n~g Junio n~g taóng 1884 ay nagtalumpatì si Rizal sa isang piguíng na guinawa sa Madrid, sa pagpapaunlác cay guinoong Juan Luna, bantóg na pintor ilocano, dahil sa pagtatamó n~g pan~gulong "premio" sa "Exposición" n~g canyang balitang "cuadro," na ang pamagat ay "Spoliarium", at cay guinoong Felix Resurreccion Hidalgo, na taga Filipinas din, at mabuti rin namang pintor. Guinawâ ang piguíng na iyón sa Restaurant Inglés, pinasimulán n~g icasiyam na oras n~g gabî at may m~ga anim na pong táo ang nagsalosalo. Nan~gulo sa mesa--alinsnnod sa sabi n~g "El Imparcial", sa Madrid, n~g ica 26 n~g Junio n~g 1881--si pintor Luna; nan~gagsiupô sa dacong canan niya si na señor Labra, Correa, Nin y Tudó at sa caliwa niya'y si na señor Moret, Aguilera at Mellado (D. Andrés). Nan~gagsiupô rin doon si na señor Morayta, Regidor, Azcárraga (D. Manuel de), Araus, Fernández Bremón, Paterno (Alejandro, Antonio at Máximo,) Vigil, del Val, Moya, Cárdenas, Govantes, Rico, Gutiérrez, Abascal, Ansorena, García-Gómez, López Jaena, Más (pintor valenciano), Fernández Labrador (cubano), Rodriguez Correa at iba't iba pang maraming pintor, literato at periodista.

Nagtindig si Rizal at siya ang náunang nanalitâ; minamasdan siyá n~g lahát; sa caymanguing mukhâ niya'y umaalab ang nin~gas n~g masilacbóng pagsinta sa tinubuang lúpà, at sacâ nagsaysay siyá n~g isáng talumpating hindî mapagwari cung alin ang lalong maganda: cung ang cahan~gahan~gang pagsintá sa tinubuang lupang numiningning sa talumpating iyón, ó ang cagandagandahang pagcacaanyô-anyô n~g m~ga salitâ. Pagsisicapan cong isatagalog ang talumpating iyón; bagaman talastás cong dukhâ ang aking panític at cúlang ang wica natin sa casaganaan n~g wicang castilàng guinamit ni Rizal sa gayóng pananalitâ: n~guni't mamalakhín co na cung maipakilala sa bumabasang irog ang cahi't culabóng anino n~g masilacbo't caligaligayang pananalitâ n~g ating capatid na Martir sa Bagumbayan. Pasisimulan co: "Mañga guinoo: Sa paggamit n~g pananalita'y hindî nacapag-aalinlan~gan sa akin ang tacot na bacâ pakingán ninyo acó n~g boong pag-wawaláng bahálà; naparito cayó't n~g inyóng ipanig sa sigabo n~g aming mithî ang simbuyó n~g mithî ninyóng panghicayat sa cabatáan, cayâ n~ga't waláng salang cayo'y matututong magpaumanhín. M~ga panghalinang simoy n~g pag-iibigan ang siyáng lumalaganap sa aláng-álang; m~ga ágos n~g pagcacapatiran ang siyang lumílipad na nagcacasalusalubong; m~ga calolowang masintahin ang nakíkínig, at dahil dito'y hindî acó nag-aalap-ap sa aking abáng cataohan at hindî namán acó nag-aalap-ap sa cagandahan n~g inyong loob. Palibhasa'y m~ga táo cayóng may púsò, walâ cayóng hinahanap cung dî m~ga púsò rin, at buhat sa caitaasang iyang pinamamahayan n~g m~ga damdaming mahál, hindî ninyo hinahálatâ ang m~ga walang cabuluháng pan~git na budhî; nalalaganapan n~g inyong titig ang cabooan; pinasisiyahan niyá ang naguiguing dahil at inilalatag ninyó ang camáy sa cawan~gis cong nagnanasang makipanig sa inyó sa isá lamang adhicâ, sa isa lamang mithî: ang dan~gál n~g dakílang ísip, ang ningning n~g tinubuang lúpà. ("Magaling, totoong magaling; pacpacan.")

"Ito n~ga ang cadahilanan cayâ cayó'y nan~gagcacapisan n~gayón. May m~ga pan~galan sa historia n~g m~ga bayang sila lamang ay nagpapakilala na n~g isáng nangyari at nagpapaalaala n~g m~ga pagguiguiliwan at n~g m~ga cadakilaan; m~ga pan~galang wan~gis sa isáng cababalagháng hiwágà na nagháharap sa ating m~ga matá n~g m~ga caisipáng caayaaya at caaliw-aliw; m~ga pan~galang ang kinaoowia'y isang pagcacásundô, isang saguísag n~g capayapâan, isáng tálì n~g pagsisintáhan n~g m~ga nación. Nauucol sa m~ga ganitó ang m~ga pan~galan ni Luna at ni Hidalgo: nililiwanagan n~g caniláng m~ga caran~galan ang dalawáng dúlo n~g daigdig: ang Casilan~ganan at ang Calunuran: ang España at Filipinas. Sa pagsasalitâ co n~g dalawáng pan~galang ito'y nakikinikinitá co ang dalawang nagníningning na balantóc na nagmumula capowa sa magcabicábilang dacong iyon at nagcacalicaw, pagdating sa caitaasan, sa udyóc n~g pagguiguiliwán n~g iisáng pinangalin~gan, at buhat sa caitaasang iya'y papapag-isahín ang "dalawang bayan" sa pamamag-itan n~g walang catapusáng pagcacáisa, "dalawang bayang "magcacambal cahi't papaghiwalayin n~g m~ga dagat at n~g calayuan; "dalawang báyang" hindî sibulán nang "m~ga binhî n~g paghihiwalay na itinatanim n~g m~ga nabubulagang tao at n~g caniláng calupitán." Capowa capurihán si Luna't si Hidalgo n~g España't n~g Filipinas; sa pagcá't cung ipinan~ganác man silá sa Filipinas ay mangyayari rin namáng maipan~ganác sa España. Waláng sariling bayan ang cataasan n~g ísip; ang cataasan n~g isip ay tulad sa ilaw, sa han~gin; pag-aari n~g lahát; walang sariling bayang gaya n~g alang-alang, gaya n~g buhay at gaya n~g Dios. "(M~ga pacpacan)"

"Lumilipas na sa Filipinas ang matatandang caugalian; ang maririn~gal na gawa n~g canyang m~ga anác ay hindî na nangyayari lamang sa loob n~g sariling bahay; iniiwan na n~g paróparóng silan~gan ang sariling bahay; sa m~ga lupaing yao'y ipinakikilala na ang paguumaga n~g isáng mahabang araw, sa pamamag-itan n~g maniningning na cúlay at namumulamulang pagbubucang liwayway, at ang láhing iyóng nagugulaylay sa boong gabí n~g historia, samantalang lumiliuanag ang araw sa ibá't ibáng lupaín, mulî n~gayóng gumiguising na kumíkinig sa untóg n~g electricidad na sa canyá'y gumibíc sa pakikipanayám sa m~ga bayang calunuran, at "hinihin~gî ang ilaw, ang buhay ang civilizacióng" n~g una'y caniláng minana na pinapagtibay ang waláng catapusáng m~ga lagdâ n~g hindî naglilicat na pag-gulong n~g panahón, n~g m~ga pagcacáiba't iba, n~g di nagmamaliw na paghahalihali, n~g pagsúlong."

"Ito'y nalalaman ninyóng magalíng at ipinagdádan~gal na ninyó; cayó ang may gawâ n~g cagandahan n~g m~ga brillante n~g coronang taglay sa ulo n~g Filipinas; ang Filipinas ang nagbigay n~g m~ga bató, ang Europa ang kumikil at n~g numingníng. At pinanonood nating lahát n~g boong pagdiriwáng; cayo'y ang inyong yárì; cami'y ang nin~gas, ang lacás, ang m~ga batóng aming bigay. "(Mainam na totoo.)"

"Ininóm nilá roón ang calugodlugod na talinghágà n~g Naturaleza; Naturalezang dakílà at cakilakilabot sa canyang pagwawasác, sa canyang paglacad na waláng humpáy, sa canyang hindî mapaglírip na lacás. Naturalezang matimyás, payápà at malungcot sa canyang m~ga pagsasaysay na hindî naglílicat at hindî nagbabago; inililimbag n~g Naturalezang ito ang canyáng tatác sa lahát n~g canyáng linalalang at ibinun~ga. Tagláy n~g canyáng m~ga anác ang tatac na iyán saán man silá pumaroón. Cung hindî pacasiyasatin ninyó ang caniláng m~ga ásal, ang caniláng m~ga gawâ, at cahi't babahagyâ man ang pagcakilala ninyó sa báyang iyón, makikita ninyóng na sa lahát na parang siyang bumubuò n~g canyáng dúnong, gaya n~g calolowang siyang namamatnugot sa lahát, cawan~gis n~g nagpapagaláw sa isáng máquina, túlad sa anyóng pan~gúlo, caparis n~g unang cagamitán. Hindî mangyayaring hindî sumilang ang talagang canyang dinaramdam, hindî mangyayaring siya'y maguing isáng bágay at ibáng bágay ang gawín; sa dacong ibabaw cung bagá man nagcacáiba, malicmátà lámang. Sa "Spoliarium", sa licuran n~g pinturang iyang hindî pipí ay naririn~gig ang caguluhan n~g maraming tao, ang sigawan n~g m~ga alipin, ang taguintin~gan n~g m~ga baluti't sandata n~g m~ga bangcáy, ang hagulhulan n~g pan~gun~gulila, ang m~ga híguing n~g dalan~gin, na napagwawari ang anyô at catotohanang tulad sa pagcarin~gíg sa dagundóng n~g culóg sa guitnâ n~g malacás na in~gay n~g malaking agos n~g tubig na bumabagsác mulâ sa mataas, ó ang pan~gin~giníg na nacalalaguim at cagulatgulat n~g lindól. Ang Naturalezang namamaguitnà sa pagcacaroon n~g m~ga bagay na iyon ay siya ríng namamaguitnà sa pincel na lumálagdâ n~g pintura. Bilang capalít nito'y tumítiboc sa cuadro ni Hidalgo ang isang totoong dalisay, pagpapakilalang lubós n~g calungcutan, n~g cagandahan at cahinaang pawang ipinahamac n~g maban~gís na lacás; at gayón, palibhasa'y inianác si Hidalgo sa silong n~g maningning na azúl n~g lan~git sa Filipinas, sa pagpapalayaw n~g mahinhing hihip n~g amihang galing sa m~ga caragatan doon, sa guitnâ n~g catahimican n~g doo'y m~ga dagatan, sa hiwagang caaliw-aliw n~g canyang m~ga capatagang lúpà at carikitdikitang pagcacaayos n~g canyang m~ga bundóc at n~g m~ga bundóc na nagcacatanitanicalâ.

"Cayâ na cay Luna ang m~ga lilim, ang m~ga pagcacalabánlaban, ang m~ga naghihin~galong liwanag, ang talinghágà at ang cakilakilabot, bílang alin~gawn~gáw n~g madidilím na sigwá sa lupaíng mainit, n~g m~ga kidlát at n~g mauugong na pagbugá n~g canyáng m~ga volcán; cayâ cay Hidalgo'y pawang liwanag, m~ga culay, pagcacabagay-bagay, damdamin, aliwalas, cawan~gis n~g Filipinas sa m~ga gabíng may bwan, sa canyáng m~ga araw na tahimic, sa m~ga naaabot doon n~g tanáw, na pawang umaakit sa pagdidilidili at doo'y iníuugoy ang waláng catapusán. At ang dalawá, cahi't lubháng nagcacáiba, sa anyô man lamang, ay nagcacáisa cung ganáp na lilinin~gin; cawan~gis namán n~g pagcacaisá n~g ating m~ga púsong lahát, bagá man totoong nan~gagcacáiba: ang dalawáng itó, sa caniláng pagpapaaninaw, sa pamamag-itan n~g caniláng "paleta," n~g carikitdikitang sicat n~g araw n~g trópico[28], guinágawâ niláng m~ga sínag n~g dî maulátang capurihang canilang inililiguid sa canilang sariling bayan; isinasaysay n~g dalawa ang tunay na calagayan n~g aming buhay sa pagsasamahan, sa asal na guinagamit at sa natutungcol sa pamamahala n~g calacarán n~g bayan; ang cataohang pinapagtitiis n~g mabibigat na dalahin; ang cataohang hindi natutubos, ang catowiran at ang mithing nakikitungáli n~g mahigpit sa m~ga di "wastong caisipán," sa maling pananampalataya at sa m~ga licong cagagawán, "sa pagca't ang m~ga damdamin at ang m~ga pasiya ay nacapaglalag-os sa lálong macacapal na cuta"; sa pagca't sa lahát n~g m~ga hadláng ay may napumumulusán, pawang nan~gan~ganinag, at cung hindî sila magcapluma, cung dî sila tulun~gan n~g limbagan, hindî lamang maghahandog n~g panglibang sa panin~gin ang canilang paleta at m~ga pincel, cung dî naman maguiguing mananalumpating totoong marikit manalitâ."

Cung itinuturo n~g iná sa canyáng anác ang canyáng sariling wícà at n~g maunáwà ang canyáng m~ga catowáan, ang canyáng m~ga kinacailan~gan ó ang canyán~g m~ga pighatî; itinuturò namán n~g España sa Filipinas, sa canyáng pagcainá ang canyáng sariling wícà; "cahi man hinahádlan~gan niyáng m~ga bahagyâ na ang abo't n~g panin~gín at napacapandác ang pag-íisip," na sa canilang malabis na pagsusumicap na sumapanatag sila sa panahóng casalucuyang tinatawid, ay "hindi nila mátanaw ang panahóng darating at hindî pinagtitimbangtimbang ang maguiguing bung~a n~g canilang guinagawâ;" m~ga sisiwang payát, "masasamáng ásal at m~ga pang-akit sa casamâang ásal", na waláng ibáng iniimbot cung dî ang inisín ang lahát n~g damdaming dalisay, at sa caniláng pagpapasamâ n~g púsò n~g m~ga bayan, "ay itinatanim nilá sa m~ga bayang iyán ang m~ga binhî n~g m~ga pagcacaalit at n~g sa panahong darating ay anihin ang bun~ga, ang lasong haláman, ang camatayan bagá n~g m~ga ipan~gán~ganác pang m~ga tao."

"N~guni't ¡limutin natin ang m~ga capan~gitang ásal na iyán! ¡Capayapaan sa m~ga patáy, sapagca't páwang m~ga patáy na n~gâ; hindî na silá humihin~gâ, at sila'y kinacain na n~g m~ga u-od! ¡Howag nating tawaguin ang pag-aalaala sa canilá; howag nating dalhin dito sa guitnâ n~g ating m~ga casayahan ang canilang cabahúan! "Sa cagalin~gang palad ay lalong marami ang m~ga capatid; ang cagandaha't camahalan n~g loob ay pawang m~ga catutúbò sa sílong n~g lan~git n~g España: sa bagay na ito'y cayóng lahát ay m~ga sacsíng maliliwanag." Nangagcaisa cayó sa pagsagót; nan~gagsitulong cayó, at gumawâ cayó marahil n~g lalong malakí cung mayroon pa sana cayong magagawâ. Umupô cayó sa pakikisalamúhà sa aming pagsasalosalo, at sa inyòng pagbìbigay unlac sa maririlag na m~ga anác n~g Filipinas ay pinauunlacan namán ninyo ang España; sapagca't lubos na talastas ninyóng lahat, na hindî ang dagat Atlántico ang hanggahan n~g España; hindî rin namán ang dagat Cantábrico at ang dagat Mediterráneo--casirâang dan~gal n~gang tunay cung macahadláng ang tubig sa canyáng cadakilâan, sa canyáng isipan.--Narorooon ang España cung saan ipinararamdam ang canyáng pangpaguinhawang akit, at cahi't maalís man sacálì ang canyáng bandera, matitira rin ang sa canya'y pag-aalaalang hindî matatapos, hindî magmamaliw, ANO ANG MAGAGAWA NG CAPIRASONG DAMIT NA MAPULÁ AT MARILAW; ANONG MAGAGAWA NG MGA FUSIL AT NG MGA CAÑON SA BAYANG HINDI SIBULAN NG PAGSINTA AT PAGGUILIW; SA BAYANG HINDI NANGAGCACAYACAP ANG MGA MITHI, HINDI NANGAGCACAISA ANG PALATUNTUNAN NG ADHICA, HINDI NANGAGCACASANG-AYON ANG MGA PASIYA NG ISIP..? (Mahabang m~ga pacpacan.)

Si Luna't si Hidalgo'y tunay n~gang inyó at tunay rin namang amin; sila'y inyóng sinisinta, at sa canila'y napapanood namin ang magagandang m~ga pag-asa, m~ga mahahalagang ulirán. Ang m~ga cabataang filipinong na sa Europa, na cailan may masigabo ang loob, at ilán pang m~ga taong nananatili ang m~ga púsò sa pagcabátà, palibhasa'y laguing gumagawâ n~g m~ga cagalin~gang dalisay sa udyóc n~g canilang malilinis na budhî, nan~gaghandog cay Luna n~g isáng corona, mahinhing alay, tunay n~gang maliit cung isusumag sa maalab naming nais, n~guni't siyáng lalong cúsà at siya namang lalong maláyà sa lahát n~g pag-aalay na guinawâ hanga n~gayón.

Datapwa't hindî pa nasisiyahan ang Filipinas n~g pagkilalang utang na loob sa canyáng maririlág na m~ga anác, at sa pagcaibig niyáng maipakilalang ganáp ang m~ga caisipang umuulic sa canyáng budhî, ang m~ga damdaming sa puso'y umaawas, at ang m~ga salitáng tumatacas sa m~ga lábì, naparito tayong lahát sa piguìng na itó upang papag-isahin ang ating hán~gad, upang bigyang catuparan ang pagyayacapang iyán n~g DALAWANG LAHING nan~gagsisintahan at nan~gagiibigan, na nan~gagcacaisang may apat na raang taon na sa caasalan, sa pagpapanayam, at sa pamamayan, UPANG MANGYARING SA PANAHONG DARATING NA ANG DALAWANG LAHING IYA'Y MAGUING ISA LAMANG NACION SA BUDHI, sa canícanilang m~ga catungculan, sa canicanilang pitháyà, sa canicanilang m~ga taglay na biyáyà. (Pacpacan.)

¡Ipinagdíriwang co[29] ang ating m~ga artistang si Luna at si Hidalgo, capuriháng dalisay at wagás n~g DALAWANG BAYAN! ¡Ipinagdiriwang co ang m~ga táong sa canila'y tumulong upang sila'y macatagál sa lubháng mahirap na pagsalun~ga sa landás n~g Arte! ¡Ipinagdiriwang co, at n~g uliranin n~g cabataang filipino, na "inaasahang mahál n~g AKING SARILING BAYAN[30] ang gayóng m~ga cagandagandahang m~ga halimbáwà at n~g ang _ináng España_[31], na mapagsicap at mapagmalasákit sa icagágaling n~g canyáng m~ga lalawigan, "pagdaca'y gawín ang m~ga pagbabagong utos na malaon n~g panahóng pinag-íisip"; may daan na n~g araro at ang lupa'y hindî cutad. ¡At îpinagdíriwang co, sa cawacasán, ang ililigaya niyong m~ga magulang na sa canilang pan~gun~gulila sa guiliw niláng m~ga anác, mulâ sa lubhang malayong lupaing caniláng tinátahana'y sinusundan n~g titig, na basâ n~g lúhà at n~g púsong tumítibóc na naglálagos sa m~ga dagat at sa calayuan, at "inihahayin sa altar n~g icagagalîng n~g lahát ang m~ga matimyas na caaliwang totoong nagsasalat pagdating sa dacong calunuran n~g buhay", mahahalagá't m~ga bugtóng na bulaclác sa panahóng tagguináw na sumisilang sa m~ga pampan~gin n~g libin~gan!--(Masilacbóng m~ga pacpacan; masigabong m~ga pagpupuri sa nagtalumpatî.)

Sumunod na nan~gag talumpatì si López Jaena [na pinintasán n~g dî cawásà ang m~ga fraile], si Govantes, Cárdenas, Del Val, iláng m~ga filipino, si Nin y Tudo, Más, Azcárraga, Luna (nagpasalamat), Regìdor, Fernández Labrador, Labra, Azcárraga (muling pagtatalumpatì), Morayta, Rodriguez Correa at Moret. Natapos ang piguíng n~g ica 12 n~g gabî.

Pakingan natin n~gayón ang salítà n~g castilang si D. Wenceslao E. Retana tungcol sa talumpatî ni Rizal.

Ganitó ang canyang sinabi:

"Hindî n~g n~gâ macahihin~gî n~g higuít pa sa ritong cagandahan n~g pagcacatalumpatî: nagsalitâ si Rizal sa n~galan n~g Filipinas, na dî tagláy ang pagpapacumbabang hiníhin~gì n~g m~ga castílà sa m~ga anác n~g bayang iyon, cung dî parang isáng "caanib" na cusâ n~g caniláng calooban: "tayo'y dalawang bayan, tayo'y dalawang láhì, cung anó cayo'y ganoon din camí, at yamang gayo'y ibig namin ang inyong ibig. ¿Ipinagcacait bagá sa amin ang inaacálà naming carapatdapat na aming tamuhin?... ¡Dilidilihin ninyo ang panahóng sasapit!... Hindî mangyayaring manatili magpacailán man ang casalucuyang calagayan n~gayon "Walâ pang isá man lamang filipino, lalonglalô na cung gayong na sa haráp n~g m~ga castilang may matatáas na catungculan, na nacapan~gan~gahas magsalitâ n~g gayón. Ibig ni Rizal na manatili ang pagsasama n~g España at Filipinas, n~guni't "hinihin~gî niya", upang mangyari ang pagsasamang itó, na magcaroon ang m~ga filipino n~g m~ga catowiran at m~ga catan~gîang kinacamtán n~g m~ga castílà. Ipinalálagay niyang malakíng caapihán n~g canyang láhì cung dî gayón ang mangyayari, at hindî n~gâ mangyayaring tiisin niya ang gayóng caalimurahan. Hangang dito ang sabi ni Retana. Nang panahóng yao'y kinacathâ na ni Rizal ang novelang Noli me tangere, na sa canya'y magpuputong n~g walang hangang capurihán.

Ang m~ga hulíng bowan n~g pagcátirá niya sa España'y guinamit niya sa pag-aaral n~g carunun~gang nauucol sa pag-gawâ n~g m~ga cútà (fortificaciones) sa panahóng pagbabaca, na ang guinamit na salita'y ang wicang inglés, at may m~ga dibujong nagpapaliwanag n~g canyang m~ga isinulat. Pinamagatán niyá ang m~ga dibujong itó n~g "Parapeto Simple."[32] "Caballo de frisa."[33] "Trampas de lobo."[34] "Estacada."[35] "Estacada de perfil."[36] "Reglas para determinar las dimensiones de los parapetos."[37]

Sinabi n~g castilang si Sr. Amador de los Rios, na naguing profesor ni Rizal sa Universidad n~g Madrid sa wicang árabe, na cailán man daw ay hindî pa siya nagcacaroon n~g alagád na macasing tálas n~g isip ni Rizal.

Bago umalís sa España'y nilibot muna ni Rizal ang Andalucía at Valencia, at pinagsicapan nìyang maunáwà ang anyô n~g m~ga lupaíng iyón at ang caugalian n~g m~ga taga roon.

* * * * *

Nang calaghatian na n~g taòng 1885, at n~g macuha na niya ang pagca licenciado sa Filosofía at Letras, at bilang calahátì na ang nacacathâ niya sa Noli me tangere, siya'y na pa sa París, sa udyóc n~g manin~gas na han~gad na macapaglibot sa mundo, upang macapag-aral n~g lahat n~g bagay at n~g mabihasa siyang magaling sa pagwiwicang francés.

Nakisama siya, pagdating sa París, sa bantog na oftalmólogo[38] na si M. Wecker, upang matutuhan niyáng lubós ang panggagamót sa matá. Nagsanay rin siya roon sa m~ga wicang inglés at alemán. Ipinagpatuloy niya sa París ang pagcathâ n~g Noli me tangere.

* * * * *

Nang m~ga unang araw n~g taóng 1886 ay lumipat si Rizal sa Alemania. Nagtumirá siya sa ciudad n~g Heildelberg, na kinalalagyan n~g ilog Néckar, na sumasabang sa ilog Rhin. Buhat diya'y nakipagsulatan siya sa Profesor Ferdinand Blumentritt, sa Leitmeritz, (Bohemia). Nacaibigan niya sa Heildelberg ang profesor Dr. Galezowsky.

Hindî nalimutan ni Rizal susumandalî man ang Filipinas, at nagpapatotoo n~g bagay na itó ang canyáng tuláng sinulat sa Heildelberg n~g ica 22 n~g Abril n~g 1886, na pinamagatán niya n~g: "A las Flores de Heildelberg."[39]

N~g macatira siyang ilang bowan sa Heildelberg at sa Wilhelmsdorf, ay napa sa Leipzig naman at doo'y pumasoc n~g pagcacajista upang macakita n~g pagcabuhay.

Nang m~ga unang araw n~g taóng 1887 ay siya'y napa sa Berlin at doo'y canyáng na caibigan ang m~ga bantog na pantás na si Doctor Virchow, na sa canya'y nagpakilala upang siya'y maguing capanig n~g "Sociedad Antropólogica Berlinesa"; si Dr. F. Jagor, dakilang "naturalista" at maglalacbay na sumulat n~g librong "Reisen in den Philippinen", na ipinalimbag sa Berlin n~g 1873; si Dr. Joest, marilag na "geógrafo" at si Dr. Schiilzer, pantás na mangagamot.

Nang taóng 1886 ay natapos ni Rizal ang pagcathâ n~g Noli me Tangere, at n~g m~ga unang bowan n~g 1887 ay ipinalimbag sa Berlín ang sinabi n~g libro.

Nang calaghatían n~g taóng 1887 ay dumating sa Maynila ang iláng Noli me Tangere; datapwa't pinacaiin~gatang lubhâ n~g bawa't pinalad magcaroon, sa tacot na bacâ dumating sa balítà n~g pinúnò, ó n~g m~ga fraile, ó n~g m~ga guardia civil ó n~g m~ga castílà ay pagbintan~gan siyang "filibustero"[40] at pagusiguin n~g cakilakilabot.

Bawa't macabasa n~g "Noli me Tangere" ni Rizal ay nan~gagsasabing ang librong ito'y siyang bagong Biblia n~g bayang filipino; sa macatowid baga'y sa m~ga aral na nababasa sa Noli me Tangere ni Rizal naroroon ang catubusan n~g bayang filipino.

¡Laking pagcacagulo n~g m~ga fraile at n~g lahát n~g m~ga castílà n~g matalastas nila ang napapalamang m~ga casaysayan sa libro ni Rizal!

Pagdaca'y gumawâ ang m~ga fraile n~g isá at waláng higcát na pagpupulong. "¡Laking capusun~gan! ¡Isáng "indio" isang "macacong indio", isang "matsing na indio"--ang sabihan nila--ang nan~gan~gahas pumintas n~g ating m~ga cagagawan!"

May nasumpun~gan si párì Pedro Payo, fraileng dominico at casalucuyang arzobispo dito n~g panahóng iyón, na isáng Noli me Tangere; dinalidaling binasa itó at pagcatapos ay agád ipinadalá n~g ica 18 n~g Agosto n~g 1887 cay párì Gregorio Echevarría, na fraileng dominicong gaya rin niya, at rector n~g cung tawaguin nila'y Real y Pontificia Universidad de Santo Tomás de Manila, upang siya namán ang sumiyasat. Dalîdálì namáng binása nitó at pagcatapos ay nagtatág n~g isáng capulun~gang naboboo n~g tatlóng fraileng m~ga dominico, na ito'y si párì Matías Gómez, si párì Norberto del Prado at si párì Evaristo Fernández Arias, upang silá ang humatol cung ano n~gà cayâ ang nan~gapapalamán sa novelang sinulat ni Rizal.

Nang ica 30 n~g Agosto n~g 1887 ay nagpadalá n~g sulat sa Arzobispo na si párì Payo ang rector sa Universidad na si párì Gregorio Echevarria, at doo'y sinasabing binasa at pinagsiyasat n~g isáng capulun~gan ang Noli me Tangere na ilinathalâ ni J. Rizal, at caniláng lubos napagtantong ang librong iyo'y totoong isáng malakíng heregía, capusun~gán at nacasisirang púri sa Religión at isáng ganáp na paglabág at pag-alimura sa Gobierno n~g España at sa lahát n~g m~ga mahál na capisanang castílà rito, at pangguguló n~g catahimican n~g púsô at n~g budhî n~g bayan at n~g m~ga namamayan dito, at mangyayaring pangalin~gan n~g m~ga casacunaang totoong cahapishapis sa España. Sa maiclíng sabi, alinsunod sa capulun~gan n~g m~ga fraile, ang librong iyon ni Rizal ay casamasamaang panglabág sa Religión, panglait sa España at pangguguló sa calooban at damdamin n~g tagarito.

Ipinadalá namán nì párì Payo ang sulat na iyón sa capitán general na si D. Emilio Terrero.

Sa magcabicabilang panig n~g Maynilâ, n~g boong Filipinas ay pinag-uusapan n~g lihim n~g m~ga castílà, n~g m~ga filipino, n~g m~ga taga ibang lupaín ang pasiyá tungcol sa Noli me Tangere, ¡n~guni't waláng nacatatalós, waláng nacacabasa pa n~g Noli me Tangere! At lumálakí n~g lumálakí ang bulung-bulun~gan, ang sabihana'y ang librong iyó'y cakilakilabot, calaguimlaguim, waláng cahalintulad n~g samâ ... ¡at lumálakí namán n~g lumálakí ang pagmimithî n~g bawa't macahiguing n~g balitang iyóng mabasa ang Noli me Tangere! caya't pinagpilitan n~g lahát at n~g bawa't isá ang magcaroon; n~guni't hindî macakita, mahirap macakita cung dî sa pamamag-itan n~g lalong matatalinong paraan. N~g m~ga unang araw ay nacabibili n~g tatlóng piso bawa't libro, hindî nalao't dumating n~g sampong piso, labingdalawáng piso, labinglimang piso, dalawampong piso ... Nang malao'y hindî na dalawampong piso ang halagá n~g bawa't "Noli", lalô pang malakí, at cahi man malakí ang ìbayad, cung castílà ó mestizong castílà ang humahanap ay hindî macakita; caya't napilitan ang m~ga castílà at ang m~ga punong castílà na magpabilí sa Europa, at sapagca't mainam na pang-udyóc sa anò man ang pakikinabang n~g limá, anim hangang macasampong ibayo, ang m~ga castílà rin ang namilí sa Europa n~g Noli me Tangere sa halagang manalapî, at sacá dinalá rito n~g lihim at ipinagbilí rito n~g lihim sa capowâ castílà rin, sa m~ga fraile, sa m~ga filipino at sa m~ga taga ibáng lupaín sa halagang camalácmalác na dalawampô hangang dalawampo't limang piso ang isá.

Sa sulsol ni párì Payo ay ipinadalá naman n~g capitan general na si Terrero ang Noli me Tangere sa "Comisión Permanente de Censura"[41] upang ito'y maglagáy namán n~g canyáng pasiya. Si párì Salvador Font, fraileng agustino ang siyang naglagda n~g pasiyá, na doo'y pinacacalaitlait si Rizal hangang sa tawaguing isáng "han~gal" daw na waláng pagpalagyan sa catacsilán at samá. Ang Noli me Tangere, aní párì Font, ay isang paglabág at pamumusóng sa Religión n~g España; isang paglabág at pamumusóng sa Pan~gasiwaan, sa m~ga castilang cagawad n~g Gobierno at sa m~ga Tribunal n~g justicia; isang paglabág at pamumusóng sa hucbó n~g Guardia Civil, isang paglabág at pamumusóng sa icapapanatili n~g m~ga nasasacop n~g España, at pagcatapos n~g ganitong bugsô n~g "paglabag at pamumusóng" ay sinabi niyang sa canya raw pasya at acálà, ay dapat ipagbawal n~g capangyarihan n~g capitán general ang pagdadala rito, paglilimbag ulî rito at paglalaganap dito n~g librong Noli me Tangere, na totoong nacacapahamac.