Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net. Special thanks to Matet Villanueva, and Ateneo Rizal Library-Filipiniana Section for helping to reconstruct some portions of this project. (This file was made using scans of public domain works from the University of Michigan Digital Libraries.)
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
"APÔ-APÔ"
(ZARZUELA)
"Kung sinong Apô-Apô"
(KASAYSAYAN.)
Pantaleón S. Lopez
MAYNILA
Limbagan nina Fajardo at Kasama
Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz
=1908.=
Zarzuelang tagalog na may isang bahagi,
ikatha ni P. S. Lopez, at tugtugin ni Mateo
Varios na pinamagatang:
"APÔ-APÔ"
M~GA TAO SA OBRA.--M~GA ARTISTA.
Soledad......G. Máxima Gonzales.
María........Bb. Petrona Polintan.
Ludovico.....G. P. S. Lopez.
Tio Agong....» F. P. Ballecer.
Bakokoy......» Juan Bernabe.
Tio Pedro....» E. Peña.
Totong.......» F. Peña.
KAPISANAN N~G PANDAY.
Tanging bahagi
* * * * *
Pagbubukas n~g tabing mamamasid ang isang taller n~g pandayan si Ludovico at m~ga panday.
ESCENA I.
MUSICA No. 1.
Coros.--Itong ating kabuhayan
ang mag panday gabi't araw
siyang tan~ging kabuhayan
n~g kapatid at magulang.
Ludovico.--Kapalara'y sinakbibi
kabuhayay kinandili
at guinhawa'y humalili,
palad n~ganing tantong apí.
Coro.--Bawat palo n~ga sa bakal
n~g martillong nasa kamay
pawis nag tagtagastasan.
sa katawang n~g lulumay.
hot, hot, hot,
SALITAAN.
Agong.--Luduviko kapatid ko: dahil saiyo ay diko maikakailâ na ako'y guminhawâ sanhî sa mabuting iyong pamamanihala nitong aking kabuhayan.
Vico.--Diko po itinuturing.
Agong.--Sa gayon ay maraming salamat aalis.
Pedro.--Kaibigan ayon sa kainaman mong ugali dika sukat mag tiwalâ n~g labis sa ating apô-apôan, sapagkat dinguín mong madalas asalin niyan:
Iyan ay walang ugaling makisama sa di niya mauulól, at marunong gumalang sa matwid, siya,i, di mopa kilalá dahil sabago kapang nakakasama ¿gaano nabang panahon ang iyong pagkalagay dito?
Vico.--Dalawang taon lamang.
Pedro.--¿Gasino na ang dalawang taon? ako'y nakilala ko pati inunan niyan at sa katunayan, iyan ay pang-ulo n~g isang tungkos na inútil at walang ini-isip kung di ululín ang m~ga kaawa-awa, walang bigóng kilos na di pinagkakagasta; at ang bawat hindi umamin sa linsad niyang paraan ay tuturang walang pag-ibig sa lupang kinamulatan.
Vico.--Katoto: masalág ko ang iyong pan~gun~gusap, si Tio Agong ay walang kasalanan, sapagkat sa bayang walang napakukutos, ay walang man~gun~gutos, tuturan mong siya'y pan~gulo n~g isang kapisanan. ¿Hindi mo ba natatalos yaong wika: Na sa bayan n~g ulol walang Hari kundi ang gungong? Kaya wala sa gunam-gunam ko ang ako'y kaniyang pagtaksilan.
Pedro.--Ito'y sinabi ko lamang, huag mong lílimutin yaong wika: na ang mapagkatiwala madalas mapan~ganyaya iyong tatandaan aalis.
Lalabas si Soledad Malungkot.
ESCENA II.
Soledad.--Guiliw kong asawa! bagaman,t, mahapdî,
sa puso,t, panimdim ang isasangunî,
pag iinutan ko, na maimungkahî
sabahay naito'y huag mamalagui.
Vico.--Ikaw'y asawa ko ano mang masapit
ikaw lang ang tan~ging sa dib-dib naguhit
nag papagal ako kasi ko at ibig
sa iyo ang dahil....
Soledad.--Dinguin mo ang sulit:
Ibig kong sa bihin n~gayong ipamalay
sa iyong kasamá ikaw,i, humiwalay.
Vico.--Ang lahat mong sabi aking hahadlan~gan
pagkat diko ibig at di katuiran.
Ako'y kilalá mong inanák sa pagod
sapagtatrabaho'y nabuhos ang loob
ang pandayang ito kung kaya lumusog
ay dahil sa akin.
Soledad.--¡Maawain kong Dios!
Vico.--Talastas mong dati ang aking puhunan
sa pandayang ito'y madlang kapaguran
n~gayong sumapit na ang pakikinabang
manghihikayat kang akoy humiwalay.
Soledad.--Dinguin aking guiliw itong isasaad
na sa pagkahimlay aking na pan~garap
ang taksil na Agong magdarayat sukab
at sa may asawa ay nan~gun~gulimbat.
Tan~gi pasarito ang dulong himutok
n~g nag bigay agam aking bun~gang tulog
kahiman daw lan~gít ang iyong idulot
kagantiha'y lason.
Vico.--Bibig mo'y itiklok aalis si Vico
MUSICA No. 2.
(2 ulit) (Anong sakláp na damdamin
itong aming nararating
ang asawang guiniguiliw
walang tiguil sa pagdaing) (2 ulit.)
(2 ulit) (¡Oh! Bathalang lubhang mataas
asawa koy iyóng iligtas
sa m~ga madláng bagabag
malayô sa tanang hirap.) (2 ulit).
SALITAAN.
Soledad.--Hindi malan~gap ko
ang m~ga insal
n~g lilong si Agong
may asal halimao
hindi na nan~gimi
pag sinta'y ialay
¿sa isang gayako?
ESCENA III.
Lalabas si Pedro, may dalang sulat.
Pedro.--Soledad pag masdan.
Soledad.--Tio Pedro, ikaw po,i, manain~ga: natatanto ko po na ikaw ay may dan~gal na taglay, kung ako po ba'y may ipag tapat sa iyo, ikubli mo po kaya.
Pedro.--Ah, Soledad puputok sa lupa, n~gunit sa aking dila ay hindi; turan mo.
Soledad.--¿Ano po ba ang pagkakilala mo kay tio Agong?
Pedro.--ha, ha, ha. Isang tawong lasengo, ang sinabi sa umaga na lilimutan sa hapon, isang ugaling muy ordinario, baga man mauban, ang laman n~g utak ay kamangman~gan, isang tawong mapag-ulol sa kababayan, isang tawong madalas sangkalanin ang bayan, isang tawong mapag apôapôan, isang tawong hantik pa sa limatik, isang tawong mapagpasamba sa tanto niyang han~gal, isang tawong tumandâ sa pagkabusabos, at isang tawong....
Soledad.--Hintay ka po muna.
Pedro.--Ah, hindi mona maa-awat, isang tawong kung hindi mo alintanahin ang kanyang....
Soledad.--Tapusin mo na po.
Pedro.--Aba ay tapos na n~ga, ¿ano naman ang ipagtatapat mo sa akin?
Soledad.--Marahil po'y tanto mo, na kung hindi dahil kay Ludovico, ay hindi uusbong ang kaniyang kabuhayan.
Pedro.--Oo n~ga, tanto ko, kaya't ang pamarali ni tio Agong, si Ludovico daw ay socio industrial sa pandayang ito.
Soledad.--Madalumat mo po bang ialay sa akin ang kanyang pag-ibig, madalumat mo po bang nasain n~g Agong na iyan, na ihapay ang puri n~g kanyang pinakikinaban~gan.
Pedro.--Ito'y hindi ko n~ga madadalumat at dapat ko namang dalumatin, na baka kaya naman ang ibig niyang mangyari, sapagka't si Ludovico ay socio industrial niya sa pandayan, siya nama'y maging socio industrial ni Ludovico sa iyo ha, ha, ha ... ito'y hindi natin masusukat.
Soledad.--Kaya't yayamang sa aking asawa'y wala akong sukat magagawang paraan upang ipamalay sa kanya ang m~ga bagay na ito ikaw na po ang magsabi sa kanya.
Pedro.--No puede ser hija de Dios.
Soledad.--¿Hindi ka po ba nahahabag sa aking asawa?
Pedro.--No puede ser hija de Dios. takot na takot ako sa basagulo, kung iyan ay sabihin ko kay Ludovico at paputukin naman ni Ludovico ang ulo niyan, di pati ako'y hila-hila sa Juzgado.
Soledad.--¿Ano po itong sulat na ibinigay mo sa akin?
Pedro.--Si tio Agong ang nagpapadala sa iyo niyan, huag ko daw pagpapahamakang buksan.
Soledad.--N~g iyo pong matanto babasahin ko sa iyo bubuksan ang sulat.
Guiliw kong Soledad: Gaáno kayang pagtataká ang tatamuhin n~g iyong mapayapang dibdib na kung sa kalatas kung ito'y matantô ang laki n~g aking pag-ibig.
Pedro.--Samantalang binabasa mo, dadasalin ko naman ang sampung utos n~g Dios, Luluhod. Ang una ibigin ang Dios na lalô sa lahat.
Soledad.--Ini-ibig kita hangang huling tibok n~g aking paghin~ga kahi't dios man ang humadlang.
Pedro.--Ang ikalawa huag kang manumpa sa sa n~galan n~g Dios.
Soledad.--Ikaw ang pan~gin~gilinan ko't igagalang.
Pedro.--Ang ikatlo sa lahat lamang n~g lingo at pista ka man~gin~gilin.
Soledad.--Soledad igagalang kita.
Pedro.--Ang ikaapat igalang mo lamang ang ina mo't ama gayon din ang katwiran.
Soledad.--Mamahalin kita n~g higit sa buhay.
Pedro.--Ang ikalima huag pumatay n~g tawo.
Soledad.--¡Ay Soledad! ikaw ang buhay ko.
Pedro.--Ika anim huag kang makiapid sa di mo asáwa.
Soledad.--Ikaw Soledad ang tan~ging numakaw n~g aking puso.
Pedro.--Ang ikapito huag mong nanakawin ang ipinagkakatiwala sa iyo.
Soledad.--Soledad n~g aking buhay ang ninasâ kong ito'y hindi mahahadlan~gan kahit ang Dios.
Pedro.--Ikawalo, huag kang mapagbintang sa kapua mo, bago bago ikaw ang lilo.
Soledad.--Soledad ko, ikaw ang pinagnasaang pagkamatayan n~g aking pag-ibig.
Pedro.--Ikasiam huag pagnasaan ang asawa n~g kapua mo.
Soledad.--Guiliw kong Soledad ikaw ang aariin kong kaisang puso.
Pedro.--Ikasampu huag mong pagnasaan ang ari n~g iba, lalo na kung iguinagalang ka.
Soledad.--Hahanganan kona ang takbo nang pluma sapagka't ikaw din ang iibiguin ko kahit anong karatnan.
Pedro.--Ang sampung utos n~g Dios dalawa ang kinauuwian: ibiguin mong iyong kapua gayon din ang Dios, at bayaan mong mamili sila kung alin ang kanilang ibig titindig. Pues iha ikaw ang makapamimili n~g iyong ibig.
Soledad.--Kaya n~ga po tio Pedro, gawan mo po n~g paraan walin sa kanyang loob ang kanyang nina-nais sa kayo din po ang kaututang dila niyan.
Pedro.--Bueno, pabayaan mo,t, akong bahala.
Soledad.--Siya diyan napo kayo aalis.
Pedro.--Saragating tawo itong si Agong Maria, Maria lalabas si Maria.
ESCENA IV.
Maria.--Ano.
Pedro.--Natatanto mo itong si Tio Agong; ibig palang lumigaw dito kay Soledad, Jesus mariosep bakit ko ba naipagtapat dito.
Maria.--¿Si Soledad na asawa n~g kanyang kasamá?
Pedro.--Oo.
Maria.--Maniwala kana sasinasabi kona sa iyo,t, ang sinalibad n~g isang laksang iyan e.
Pedro.--Ako pang guinawang taga dala nang sulat.
Maria.--Sinasabi ko sa iyo,t, iyang pagka meketrepe mo á ¿Hindi kaba na hihiâ sa tawo na iyang tandâ mong iyan ay pumasok kang ...ow aambaan n~g suntok pag hindi ko pinaaguasa ang ilong mo á ¿Bakit ba sunod ka n~g sunod sa hayop na iyan?
Pedro.--Mangyari ako'y natatakot baka akoy maturang hindi mabuting kababayan.
Maria.--Naku.....pag hindi ko binalibol ang bun~gan~ga mo á, ang sukat mong akalain itong aking sasabihin: kung ang tawo bang iyan ay mabuting cristiano, dapat bang pag nasaan ang asawa n~g kanyang kasamá.
LALABAS SI BAKOKO'Y
ESCENA V.
Bokokoy.--Magandang araw po.
Pedro.--¿Sino?
Bokokoy.--¿Sino puba ang amo dito?
Pedro.--¿Bakit?
Bokokoy.--Ibig ko pu sanang manilbihan.
Maria.--¿Baka hindi ka makatatagal dito?
Bokokoy.--Tatagal po.
Pedro.--N~g akoy maligtas sa m~ga basagulo ipasok ko ito, hoy ¿ano ang pan~galan mo?
Bokokoy.--Bokokoy po.
Pedro.--Dito'y talagang nan~gan~gailan~gan n~g alilà, datapua't isang alilang pipe, dahil sa ikaw ay hindi pipe tuturuan kitang maging pipe, pagka't ang amo dito ay ayaw makikisama kung hindi sa pipe, bulag, at kimaw na gaya ko; ako man ay hindi rin kimaw nagkikimawkimawan lamang ako, o tignan mo.
Biglang hahampasin sa tiyan si Bakokoy.
Bokokoy.--Aray, ha ha ha.....
Pedro.--¿Bueno, ibig mo? iyan man hindi rin bulag.
Bokokoy.--Opo.
Pedro.--Pag sinabi sa iyong ganito ikukumpas ang kumay sa mukha babayi ang kailan~gan kukumpas uli pag ganito lalaki.
Bokokoy.--Opo.
Maria.--Mabuti, insayuhin mong mabuti iyan at papasok ako dito sa loob aalis.
ESCENA VI.
Pedro.--¿Magkanong sueldo ang ibig mo?
Bokokoy.--Kahi't na po magkano uubo sa loob si Agong.
Pedro.--Humanda ka at nandito na. Lalabas si Agong.
Agong.--Pedro, aha? sino iyan?
Pedro.--Ibig pumasok na alila pinapag-antay ko dahil sa pipe, baka wika ko maibigan mo.
Agong.--Aha, oo kung pipe ay ibig ko n~ga magkano an~g sueldo tanun~gin mo.
Pedro.--Bokokoy.
Agong.--Anong n~galan?
Pedro.--Bokokoy, ayon sa recomendación na aking tinangap. Hoy, kukumpasan kung magkano ang ibig sahurin magkano ang ibig mong sueldo.
Bokokoy.--Ikukumpas na limang piso.
Pedro.--Límang piso daw.
Agong.--Comforme ako, hoy tatampalin sa balikat kukumpasan n~g kahit anong makita huag sasabihin huag mong sasabihin ¿ha?
Bokokoy.--Ong.... tatan~gotan~go.
Agong.--Tio Pedro, anong sagot ni Soledad?
Pedro.--Tio Agong, pillo ka pala naghain ka pala n~g pag-ibig kay Soledad.
Agong.--He, he, he.... Saragate ka tio Pedro, marahil binuksan mo ang sulat.
Sa tuina't magtatawanan ang dalawa makikitawa si Bokokoy.
Pedro.--Hindi ko binubuksan kung di binasa sa akin ni Soledad, dahil sa kilala ni Soledad na marunong akong magkubli n~g lihim, samantalang kanyang binabasa dinadasal ko naman ang sampung utos n~g Dios, n~g marinig niyang ang ika anim na utos n~g Dios na huag makiapid sa may asawa namun~gay ang mata, saka tumawa n~g lihim kaya't tila tinatangap na ang iyong pag-ibig magtatawanan maquiquitawa si Bakokoy.
Agong.--Hoy, ¿bakit ka tumatawa?
Pedro.--Talagang ganyan iyan, pagnakakita n~g tumatawa nakikitawa din ha, ha, ha ... Tatawa si Pedro makikitawa si Bokokoy nakita mo na di nakikitawa naman.
Agong.--Aba sien~ga a, dahil sa ang aking pagkaalam, ay tungkol pipe, siempre bin~gi.
Pedro.--Oo n~ga bin~gi n~ga iyan sa iyon ang kanyang ugali, pag nakakita n~g tumatawa nakikitawa, anong magagawa natin: tawanan mo; pag hindi ka tinawanan talo ako.
Agong.--Hoy, n~gin~giti si Agong n~gin~giti din si Bokokoy, hahalakhak si Agong hahalakhak din si Bokokoy.
Pedro.--Kaya wala tayong dapat katulun~gin sa pagligaw mo kay Soledad kung hindi iyan.
Agong.--¿Saan naroroon si Soledad? lilin~gon si Pedro masusuliapan si Soledad na lumalabas.
ESCENA VII.
Pedro.--Naito siya't dumarating Patakbong aalis.
Agong.--Ay! Soledad!
Soledad.--Aba bastos na tawo ito, hindi na kayo nahihiya, kahit may tawo.
Agong.--Diyan ay huag kayong mag-alaala, pagka't tan~gi sa iyan ay pipe, bin~gi pa ¡Ay Soledad!
Soledad.--Di ka na nan~gimi sa aki'y maghain ¿n~g iyong pagsinta? ¡may lahi kang taksil!
Agong.--¿Maging sala kaya ang gawang gumiliw?
Soledad.--Sukat na, sukat na,
may dilang matabil.
Dapat mong lin~gapin
ang aking asawa
marunong mag tapat
sa pakikisama,
maguing araw gabi,
tanghali't umaga
trabaho ang ibig
upang guminhawa.
Bagá man sakali iyong namamálas
sa ibang babae ang ugaling judas
ako naman sana'y huag mong itulad
tatampalin kita....
Bakokoy.--Frefeta Jeremias.
Agong.--
Huag maguing tampal sukdang maging suntok
titiisin ko rin taglay n~g pag-irog
kahit sa n~gayon din buhay ko'y matapos
iibiguin kita.
Bokokoy.--Santo Nicodemus.
Agong.--Ako'y kilanlin mo sa bayan ay tanyag bawa't nasain ko'y nasusunod agad.
Soledad.--Kung magkaganito matwid ay baligtad, n~guni't huag gawin sa nan~gadidilat.
Agong.--Pag-ibig ko'y tuloy, hindi magagatol pagka't akong apô....
Bokokoy.--Malapit lumindol.
Agong.--Ang kahit bumaha n~gayon din n~g apoy, ini-ibig kita yayakapin.
Soledad.--Iilag Ah, lahing Faraon.
Dika na nahiya n~g asal mong iyan
isang may asawa iyong pan~gahasan
bulok ang puso mo, may lahing halimaw
di ka na natutong magbigay pitagan.
Agong.--Itong pagsinta kong nakintal sa dibdib hindi maaampat ano mang masapit ang yakap kong ito, hulog na n~g lan~git hahagkan pa kita....
Soledad.--Halimaw, balawis. Wala kang damdamin tawong walang wasto: marun~gis ang dibdib maitim ang puso: darating ang araw noong pagka pugto n~g gaya mong sakim mapag apô-apô. Tatampalin pagkatampal aalis patakbo.
Bokokoy.--Aray....
Agong.--¿Nakita mo ang guinawa sa akin? Pakumpas.
Bokokoy.--Ong ... pailing-iling.
Agong.--Huag kang magsasabi kanino man pakumpas aalis si Agong sapolsapol ang mukha biglang tatawa si Bokokoy pagkaalis.
Bokokoy.--Walang hiya pala itong apô-pô namin dito.
Darating si Lodovico lalabas sa fondo at si Soledad sa kaliwa.
ESCENA VIII.
Vico.--Oh Soledad kailan man ikaw ay na sa aking piling, hindi ko nakikilala ang kamatayan.
Soledad.--¡Ó Asaua ko! kailan mang oras di kita masilayan, tanto akong nalulumbay.
Vico.--Tunay kaya?
Soledad.--Tunay.
Vico.--Kung gayon ay dínguin.
MUSICA No. 3
Vico.--Kung totoong iyong tinuran
iabót ang iyong kamáy
Soledad.--Naito aking hirang
at huag ang kamay lamang
kung di pa sampúng katawán
Vico.--Oh laking kaligayahan
Tantoin mo aking guiliw
ikaw ang sasalaminin,
buhay ko man ay mairing
dito magpahangang libing.
Soledad.--Sa oras na masanghayâ
nag bulaklak yaring tuâ
at naparam ang dalita
sa ligaya'y sumagana.
Sol. at Lvo.--Itong ating kaligayahan
waring araw na sumilang
ligaya'y ating kamtan
dito sa pag-iibigan
Anong sarap anong tamis,
ang linamnam n~g pag-ibig
di mandin maiwawan~gis
sa ligaya n~g angeles
Lalo na n~ga't kung kaulayaw
ang sintang minamahal
wari man din tinanglawan
n~g m~ga bitui't buan.
SALITAAN.
Vico.--Asawa ko, kahit ang pagod ko'y halos makaputol n~g hinin~ga kapag ikaw ay nasa piling naiisbang walang liban.
Soledad.--Kaawa-awa kang tunay sa iyong kasamá, iyo ang pag-luhâ, iyo ang pagdaing, iyo ang pagtaghoy, at iyo pa ang damdamin.
Vico.--Hindi magkakagayon at sino ang tawong iyan hoy, ¿Sino ka?
Bakokoy.--Sino naman kaya ito. Kukumpas n~g pagalang.
Soledad.--Iyan ay bagong pasok lamang dito.
Vico.</sc.--Bakit kukumpas kumpas.
Soledad.--¿Bakit, kailâ pa ba sa iyo ang pag uugali niyang kasama mo? ayaw makikisama kundi sa m~ga inútil, iyan ay pipe.
Vico.--Pasiensia hija iyan ang ugali niyan ¿anong magagawa natin?
Soledad.--Magpahin~galay ka.
Vico.--Oo n~ga aalis.
Soledad.--¡Oh Bathala!
Tulun~gan mo akong makapagpamalay
sa aking asawa m~ga kagagawan
n~g kanyang kasama; na may asal banday
sa udiok n~g nasang lubhang tampalasan.
Sugat na maantak n~g sariling puso
ang bigyang damdamin asawang kasuyo
ang bagay na ito'y kungdi ipatanto
masasabing akoy.....
Bokokoy.--Daig kong napako.
Vico.--Sa loob. Soledad.
Soledad.--Nandian na. Aalis lalabas si Pedro.
ESCENA IX.
Pedro.--Bokokoy kukumpas lang si Bokokoy pag akong kausap mo huag kang magpipipe at babasaguin ko ang bun~go mo, ¿anong narinig mo?
Bokokoy.--jajaja. Saragati palang tawo iyang amo natin, dapat ba namang.... ibubulong.
Pedro.--Sust, kuidado kahit anong makikita mo huag kang magsasalita kung ibig mong ikaw mapamahai sa kanya, sapagka't kaya iyan nag-uugali n~g ayaw makisama kung di sa pipe, bulag, bin~gi, at pilay n~g upang masunod ang lahat niyang nais nalaman mong ibig niyan, apoin siya kahit pabalubaluktok ang kanyang gawin.
Bokokoy.--Iyon pala lamang bayaan mo,t, akong bahala.
Pedro.--Ipinatatalastas ko naman sa iyo iyong isang dumating dito ang asawang tunay noong babae at siyang segundo amo dito. Lalabas si Agong Huag kang main~gay at lumabas si Agong magpipipipihan ka.
Bokokoy.--Oong......
Pedro.--Maniwala ka sa akin na labis n~g buti si tio Agong.
Agong.--Tio Pedro, gahol ito'y huli n~g aking pagdaing sa iyo sa naisip kong ito'y hindi siya sasala tatawa makikitawa ang dalawa nakitawa na naman ang sinalibad n~g ... ang sulat na ito ay sasabihin kong telegrama sa akin n~g isang kaibigan ko sa Calasiao si D. Ludovico ang aking uutusan ang sa sama sa tren kayong dalawa ni Bokokoy, at sa alas onse n~g gabi kakausapin ko si Soledad, sa ibig man at sa ayaw iibig siya sa akin naito siya't dumarating, darating si Ludovico, magsi pormal kayo.
Vico.--Guiliw kong kapatid sa awa n~g Dios ay tapos ko n~g naihatid ang m~ga gawa natin ibig kong sa lingong haharapin palakihan na itong taller.
Agong.--Ako'y talima sa iyong bawat maibigan; kapatid: basahin mo itong telegramang aking tinangap buhat sa Calasiao doon ay may gawa na lubhang kailan~gang ikaw ay makarating.
Vico.--Talos mo nang dati na akoy nasa ilalim n~g iyong kapangyarihan, tan~gi sa roon kailan man at sa ikagagaling, íka uusbong n~g ating kapisanan kahit sa nag-u-umpugang bato paroroonan ko.
Agong.--Kung gayon maghanda kana.
Vico.--Sa gayon ay paalam aalis magtititigan ang tatlo at saca maghahalakhakan n~g tawa.
Agong.--¿Naniwala na kayo? sa sinasabi ko sa inyong wala akong iisipin na di masusunod, n~gayon akin si Soledad, diyan na muna kayo ja, ja ja ja Agong magsaya ka Agong aalis mamaya sa anyong si Agong ay tatalikod babanatan n~g tampal sa batok ni Pedro magugulat si Agong itatagong bigla ang kamay ni Pedro.
¿Sinong bumatok sa akin?
Pedro.--¿Nananaguinip ka ba tio Agong? ¿Hindi ba kayâ ibig na ibig mong makisama sa m~ga inútil n~g walang makabatok sa iyo gumawa kaman n~g hindi katuiran, at saka n~gayon ay tatanun~gin mo sa akin kung sinong bumatok sa iyo e, ¿sinong babatok sa iyo ako ba? ¿mababatukan ba kita kimaw ako? Bokokoy: ¿Sinong bumatok kay tio Agong?
Bakokoy.--Kung hindi lamang ako pipe sinabi kona pakumpas ong......
Agong.--Adios tio Pedro tutumbukin sa sikmura Adios Bakokoy aalis masaya.
Bakokoy.--Tio Pedro sundot sa sikmura pillo ka.
Pedro.--Jajaja Lalong pillo si tio Agong papormal ating pag isipan n~g lalong magaling ¿pa anong gagawin mo kung ikaw ay si Ludovico?
Bakokoy.--Kung hindi ko nalalaman kahit ako lokohin; mag papasencia ako lalabas si Luduvico taglay ang isang maleta de viage at tampipe. Huag kang main~gay at dumarating si Ludovico.
Ludovico.--M~ga kaibigan: ako
sa inyo,i, nagpapa-alam
Pedro.--¿Kami bay iyong iiwan?
Ludovico.--Hindi m~ga kapatid
Talastasin ninyo akoy ini-anak
sa mundong sakdalan noong madlang hirap
at walang minana kundi mag papatak
malagkit na pawis.....
Pedro.--Iyan ang marapat.
Vico.--Sa pag tatrabaho,t, sa patak n~g pawis
doon ko kukunin ang ikabibihis
di gaya n~g iba ating na mamasid
na sapag a-apo nandoon ang nais.
Akoy handa n~gayon pasasa Calasiao
n~g upang tuparin aking katungkulan
katungkulang hindi, dapat kong tangihan
pagkat siyang usbong aming kabuhayan
Akoy sinalubong n~g aking kasamá
sa papel na taglay ako daw pumilma
ginawa ko naman ay aking binasa
n~g aking matanto inagaw pagdaka
Sa akin sinabi:
Huag mong basahin iyang kasulatan
kung hindi mo ibig kita'y kagalitan
subo n~g galit ko'y di ko napigilan
pagka't bawat tawo ay may kalayaan.
Aking isinigaw na ipinakalakas
¿bakit nanasaing malupig ang lahat?
tumugon sa akin; ¡ah! walang paglin~gap
sa bayang sarili ... bigla kong sinalag.
Sapagka't ang nais na nakatalatâ
sa papel na iyon pumilma ang madlâ
isang kababaya'y maalis na biglâ
sa luklukang trono siya ang itakdâ.
Aking hinandulong mataas na sabi
huag sangkalanin ang bayang sarili
na tulad kay Luzbel naghapay n~g puri
sa n~galan n~g Dios n~g siya'y bumuti.
Sapagka't ugali n~g apô-apôan
siya ay Diyosin tanang kababayan
kaya at si Luzbel ang pinagharian
lahat n~g demonio sa ka infiernohan.
Kaya m~ga guiliw irog co at sinta
kayo,i, kaiin~gat sa aking kasamá
n~gayon ko natatap ang ugali pala
siya ang poonin sambahin towina.
At sa pagbalik ko ako'y hihiwalay
hindi ko na nais ang pakisamahan
at pagkagaling ko doon sa Kalasiao
sa inyong lahat na, ay mag papaalam.
Bakokoy.--Ako'y hindi pipe n~g iyong matalos kung ikaw,i, aalis ako poy susunod pagkat ang puso ko'y marunong umirog maalam tumampal sa mapag dios dios.
Pedro.--Ng inyong matanto akoy hindi komang matigas tigas pa ang aking balakang n~g iyong matatap aking binatukan ang mapagmapuri na apô-apôan.
Agong.--Sa loob. Pedro, Bakokoy.
Ang Dalawa.--Tinatawag kami n~g hunghang.
aalis patakbo ang dalawa lalabas si Soledad malungkot si Vico naman sa dakong kanan.
ESCENA X.
Soledad.--Irog kong asawa kabiyak nang dibdib mangyaring dinguin mo ang ipagsusulit kung ako ay tunay iyong ini-ibig sa araw na ito huag kang umalis.
Vico.--Hindi mangyayari; asawa kong sinta ang lakad kong ito'y iyong maantala na sa pagbalik ko ay nakahanda na akong humiwalay sa aking kasamá.
Sa gayon ay paalam.
Soledad.--Huag mo akong iwan.
Vico.--Magtiis asawa ko.
Soledad.--Tanto mo n~g dati
kung ikaw'y málayo
n~g dalawang oras,
nasikdo ang puso
kung na sa tabi ka'y
biglang bumubugso
ang tanang ligaya.
Vico.--Aking natatanto
Kaya n~ga't sa tui nang
ikaw'y malálapit
sa aking panin~gin
ang asa ko'y lan~git
kung na sa tabi ka'y
masaya ang dibdib
kahit nalulunos
pilit nabibihis.
Soledad.--Alin pa ang lan~git
na di na sa akin
kung sa bawat oras
ikaw ay kapiling
kapiling ka lamang
kahi ma't malibing
bangkay mang mistula'y
bilang sa buhay rin.
Vico.--Anong sarap mong magmahal.
Soledad.--Ako'y iyong ipagsama lambing.
Vico.--Huag na asawa ko paalam aalis malungkot si Soledad.
Soledad.--Hindi ko napiguil ang asawang irog Lalabas si María.
ESCENA XI.
Maria.--¡Solédad! ¿Bakit nalulungkot?
Soledad.--Si Ludovico'y umalis.
Maria.--Bayaan mo't babalik.
Soledad.--¡Oh María! Ako'y mayroong nais n~gayong ipagtatapat.
Maria.--Turan mo Soledad n~g aking matatap.
Soledad.--Ang lilong si Agong magdaraya't sukab ay sa gabing ito'y ga ibig man~gahas. Ibig pan~gahasan ang pagka babai ilublub sa lusak sa asawang puri mahigpit na bantâ mamayang alas once gagahisin ako.
Maria.--¿Ano ang sinabi? ¿Bakit di sinabi sa iyong asawa ang masamang nasa n~g kanyang kasama.
Soledad.--¡Hindi ko maatim! maniwala Maria ang bigyang damdamin asawa kong sinta.
Maria.--Diwa'y ibig mo, eh?
Soledad.--¡Oh Maria! ako'y iyong turuan n~g makaligtas sa kamay n~g halimaw.
Maria.--Kung gayon tayo na sa loob at lihim nating pag-usapan aalis ang dalawa lalabas si Agong, Bakokoy at Pedro waring nagbubulun~gan.
ESCENA XII.
Agong.--Talastas na ninyo ang inyong gagawin ang magdadala n~g tampipe, ikaw; ang maleta, ikaw; ihahatid ninyo sa tren huag kayong aalis sa estacion hangang hindi umaalis ang tren niyang sinasakian, at walang sala mamiyang gabing mag aalas once, kayo din ang aking katulong.
Pedro.--N~gunit.....
Agong.--Walang n~gunit, ang malalaking bagay na aking na isip ay nasusunod, ¿ito ba lamang ang hindi? kapag kayo'y hindi sumunod sa nais ko, susumpain kayo n~g Bayan? ¿Hindi ba ninyo alam pág hindi ninyo tinupad ang bilin ko ipa boboycotage ko kayo at ako ang inyong punô? kung ang sambayanang tawo sumusunod sa bawat maibig ko ay kayo pa bang susuay, hindi mangyayari at saka natin tignan.
Bakokoy.--Naku parang kung ito'y magalit sa akin ay natatakot ako.
Agong.--Gayon din sabihin sa ating kapanalig, na sa lahat n~g botohang ating gagawin ako ang inyong iboto, gayon din na inyong papilmahan sa lahat ang papel na ito sa pan~galan ko.
Pedro.--¿Ano ba iyan?
Agong.--Huag n~g ipabasa, ang nakatalata diyan ating paa-alisin sa tungkol si Doctor dahil sa siya'y bubulong.
Pedro.--¿Baka ikaw ay namamali?
Agong.--¡Tío Pedro! ¡Tio Pedro! huag ninyo akong pagsusuman~gin ako ang ilagay ninyo sa tungkol niyang taglay, sapagka't akó ang inyong puno. Lalabas si Vico.
Vico.--M~ga kasama ako'y nahuli sa primer viahe kaya't sa segundo na ako sasakay.
Agong.--Sa bagay pala'y ikaw ay naparoon na.
Vico.--Oo katoto.
Agong.--Yayakapin ¡Oh! napakasíkap na aking kasama; kasama, kong magandang puso, sa bawat koma ay wun~gol si Pedro at si Bakokoy kasama kong mapagtapat.
Pedro.--N~g ipagbili ni Judas si Jesus ay niyakap muna.
Agong.--Kasama kong pinaglagakan n~g aking pagkakatiwala, at kasamá kong ...
Pedro.--Kasamá.
Vico.--¿Baka tanghaliin ako kasamá.
Agong.--Bueno Bakokoy ang tampipe, Pedro, ang maleta samahan ninyo ang aking kasamá.
Vico.--Bueno kasama adios aalis ang tatlo urong n~g urong si Agong hangang sa matihaya sa Palihan at puro adios ang sinasabi.
Agong.--Adios, adios, adios, adios. Pagkatihaya mutación calle Lalabas si Ludovico, Pedro at Bakokoy.
Bakokoy.--Ludovico kung sa hanga po n~g akin ay hindi co po ibig ang ikaw ay umalis sa gabing ito: dahil nabalitaan ko po sa isang kaibigan na lolooban ang inyong oficina kapag kayo'y umalis.
Vico.--Nariyan naman ang aking kasama upang magtangol.
Pedro.--Inaakala mo bang inaaring tawo n~g lahat ang iyong kasama? kilala na n~g lahat ang pagka apô-apô niyan, ang sabihin mo'y dahil pa sa tawong iyan kaya lolooban ang oficina; kaya't akong may sabing huag kang magtuloy; manubok ka n~gayong alas once n~g gabí at walang salang di may saka mangyayari; sa kali't wala kang makita magpatuloy ka bukas n~g pag-alis.
Vico.--Bahala na at aking iisipin paalam m~ga kapatid aalis.
Bakokoy.--Hindi rin tayo pinakingan.
Pedro.--Paanong ating gagawin kung gagahisin na si Soledad?
Bakokoy.--Babalugbugan ko. ¿Ikaw paano pong nasa sa loob mo?
Pedro.--Nasa sa loob ko kapag pinagpahamakan niya ang puri n~g ating kasamahan ay hambalusin ko lalabas si Agong kasama ang m~ga panday.
Agong.--Tio Pedro ¿Ano napilmahan na ba ang pinapipilmahan ko sa inyo?
Pedro.--Mayroon n~g man~gisan~gisang nakapilma.
Agong.--Tinamaan n~g bagkat na, ¿Hindi ba sinasabi ko sa inyong sa ayaw at sa ibig ay pilitin mo?
Bakokoy.--Napakahigpit n~g orden.
Agong.--Malapit n~g halinhan ang Presidente pag hindi akong nalagay patay kayong lahat, pag hindi ako naguing consejal, patay kayong lahat, pag hindi akong naguing punô ninyo, patay kayong lahat, pag hindi akong nahalili kay Doctor ... sa masarap niyang tungkol, kayong bahala; at ma-aari bang hindi akong malalagay pag kayong lahat ang naglagay sa akin? kaya Bakokoy pilma na Pipilma si Bakokoy ikaw; ikaw papipilmahin ang lahat ikaw, ikaw n~g ikaw ang sasabihin.
Bakokoy.--Naku linsiok Apô-Apoan n~ga pala, makago san Quinton. Lalabas si Totong.
Pedro.--Naito si Totong at dumaratin ito ang ayaw pumilma.
Agong.--Pumilma ka dito't akong ilagay mo
Totong.--Ang laya n~g tawo dapat mong igalang pumili n~g ibig kanyang maibigan ang isang pilma ko'y mahalagang tunay at sa mapag apo'y hindi gumagalang.
Agong.--¿Diyata't ikaw ang tatangui sa ako ang ibig n~g bayan?
Totong.--¿Ito'y hindi ko masabi?
Agong.--Sukat mong tantoin ako'y siyang puno
laging ginagalang siyang apo-apo
kahima't gawin ko'y ang paliko-liko
susuko kang pilit n~gayon ay yuyuko.
Totong.--Ang katuwiran ko'y hindi matatan~gay
tan~gain n~g agos n~g apo-apoan
yaong casiquismo'y dapat mong ilagan
pagka't itong siyag sa iyo'y papatay.
Sa awa at tulong mabuting Gobierno
binibiguiang laya ang lahat n~g tawo
tumupad sa matuid.....
Agong.--Sukat ka na lilo. at masusunod din bawat maibig ko.
Totong.--Masusunod mo n~ga bawat mahagap
n~guni't huag gawin sa nan~gadidila
kung ang palagay mo ang bayan ay bulag
itan~gi ang ila't di mo malalahat.
Agong.--Ako'y siyang hari.
Totong.--Noong m~ga pipe.
Agong.--Siyang masusunod.
Totong.--N~g bulag at bin~gi,
itan~gi ang iba't di mo mabibili
marunong magtangol sa sariling puri.
Agong.--M~ga kapatid sumpain natin ito walang kikibo kahi't isa paliliitin ang voces ni Bakokoy.
Bakokoy.--Ikaw ang dapat sumpain.
Agong.--M~ga kapatid mamatay ang ayaw pumilma sa aking nais Hindi kikibo ang lahat si Bakokoy lalong paliliitin ang voces.
Bakokoy.--Ikaw ang dapat mamatay.
Agong.--¿Hindi ba ninyo ako nakikilala? Hindi kikibo ang lahat nakatitig lamang si Bakokoy paliliit ang voces.
Bakokoy.--Kilalá na kita ikaw ang apô-apô kapatid n~g lapo-lapo.
Agong.--Tayo na Hindi kikibo ang lahat tayo na kayo.
Bakokoy.--Sumulong ka n~g mag-isa.
Agong.--Diyan na kayo kung ayaw kayo.
Bakokoy.--Adios tio Agong. Aalis si Agong padabog.
Pedro.--Umalis na parang hilong banak si Tio
Agong; ako sa inyo'y may sasabihin, tayong
lahat ay m~ga mangagawa ni tio
Agong, kung ang isa ba sa atin ay apihin
niyan, ¿anong mabuti nating gawin?
Lahat.--Pag-isahan nating iwan.
Totong.--Pagka't panahon n~g ating ipamalas
ang kahalagahan mangagawang lahat
n~g huag apihin tanang mahihirap
na anak n~g pawis, sadlakan n~g saklap.
Ang magtatrabaho'y palagui n~g yukô
samantalang siyang laguing bumuboô
sunodsunuran na sa pamimintuhô
siya pang lakpakan n~g pakasiphayô.
Kaya't panahon n~g kanyang makilala
yaong kalayaan n~g isa at isa
bawa't ipag-utos tayo'y tumalima.
sakali't lalabis, suman~gín pagdaka.
Pedro.--Kung gayon humanda kayong lahat, mamayang á las once n~g gabi ay walang salang di pan~gan~gahasan ni Tio Agong, ang asawa n~g ating minamahal na si Ludovico nauukol ang ating ipagsangalang ¿conforme kayong lahat?
Lahat.--Oo.
Pedro.--Kung gayon tayo na kayo mag-aalisan ang lahat lalabas si Ludovico.
Vico.--Puso ko'y kumakaba, dibdib ko'y tumatahip, kaya't paparoon ako n~g matanto ang kahulugan. Aalis mutación Sala rica nacahiga sa cama si Soledad madilim ang escena mayroong Quingque may ilaw, lalabas si Pedro at Bacocoy may m~ga garrote.
Pedro.--Bakokoy dito ka iuupo sa tabi n~g escena, ka pag ang babaye ay pumayag sa bakan mo n~g alis, sakaling hindi pumayag at pipilitin, lambanuguin mo na, at babalugbugang ko naman.
_uupo sa isang tabi dadating si Agong magdaraan sa bintana nacasun~gaw lamang bababang marahan lalapitan ni Bakokoy tampalin sa balicat magugulat si Agong magcucumpasan iuupo ni Agong sa isang tabi at lalapit cay Soledad marahang marahan lalapitan naman ni Bakokoy at babatukan si Agong magugulat matatacot pagcakitang si Bakokoy ang bumatoc sa canya magagalit_.
Agong.--Mabuti igapos ko ito, lalapitan si Bakokoy at tatalian pag catali icucubli sa loob n~g bastidor biglang baban~gon si Soledad tahimik mahihiga ulî.
Agong.--N~gayon hindi kana makalapit sa akin Lalapitan si Soledad dahan dahan lalapitan ni Pedro at babatukan magugulat si Agong ititiric ang mata ni Pedro babatukan sa cabilang tabi pabulong. ¿Sinong bumatok sa akin?
Pedro.--Pasigao. Akoy hindi makababatok sa iyo pagka't ako ay komang.
Agong.--Huag kang sumigaw dito ka itatabi sa tabi ng bastidor pagcaladcad tatan~gnan sa tain~ga lalapit na dahan dahan cay Pedro Pakiram-daman mo kung sino ang darating.
Pedro.--Pasigao. Ooooo mahaba magigising si Soledad waring magugulantang uupo sa silla malungkot.
Soledad.--Oh panaguinip kong
nag bigay bagabag
sa pananahimik
n~g pusong may sindak,
kahit mananawari
huag n~g matupad
ang tanang sinabi
ni Agong na Judas.
Tutugtog n~g las doce.
Soledad.--¡Oh! Labin dalawang umpog n~g tanso sa bákal Labis na n~g isa sa kapan~gakuan n~g Agong na taksil....
Agong.--Soledad kong hirang yayacapin.
Soledad.--Oh, ganid, halimao, lilo at lanuang.
Agong.--Huag kang maguitla sa pananahimik pagka't ito'y nukál sa ating pag-ibig pag-ibig na hindi
Soledad.--Ah, lahing alamid.
Agong.--Hindi magagatol ang aking nais.
Soledad.--Sumasamo akong iyo n~g talikdan ang lahat n~g nasa.
Agong.--Di mahahadlan~gan
Soledad.--Dapat mong isipin iyong kagagawan at mayrong infierno.
Agong.--Mangyaring pakingan.
MÚSICA N.o 4
Agong.--Pag-ibig ko'y di maampat
sa iyo irog kong Soledad
sukdang ang buhay ko'y mautás.
Pagsinta ko'y di kukupas.
Soledad.--Dapat mong igalang.
Pag-ibig ko'y paano naman
Agong.--Pagsintá mo'y di ko alam
pag-ibig kong mabubuhay
pag-ibig mo'y di ko alam
pagsintá ko'y mabubuhay
saksi kong pagkalalaki.
Soledad.--Ito'y walang kailan~gan
kung sa pag-ibig mamatay
pagka't aking sinumpaan
irog ko siya habang buhay.
Ito'y walang kailan~gan
ito'y walang kailan~gan
kung sa pag-ibig mamatay
kung sa pag-ibig mamatay
Agong.--Pagsinta ko kung maapi
pagsintá ko kung maapi
Saksi ko ang pagkalalaki
At di ko n~gani masasabi,
ang buhay mong mapuputi.
Soledad.--Ito'y walang kailan~gan (2 huli)
kung sa pag-ibig mamatay (2 huli)
Agong.--Pagsinta ko kung maapi
saksi ko ang pagkalalaki (2 huli)
di ko n~gani masasabi
ang buhay mong mapuputi.
Soledad.--Huag kang lubhang pan~gahás
sapagka't araw ay kung sumikat
pag may kulog at kidlat
nagkukulimlim agad.
SALITAAN
Agong.--Pakatantoin mong sa tangapi't hindi sa oras na ito'y hindi makikimi itong aking puso.
Soledad.--Ikaw'y namamali at di matutupad ang lahat mong mithi.
Susun~gaw sa bintana si Vico.
Agong.--Ang sabing mataas huag ipan~gahás ang lahat kong nais pilit matutupad.
Soledad.--Matutupad mo n~ga't ani mo'y malakás ang m~ga bisig mo; ¡lalaking ...!
Vico.--¡Pan~gahás!
Agong.--Sa n~gayon n~gayon din iyong tatangapin ang lahat kong impok nanasang pag-guiliw, at hindi ang hindi anyong yayacapin.
Soledad.--¿Iyong pipilitin?
Agong.--Oo, oo, oo.
Soledad.--¡Ah lahi kang taksil!
Ang lahat n~g ito ay iyong asahan
masusunod mo n~ga kung ako ay patay
Dudukutin ang punyal n~guni't kung hindi
ang kasasapitan
dito ay babaha _anyong sasaksakin, biglang
lalabas si Ludovico pipigilin ang kamay ni
Soledad_.
Vico.--Isalong ang punyal.
¡Itago ang punyal baca madun~gisan!
Sayang ang punyal mo na magkakadun~gis
pumatay sa isang gaya nitong ganid
mabuti pa ang hayop hindi nangagahis
gaya nitong tigre, hantik sa limatik.
Sayang nitong aking m~ga pagtatapat
n~g pakikisama sa gaya mong oslak
sayang ang n~galan mong sa baya'y natanyag
ang kapurihan ko'y di mo na nilin~gap.
Ano pa't ang ukol marapat na gawin
sa isang gaya mo, ang huag batiin
pagka't kawan~gis ka n~g hayop na kambing
kahit anong damo ay ibig lamunin.
¡Huag matigagali ikaw ay man~gusap
matapang sa musmos, duag sa malakas
ibig mong mag-apô sa pipe at bulag
duag, dun~go, kimi, sa nakákasukat.
Agong.--Huag palabisin ang pananalita at n~g di sa dugo dito ay bumaha.
Vico.--¿Ano ang tinuran?
Agong.--Ikaw ay gumawa dudukot n~g punyal.
Vico.--Ikaw pa ang matapang ...
Agong.--Wala kang hiya. Lalabas na biglang bigla si Bacocoy at si Pedro.
Ang dalawa.--Ikaw ang lalong walang hiya sasakalin si Agong n~g dalawa maglalabasan ang m~ga obrero may m~ga dalang garrote.
Agong.--Bakokoy ¿bakit ka nakapan~gusap?
Bakokoy.--Bakokoy, isip mo yata ako'y pipe, kaya pala ibig na ibig mong makisama sa akin dahil sa ako'y pipe, kawikaan mo'y kahit anong gawin mo'y masusunod mo ang ... pag-aapô-apoan, mula n~gayon iwala mo na sa isip mo ang pang-uulol at nahahalata ka na.
Agong.--Pedro, tio Pedro huag mo akong sakalin.
Pedro.--Tatawagin mo pa akong tio Pedro ganyan pala ang ugali mo, wala kang ibig úlulin kundi ang pinakikinaban~gan. Hoy tignan mo, dahil sa iyong kasamaan kita ay kina-aawaan, pagka't anong magagawa ko talaga n~g palang masama ka.
Juan.--Maraming kuntil butil ¿lalantakan ko na po? aambaan n~g hampas n~g garrote.
Vico.--Huag, huag at marurumihan ang inyong dan~gal na sumakit sa gaya niyan, ang marapat na gawin dayukdukin sa hapis at saka bayaan.
Pedro.--Kung gayon alsa tayong lahat. Babalaan at waring mag-aalisan.
Agong.--¿Saan kayo magsisiparoon?
Bakokoy.--Huag mo na kaming habulin n~g hindi ka mapahamak.
Lalabas si María may dalang ilaw.
Maria.--¿Sinong pan~gahas iyan?
Agong.--Ako Maria.
Maria.--Ah, ikaw pala, n~gayon ka lamang namin nakilala kaya pala ibig na ibig mong ikaw ay susundin, ¿ha? taksil, baliw, talipandás, balawis, ganid, halimaw, lilo; sukab, ulupong at ... ¿Ano pa ba ang masamang na sa diccionario, para maitumbas ko sa sama n~g tawong iyan? ¡Wala na! Husto na, kaya ... Bakokoy, Pedro, Juan. Handa kayo. waring aambaan n~g tatlo si Agong. Susunod ka sa bawa't ipag-utos namin. Sapagka't kami ang madalas sangkalanin n~g iyong pagka lanuang dahil sa mabuti kang manghin~gi n~g contribución, ganitong gawin mo, isasahod ang caliwang camay, sapagka't ikaw ang malimit umapi sa kababayan mo, ganitong gawin mo, isusuntoc ang canan ipagpalagay mong ako ang bayan Luluhod si María sa harap ni Agong.
Lodovico.--Kilanlin ang apô ayaw makisama
kung hindi sa pawang mauulol niya
mag mula sa n~gayon idilat ang mata
pagka't daig nito ang m~ga bívora.
Ating pamangkaan matingkalang bilin
n~g bantog na Rizal tumubos sa atin
kailan man anya at walang alipin
walang manglulupig walang mananaksil.
WAKÁS.
* * * * *
P.S. Lopez.
KUNG SINONG
="APÔ-APÔ"=
KASAYSAYAN
MAYNILA
Limbagan nina Fajardo at Kasama
Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz
=1908.=
=Sa aking Bayan=
Sa dawag n~g pait, noong kadiliman
pinilit pinigâ sa papel makintal
tanáng pag-ibig kong, di bun~gán~gâ lamang
pag-giliw sa dibdib, doon bumubukal.
Bagá man at kapós sa dunong ay sahól
kapahatáng ito'y hindi iu-urong
kahi ma't sa dugo'y piliting luman~goy
pagsisikapan ding ipatanto n~gayon.
Panahon naman din n~g pagsisiwálat
n~g matandang sakit na sa pusong sugat.
¡Gaya n~g pagtakip! mapanglaw na ulap
sa m~ga bituin, anak n~g liwanag.
¡Ilaw ang hin~gî ko! upang matanglawan
ang napatatan~gay, sa apô-apôan
at kung hindi ito ang gawing tuntunan
ilagay sa limot yaong Kasarinlan.
Ang alin mang bayan, ang alin mang hulô,
ang alin mang pook, pag may Apô-apô
ay hindi uunlad, may magandang pusô,
ang santong matuid palagi n~g likô.
Pagkathâ ko nito bumabasang giliw,
hindi ko na náis ang ako'y purihin
kapamanhikan ko't mataos na lambing
kung babasahin mo, ikaw'y magsalamin.
Dahil sa alám kong panitik ay básal
kung isulat ko pa'y sumasalagalsál
kaya't balang letra'y mayrong kalabûan:
bahálang puntero n~g babasang pahám.
¡Bayan ko'y malasin! ang pagsusumakit
n~g bawâ at pahat sa iyo'y ninibig
sukdang salsal, pulpól ang aking panitik
di nag-alinlan~gang sa pula'y mabulid.
=Pantaleon S. Lopez.=
Calle Narciso No. 59 (Pandacan.)
I.
Kung sinong Apô-Apô.
Nang unang sábado n~g Mayo taón 1908 mayroong nangyaring nakalalagim sa pusong dalisay, sa isá sa m~ga bayang sakop n~g Kamaynilaan. May pinalabás na dulâ na di iba't ito'y ang: «Apô-Apô» pamagat n~g zarzuelang iyon. Alay n~g may kathâ sa sariling bayan, obrang walang tinutukoy kundi lumiwanag ang punô n~g dilím na pinaguulapan, dito'y may Apô-Apôang nanood sa nasabing palabás; ito'y isáng tawong pinakahari n~g kadiliman kaya't ang kanyang pan~galan ay: Agong kadiliman; isáng tawong kalaban n~g liwanag, isang tawong kalaban n~g kanyang pinakikinaban~gan, isang malimit gumahasâ n~g katwiran, hindi matangkad, hindi pandak ay kulang sa sukat: hindi katandâan n~guni't maputî an~g anit n~g ulo. Sa ganito'y bahalang magkurô ang irog na bumabasa, kung gaano ang buti't sama ni Kadiliman. Ating pagmasdan ang nangyari sa loob n~g dulaan samantalang itinatanghal ang «Apô-Apô:» N~g sumapit ang escena na pinipilit papilmáhan ang isang kasulatan upang ito'y ihalal sa pagpupunô dahil sa itong laging panaginip ni Agong na siya ang punô sa lahat, na ayaw pilmahan ni Totong n~galan n~g ayaw pumilma sa obra, walang isinásagot kundi ganitó:
«Ang laya n~g tawo'y dapat mong igalang
pumili n~g ibig kanyang maibigan
yaong casiquismo'y dapat mong ilagan
sa pagka at siyang sa iyo'y papatay.»
Nang ito'y madinig ni Kadiliman na binangit ni Totong ang kanyang sugat, waring nag dilim ang m~ga panin~gin, na alinsan~ganan at sinabayan nang tindig na waring sumusuling na banak, siya'y napuná n~g isang filosopito na sa kanya'y nakapansin, kaya't tinanong n~g ganito:--¿Bakit namumula ka?--Naiinitan ako ang sagot.--¿Sa daming tawong nandito n~gayon, ikaw lamang ang naiinitan?--Masamang obra iyan, ang pagigíl na sabad ni Agong Kadiliman, anyong pa-alis na hinihimas ang anít niyang tuktok.--Hintay ka muna ang paampat na sabi n~g kausap.--Hwag mo akong pigilin at ako ang pinatatamaan n~g obrang iyan, ang paan~gíl na sagot ni Kadiliman.--Halika ang pabanayad na salita n~g filosopito; ipalilinaw ko sa iyo ang Teatro, Dulaan diumano, anáng m~ga manánagalog; ang Teatro. Ayon sa sabi nang bantog na poetang si Ciceron «salamin anyang mapaná-nalaminan n~g pag-uugali» kung ikaw ay talagang pan~git at kung talaga kang ganoon. ¿Bakit ang salamin ang kagagalitan mo? gayon din naman. Kung itong talaga mong gawa: ¿Bakit ang obrang iyo ang kagagalitan, at hindi ang sarili mo? Kaya't kung ipinalagay mong ikaw ang namimilit paboto, at ibig gumahis sa layâ n~g tawo, bagohin mo na't kahabag-habag ka lamang. Sa madinig ni Kadiliman ang salitang ito ni filosopito umin~gos at sinabayan n~g alis, kahit hindi pa natatapos ang palabás, natawa n~g lihim si filosopito, sinabi sa sariling marahil ikaw ang Casique sa bayang itó.
II.
Ang pag-owi sa bahay ni Kadiliman.
Dumadagundong n~g pag akyat sa bahay niyang sarili si Kadiliman, at siyang dahil n~g ikinagulat n~g kanyang asawa na waring na aalinpun~gatan, si Kadiliman ay ku-kumpas-kumpas, lakad n~g lakad sa loob n~g bahay, at manakâ nakang nagbubuntong hinin~ga kasabay ang salitang ¡gaganti ako! at sasabayan n~g upo sa mésa at pipigilan ang pluma, isasaw-saw sa tintero, si Lolay namang kanyang asawa ay nakasubok at namamanghâ n~g labis sa kay Kadiliman, at sa kanyang sarili ay binuka sa bibig ang salitang: ¡na u-ulol yata itong aking asawa! tutop na ni Agong Kadiliman ang kanyang makitid na noó; biglang lumabas sa silid si Lolay niyang asawa at tinanong n~g ganito:
--¿Ano ang nangyayari sa iyo? n~gasab n~g n~gasab si Kadiliman at hindi pansin ang asawang nagugulumihanan sa kanyang ayos, at biglang naghimutok si Kadiliman natín, sinabayan pa n~g sabing ¡Pater Filus Patris! ang kahulugan ama, anak ko't m~ga kapatid ang hinin~ga ko'y nagkakasabid-sabid, muli na namang tumanong si Lolay:
--¿Anong nangyayari sa iyo?
--¡Ay! ... ang mabanayad na tugon ni Kadiliman maputlang maputla.
--¿Bakit?
--Natatanto mo ang sagot ni Kadiliman si Autor. Hito'y gumawa n~g retrato ko sa teatro, kaya't kung aking pakiramdaman ang m~ga mata n~g nag sisipanood sa akin ang tin~gin, kaya't hindi ang hindi ko sasagutin, dahil sa talos mong malapit n~g mag eleccion ó mag halálan para concejál, ibig kong magprisinta n~g candidatura. Kung paniwalaan n~g taong kalahatan ang pagpapaliwanag na iyan ni Hitô pehong-pehong hindi ako ang lalabas kaya't kahit pabalubaluktot mag iisip ako n~g paraan upang pagulapan ang m~ga matá n~g m~ga maghahalal.
--Katwá kang tawo ang pakli ni Lolay, dapat mong isipin tayo'y may labis na kaya sa kabuhayan na minana, ko sa aking amang si Pirong Botete ¿Bakit mo pá hahan~garin ang panunungkulan?
--Ulol na tawo ito, ang pa-an~gil na sagot ni Kadiliman, hindi iyan lamang ang mangyayari kundi mawawalan sa akin n~g pagkakatiwalâ ang lahat.
--¿Bakit, ang sagot ni Lolay na nan~gan~galigid sa dalawang mata ang luha?
--Magtahan ka, ang sagot ni Kadiliman, at hindi mo dapat maalaman ang kalihimang ito, sulong, matulog kana, muli na namang nagbububulong; hindi maubos madili ni Lolay ang ligálig na ito n~g asawa niyang irog kaya't napilitang nan~gusap n~g: Hito pala lamang ang may sulat niyan, di bayaan moná baká ka pa matibô, at sinabayan n~g hatak sa kamay na may pluma tayo na asawa ko; batak-batak hangang sa kanyang hihigan at saka lamang na tahimik si Lolay, bakit mag-uumaga na; anopa't nang nakahiga na si Kadiliman, ay satuina't magigiling ang matá sa paghiga, bigláng nagugulantang na tila na wawari ni Kadiliman na siya'y binabatak nang m~ga kaluluwa sa Purgatorio na nagsipagbayad sa kanya bago málibing, at ang isa sa m~ga kaluluwang ito'y nan~gusap n~g malumanay na waring nangagaling ang voces sa ilalim n~g lupa ganitô ang sabi n~g kalulwa: Kadiliman, Kadiliman, magsisi ka n~g iyong sala ¿saan mo dinádalá ang kwalta n~g m~ga patay bago ibaon? Hwag kang mang-ulol sa kababayan mo, liwanagin mo sa iyong m~ga kasáma ang bagay na nasaiyo, n~g matapós masabi n~g kalulwa ang bagay na ito, napabalikwas si Agong Kadiliman ang isa pa'y umaga na; nagbihis na madaling madali at tinun~go ang bahay nila Bakokoy,
III.
¡Ang pakikipagkita ni Kadiliman sa canyang m~ga casama!
¡Ay Bakokoy! ganito ang unang taghoy ni Kadiliman, na akmang paiyak, ¡bigyan mo ako n~g kaunting Hiniébra! ¡hindi pa ako nag-aalmusal! si Bakokoy naman tila n~ga ibig mahabag sa kanyang maestro n~g mapagmalas ang anyo, na tulad sa corderong maamo, dahil na si Bakokoy baga man hindi pipe, talagang may ugaling sacristan kahit tanto niyang likô ang gawa n~g kanyang maestro, amén na lamang n~g amén, kaya't ganito ang unang tanong n~g ating Bakokoy: ¿Bakit ano pong nangyari sa iyo? pag hindi ko sila hinamon n~g away talo ako! sapagka't si Bakokoy ay magaling daw na estocador natatalastas ninyo ang pasigaw na sabi ni Agong pinatamaan kayo, ¿hermano mayor po ba sa kandila? ang sabad ni Bakokoy sagot ako sa huli, limang piso pa ang aking contribución; hindi, ang marahang sagot ni Agong kundi noong palabas n~g ikalawa n~g Mayo n~g taong 1908 di umano'y m~ga han~gal daw kayo kaya n~gayon din tawagin sila Tarorang Susô, Ponsa Kaligay, at Giday Lasenga n~g matalos nila ang kanilang gagawin; kumaraykay naman n~g takbo si Bakokoy na iimbol-imbol ang tiyan pinagtatawag ang kanyang m~ga kasama; natawá n~g lihim si Agong Kadiliman at sinabi sa kanyang sarili: Ako ang pinatama-an n~g obra ni Hitô sasabihin ko kina Bakokoy na hindi ako, kundi silang aking m~ga kasama at sina Tarorang Susô; oo, oo, ito n~ga ang mabuti, halos walang kalahating oras narito na ang m~ga tinawag, lugay pa ang buhok ni Tarora at si Ponsa naman hindi na nakuha ang magtapis, at si Giday naman ay may kalasin~gang humarap sa pulong, ganito ang unang lantak ni Kadiliman: M~ga kapatid: Isinasauli ko ang aking tungkol na pagka presidente n~g ating kapisanan, ang pamagat n~g kanilang kapisanan ay «Pinag-uulapan»; isinasauli ko ang aking tungkol na pagka secretario, isinasauli ko ang tungkol kong pagka Tesorero, sa makatuid ang tatlong tungkuling aking taglay isinasauli ko na dahil sa maraming naiingit; noon naman ay nakasubok si Tenteng Kamagong na isa din sa m~ga kasapi n~g samahang, Pinagu-ulapan, sapól ang sikmura at nag-iihit n~g tawa, nalin~gon-lin~gunan siya ni Lasenga, kaya't tinanong n~g: ¿Bakit nag-iihit ka n~g tawa? tumugon si Tenteng Kamagong n~g: niloloko tayo at sinabayan n~g kaskas n~g takbo pagka't alam niyang Lasengo't Lasenga ang kanyang kausap, ipinatuloy ni Kadiliman ang kanyang sermón na waring namamaos ang voces n~g pagsasalita; kagabi anya nanood ako n~g teatro; ay pinalabas doon ang buhay ninyo at hindi ang buhay ko, hindi ko na sasaysayin ang kalahatlahatan, kundi lahat na lamang n~g makailan~gan; kayo di umano'y pipe, bulag, kimaw, pilay at bin~gi, si Hitô anya'y kaibigan ko, kaya't hindi niya ginawa iyón para sa akin kundi udyok lamang nang m~ga naiingit sa akin; (tumalikod ang Kadiliman natin at n~gumitî n~g lihim, sinabi sa kanyang sariling: Hindi ko sasabihin sa inyong ako ang pinatatamaan n~g di ninyo wikaing ako n~ga'y talagang ganoon), hinarap na naman ang m~ga kausap at ipinatuloy ang pagsasalita kaya't ang marapat lahat n~g palabas na gagawin ni Hitô huag ninyong papasukin, sa á diez y seis may palabas na naman, sabihin sa ating m~ga kapanalig na huwag pasukin; ang panabay na sagot n~g m~ga kausap, lalakad na kami n~g maibansag sa lahat na huwag pasukin at boycotage ang gawin sa sa palabas na iyan, naghiwahiwalay na patumba-tumba ang laseng at lan~go.
IV.
Kung ano ang Teatro at pagkikita ni Tengteng Kamagong at Agong Kadiliman.
--Si Kadiliman ay nakahampilas sa isáng Bar at waring malainibay, siyang pagdaan ni Tenteng Kamagong na nakabastipol tinawag ni Kadiliman at ganito ang bati.
--Halika n~ga Kamagong.
--¿Ano ba Kadiliman tila nagdidilim ang pan~ganorin mo, ha?
--Hindi katalasan lamang ang pakli ni Kadiliman. ¿Bakit ba umalis ka't di mo tinapos ang pagdidimite ko n~g cargo?
--Mangyari, ang sagot ni Kamagong, walang makatatangap n~g cargo mong iyon.
--¿At bakit? ang sagot ni Kadiliman, na waring nagmamalaki.
--Sinong ulol ang tatangap n~g tatlong cargo, sa isang kapisanan?
--Mangyari iyon ang talagang ibig ko, at tan~gi sa roon walang makapan~gan~gahás sa ating m~ga kasapi upang humawak n~g pagka Presidente, pagka Secretario at pagka Tesorero; ¿Hindi ba talagang mayroon? sa hindi inaasicaso. ¿Paanong ibig mong sabihin? Kaya ginaganap ko n~g lahat, ang pagalít na sagot ni Kadiliman.
--¿Bakit hindi kapagkaraka'y ipinagbigay alam mo sa kapisanan na di tumutupad ang Tesorero at Secretario n~g makapaghalal n~g iba't sinarili mo?
--Hindi mo ba tantong bawal sa alin mang kapisanang mapísan ang tatlong cargong iyan sa isang tawo? ¿Kung pumarito sa iyo ang fiscal general at hin~gan n~g cuenta ang secretario ikaw ba ang magpipirisintá n~g kasulatan? ¿Kung hin~gin sa iyo nang fiscal ang linaw kung magkanong naiipong kwalta n~g samahan sa m~ga ambagang ating nagawa? ¿Paanong gagawin mo? ang lanták ni Tenteng.
--Ipakikita kong lahat ang nariyan, ang sagot ni Kadiliman.
--¿Kung sabihin sa iyo n~g fiscal, na ginasta mo ang kalahati?
--Ipagpipilitan kong hindi, ang sagot ni Kadiliman.
--¿Maniniwala na ba sa iyo ang fiscal, na ikaw ay malinis sa hinugasan, kung wala kang ipakitang katunayan? sa ang gawâin n~g tatlo'y ibig mong kamkamin, dan~gan ang ikaw ay sabík sa tungkol, dan~gan an~g kami yata'y ibig mon~g lokohin, dan~gan ang ikaw ay napakamangmang; makita mo't ikaw din ang magsisisi pagdating n~g araw, ang paala-ala ko sa iyong ito'y hwag mong masamain pagka't mangyayaring ikaw ay mapaghimasukan n~g fiscal dahil sa ang gawa mong iyan at ang kwaltang naiipon sa iyo ay hindi mo kualta kundi pilak n~g marami, na dapat matanto n~g kapulun~gang namamahala, hindi n~g isang tawong namamahala sa isang kapisanan; ganiyang lahat ang kapisanan, tungkol n~g Presidente ang man~gulo sa lahat n~g bagay na kailan~gan, tungkol n~g Secretario ang mag-in~gat n~g m~ga kasulatan n~g kapisanan, tungkol n~g Tesorero ang mag-in~gat n~g kayamanan n~g Kapisanan, kaya't ang tatlong tungkuling ito dapat sa tatlong tawo, n~g upang lumiwanag ang pagsasamahán, ang Secretario na may tan~gan n~g man~ga kasulatan siyang dapat na maka-alam nang kwaltang na sa tagoan, dahil na siya ang may hawak n~g kasulatan, ang Secretario ang dapat maghawak n~g kasulatan ó makaalam sa m~ga nangyayari sa kapisanan, dahil na siya ang gumagawa n~g acta at ang Tesorero ay dapat magkaroon n~g kapanagutan sa kapisanan n~g itinatago niyang kwalta, kung magkano man, ayon sa kasulatang taglay n~g Secretario na kanyang pipilmahan; ang Presidente ó pinakapan~gulo n~g Kapisanan, ang kailan~gang magsuri kung tama ó hindi ang inaanyo n~g dalawa niyang katulong, kung sakaling hindi tama ang sino man dito, siyang bahalang magpaliwanag sa m~ga kasapi, kung tamâ naman, ay pipilmá din siya sa kasulatan sa ilalim n~g wikang Visto Bueno, sa makatwid ang kahulugan: nasiyasat kong mabuti, dumating man ang fiscal mag reclamo man ang kahit sino, maliwanag ka sa iyong tungkol, dahil na tatlo kayong nananagot sa lahat n~g mangyayari; hindi ganitò ang gawa mo, kundi tila ka, si Tiberio Cezar ang maibig ay dapat papangyarihin hindi ka naman emperador. ¿Bakit ibig mong mag Empera-emperadoran? at sa tagalog naman ibig mong mag Apô-Apô.
--Hinawakan ni Kadiliman ang paraskó n~g hiniebra at lalantakan si Tenteng at sinabayan n~g wikang: naiingit ka yata.
--Hindi ako naiingít ang pailag na sagót ni Tenteng, kundi: ikaw na ang Presidente, ikaw pa ang Secretario at ikaw pa man din ang Tesorero, at kung dumating pa ang fiscal ibig mo pa manding pang Apôan, baligtad ang bituka mo.
--Marahil isa ka sa nagsulsol sa kay Autor Hito; m~ga ingitero, ang paismid na sabi ni Kadiliman.
--¿Bakit? ang patawáng tanong ni Tenteng.
--Buhay ko ang pinalabás sa Teatro noong ika 2 n~g Mayo, ang sagot ni Kadiliman.
--¿Bakit, binangit ka ba?
--Hindi n~ga ang tugon ni Kadiliman, n~guni't katulad na katulad n~g aking ugali ang asal ni Tio Agong sa obrang Apô-Apô na itinanghal.
--Hwag kang pahalata, ang pakli ni Tenteng; kaya't dingin mo't ipaliliwanag ko sa iyo kung ano ang Teatro. Ang Teatro ay bahay aralan n~g pag-uugali, at salaming mapananalaminan n~g nanonood, batyagin mong magaling itong aking sasalitín: Kung ikaw ba'y may kalasin~gan na waring namumun~gay ang mata mo, ikaw ay mauban, mapula ang m~ga puti n~g matá mo at saka ka manalamin. ¿Hindi kayâ pan~git ang makikita mo sa salamin?
--Mangyari, ang pabigláng sagot ni Kadiliman.
--Bien katoto: Ang pabiglá din namang sagót ni Tenteng, n~guni't ... ¿Sino sa inyong dalawa nang salamin ang may kasalanan, ikaw ba ó ang salaming napalaminan n~g iyong pan~git na pag-uugali?
--Walâ kaming kasalanan kapwa, ang tugon ni Kadiliman.
--Humalakhak n~g tawa si Tenteng; sa bibig kita nahuli ang pasigaw na sabi in Tenteng, Kamagong; e ... ¿Bakit mo kinagalitan si Hito?
Mangyari sinulsulan lamang siya n~g m~ga naiingit sa akin, ang marahang tugon ni Kadiliman, tulad din naman sa pagsulsol ko na hwag pasukin ang palabás ni Hito.
--Malî ang iyong akalà na iyan ay sinulsulan lamang, at idinugtong pang sabi ni Tenteng, marahil ganyan ang gawa mo kung kaya ka nagdamdam; n~g masabi ito ni Tenteng nilabnót ni Kadiliman ang kanyang ulo't umuwing dalidali, lumakad na naman n~g patuloy si Tenteng na humahalakhak n~g tawa.
V.
¿Anong laya n~g isang tawo?
Sa pág-uwi ni Kadiliman, natagpô nito si Goring na pinakamaganda sa bayang yaon, at ganito ang unang bati ni Goring: Tio Agong.
--Hindi ako ang si tio Agong, kundi ako ang si Agong Kadiliman ang naging tugon.
--¿Bakit ka bulong n~g bulong? ang pamanghang tanong.
--¡Ay Goring! ... ang pahinagpis na lantak ni Kadiliman; alang-alang sa ganda mong taglay, sa buti mong pag-uugali, sa karunun~gan mong magwikang inglés, sa kanipisan n~g iyong labi at pagkamairugin mo sa kababayan, ako'y iyong tulun~gan.
--¿Sa ano? ang tanong ni Goring.
--Nang pagpatay kay Hitô.
--Kung huli mo na madali kong patain.
--Hindi ko n~ga madakip, napakadulas.
--¿Ano bang samâ ang ginawâ sa iyo?
--Sumulat n~g zarzuelang tulad na tulad sa aking pag-uugalî.
--Sa makatwid tawong, ang pan~galan ay Hito. ¿Bakit naman natin papatain, at papaanong gagawin nating pagpatây? kababayan pa naman yata natin.
--Ow ... Goring, bayaan mo na n~ga ang kababayan kung siya namang magiging dahil n~g hindi ko pagkaluklok sa pagka consejal, kung maaprobahan na ang Bill Adriático; at ang pagpatay na ating gagawin ay ganito: ipananabi mo sa lahat na ang obrang yaon ay masama huwag mong sabihing sa akin patama, sumulat ka sa periódicong «Manila Times» at «The American» pagka't magaling ka rin lamang sa wikang inglés, pag ito'y hindi mo ginawa, tatampuhan kita, talos mo na.... at pag aco'y naging consejal, ako ang bahala sa iyo upang ikaw ay......
Nang marinig ni Goring ang ganitong saysay ni Kadiliman; umalimpuyó sa kanyang dibdib ang n~gitn~git, galit, yamot na halos kuyumusin ni Goring ang dila't labi ni Kadiliman at nag wika n~g gayari: tantoin mo Agong Kadiliman n~gayon ay hindi tagdilim, kundi tagliwanag; kaya't kahit maging kahulihulihan, cargador, bankero, sakatero at magbubukid ay nakatatanto na n~g kahulugan n~g tinatawag na libertades individuales ó layâ n~g bawa't tawo; hindi n~gan~gayon lamang isinisigaw n~g bayang filipino na nais namin ang magsarili, ó Ang Independencia kaya't tandaan mo itong ipagtuturing: magkaroon man tayo n~g Independencia ó pagsasarili, at buháy ang casiquismo ó pag Aapô-apôan, wala din tayong kahihinatnan.
--¿Bakit? ang papaós na tanong ni Kadiliman.